Nasaan Ang katarungan?

892 10 0
                                    

Nasaan Ang katarungan?
Kung ang tingin ng lipunan sa ating mga babae ay mahihinang nilalang.
Ano ang mali sa ating kasarian?
Pareho naman tayong nanggaling sa sinapupunan
Pinaglihi at isinilang sa parehong paraan
Maging sina malakas at maganda ay sabay na lumabas sa isang kawayan.

Patas ang mundo ngunit hindi ang tao
Basehan ba ang kasarian,ang kahirapan upang malaman Kung sino ang mas nakakalamang?
Nakakalungkot man ngunit iyon ang naging basehan ng mga taong ganid sa kayamanan.

Taong nangagarap makamit ang katarungan
Ginagawa ang lahat upang mapatunayang
Mali ang lipunan
At mga taong ganid sa yaman.

Anong silibi ng karangalan,kapangyarihan at salapi
Kung walang kasama sa gitna ng pighati.
Kung kayamanan ang pagbabasehan,bakit may mahirap pang isinilang?
Pagkat para sa Panginoon, lahat ay pantay-pantay sadyang tao at lipunan lang ang nagtatakda ng hindi pagkapantay-pantay.

Maraming taong natatapakan,
Dahil sa hindi patas na batas ng lipunan
Hindi nabibigyan ng hustisya, ang mga taong napagbintangan,
dahil sa mga taong sakin at gahaman.
Nasaan ang katarungan?

Mga Tula Where stories live. Discover now