mahinang halinghing kasabay ng agos,
ng luhang kahit kelan ay di matatapos.
mahinang humihikbi sa dilim,
habang hinahanap ang isang munting lilim.kasabay ng pag-agos ng luha,
ay ang paki-usap na 'tama na'.
ang pag-agos ng dugo,
na siyang sanhi ng pagliit ng mundo.isang babaeng nakikiusap,
na huwag gahasain sa harap.
hinihiling na sana'y siya na lang ay pinatay,
huwag lamang mawalan ng dignidad sa buhay.
YOU ARE READING
Mga Tula
PoetryThis poem is about heartbroken, secret love,unsure relationship, regrets about something, about family, friendship.