tula para sa aming guro

682 1 0
                                    

mahal naming guro,
labis ang kasiyahan ng aming mga puso.
sa iyong tiyaga,kahit kami'y sakit sa ulo,
at minsan mabait madalas laging magulo.

aming guro ika'y aming hinahangaan,
sa iyong tapang at kabaitan.
kapag pasaway ang aking kamag-aral,
lumalaki lang mata mo at marahan silang pinapangaralan.

ang iyong aral ay papahalagahan,
sa puso ay nakatatak at sa isipan.
nais naming ikaw ay pasalamatan,
kaya ang tula na ito ay para sayo lamang.

ang mga titik at salita,
ay itutugma para sayo, pangalawang ina.
sa bawat taludtod ng tula,
kasungitan at kabaitan ang iyong mababasa.

ang kaalaman na iyong ibinahagi sa amin,
ay isusulat sa bato,pagsapit ng takip-silim.
sa buwan ay nakatatak,na parang liwanag sa dilim
nang kahit alon ay di kayang pawiin.

ang minsang iyong pagsusungit,
na nauuwi sa galit.
ngunit kami'y iyo paring inunawa,
sapagkat sabi mo,kami parin ay bata.

sa kapighatian at kalungkutan,
kami'y iyong dinadamayan.
kahit ika'y isang maliit na nilalang,
liwanag mo parin ay lalamang.

liwanag mo'y aming ibabahagi,
nang ang iba ay matuto ng pumili.
Nang buhay na kanilang tatahakin,
kung hindi ba masasaktan ang kanilang mga damdamin.

ika'y aming binabati,
maligayang araw ng mga guro binibini.
nawa'y masiyahan ka sa aming munting kaloob sa iyo,
sapagkat wala kaming pera o kahit na ginto.

Mga Tula Where stories live. Discover now