hindi niyo alam kung ano ito,
isa itong malalang sakit na pwedeng pumatay sa tao.
sa dami ng problema na dumating,
hindi ko na alam kung ano ang aking uunahin.simulan natin sa ating pamilya,
kung saan ang pagkakamali mo lang ang nakikita nila.
palaging sinasabing wala kang kwenta,
kahit di nila alam ang iyong nadarama.magulang na palagi mong sinusunod,
para mapasaya sila kailangang ika'y malunod.
habang sila'y nagsasaya unti-unti ka nang napapagod,
hanggang sa di mo na alam kung ano ang susunod.sa eskwela naman na puno ng pekeng tao,
kung saan walang ibang ginagawa kundi manghusga ng kapwa-tao.
mga estudyanteng di man lang kayang tignan ang sarili,
pero kung makapanghusga parang kakambal ka ng elepante.nakakapagod na alagaan ang iyong pangkaisipang kalusugan,
habang pilit na sinusubukang huwag mawalan.
habang pinipilit na mapasaya ang kaibigan at pamilya,
nakakapagod na,na parang gusto ko na lang mawala.ang mundo kong madilim,
kung saan para
YOU ARE READING
Mga Tula
PoetryThis poem is about heartbroken, secret love,unsure relationship, regrets about something, about family, friendship.