Maligayang araw ng mga guro,
Salamat sa lahat ng iyong mga itinuro.
Sa iyong kabaitan at pagkaunawain,
Patawad kung nasaktan namin iyong damdamin.Patawad kung ika'y tinanggal sa group chat,
Kami'y nag-uusap kung paano ka magugulat.
Sa aming munting sorpresa,
Hangad naming ika'y naging masaya.ang iyong aral ay papahalagahan,
sa puso ay nakatatak at sa isipan.
nais naming ikaw ay pasalamatan,
kaya ang tula na ito ay para sayo lamang.ang mga titik at salita,
ay itutugma para sayo, pangalawang ina.
sa bawat taludtod ng tula,
kasungitan at kabaitan ang iyong mababasa.ang kaalaman na iyong ibinahagi sa amin,
ay isusulat sa bato,pagsapit ng takip-silim.
sa buwan ay nakatatak,na parang liwanag sa dilim
nang kahit alon ay di kayang pawiin.ang minsang iyong pagsusungit,
na nauuwi sa galit.
ngunit kami'y iyo paring inunawa,
sapagkat sabi mo,kami parin ay bata.sa kapighatian at kalungkutan,
kami'y iyong dinadamayan.
kahit ika'y isang maliit na nilalang,
liwanag mo parin ay lalamang.liwanag mo'y aming ibabahagi,
nang ang iba ay matuto ng pumili.
Nang buhay na kanilang tatahakin,
kung hindi ba masasaktan ang kanilang mga damdamin.ika'y aming muling binabati,
maligayang araw ng mga guro binibini.
nawa'y masiyahan ka sa aming munting kaloob sa iyo,
sapagkat wala kaming pera o kahit na ginto.
YOU ARE READING
Mga Tula
PoetryThis poem is about heartbroken, secret love,unsure relationship, regrets about something, about family, friendship.