Ikaw ang dahilan kung bakit ko nasimulan,
sayo nagsimula ang nararamdaman,
kung bakit naisulat ko ang ating kwento,
at nasimulan ito ng buong puso.ngunit sa kalagitnaan pa lang,
nanghihina ang tulad kong matapang
unti-unti ako'y nalulunod,
hindi na alam kung ano ang susunod.ikaw ang paksa sa prologo,
dahilan kung bakit napapangiti ako
pero ngayon ika'y wala na sa tabi ko,
at wala kana sa epilogo ng kwentong isinulat ko.ikaw ang aking prologo,
ngunit hindi ang epilogo.
ikaw ang aking simula,
ngunit hindi ang dulo.
YOU ARE READING
Mga Tula
PoesíaThis poem is about heartbroken, secret love,unsure relationship, regrets about something, about family, friendship.