011

100 15 0
                                    

Kabanata 11

Ngayon ang unang practice namin para sa moving up at kailangan may kasama ang mga teacher para mag monitor samin, kaya pumili sila ng tatlong senior high na may intimidating look, at talagang mapapasunod ang mga students na nasa loob ng malaking gym.

And as expected number one na napili nila si Code while may isang babae na hindi ko kilala pero mataray tignan at isang lalaking cute at bagong crush ko.

"Ang pogi nong naka-black polo shirt, is he a transfere kaya ngayon ko lang nakita?" bulong ko.

"Tigilan mo yan at baka biglang magwala si Code dito. Tignan mo nga mga tingin niya parang kakatay ng tao."

Matamis akong ngumiti kay Code pero inirapan niya lang ako, ang sungit naman nitong crush ko parang hindi nanghihingi ng kiss. Sa ilang buwan naming pag uusap ni Code unti-unti ko nang nakikilala kalahati sa ugali niya, ang mga trip niya sa buhay at ang mga ayaw niya.

Numero uno na ayaw niya ay ang makipagkamay, ngitian, palitan ng mahahabang salita sa lalaking kilala man niya o hindi. Minsan nakakasakal lalo na't wala naman kaming label pero mas okay narin na ganito kami para kung maisipan niyang ligawan ako at sagutin ko siya, edi sanay na 'ko.

"Who are you smiling at?" agad niyang tanong sakin.

I pouted. "Wala naman ah!" irap ko pa.

"Don't roll your eyes on me," demand niya bago halikan ang ulo ko. "Pinagpawisan kaba? Dala mo ba panyo mo? May extra handkerchiefs ako sa bag."

Umiling lang ako at yumakap sa kanya, kahit ata hindi maligo ang lalaking 'to mananatili ang mabangong aruma sa kanya.

"You love hugging me."

I smiled. "You love kissing my head. I would love to kiss your head too," ngiti ko pang dag-dag.

Naningkit naman ang mga mata niya. "Which head?"

Kung noon naiinis ako pag tinatanong niya ng ganyan ngayon naman kinagigiliwan ko na ito, sign lang iyan na tao parin siya at may tinatagong kalokohan sa katawan. Kahit anong arte niya na dapat kontrolado niya lahat, talagang nasisira ang pundasiyong ginagawa niya lalo na pag ako ang kasama niya.

"Two of them," i answered.

Natawa din siya dahil sa sinagot ko bago kumawala at tinakbo ang bag niya para kumuha ng panyo, matatapos narin ang practice namin and after that pwede na kaming umuwi o mamasiyal sa kung saan.

"Let me wipe your sweats."

Tumango lang ako at hinayaan siyang itali ang buhok ko at punasan nag pawis ko from next papuntang likuran, may dala pa siyang mini fan hindi naman masiyadong dikit sa likod ko pero sakto lang para hindi ako subrang mainitan.

"Let's have a date?" wika niya.

"Kailan naman? Busy pa kami dahil sa practice eh."

Hinimas niya na naman ang ulo ko. "Today."

Nagtataka akong tumingin sa kanya at iniisip kung ano na naman ang pumapasok sa utak niya, alam namin pareho na may pasok pa siya sa next subject at hindi na sila excuse non. Hindi ba siya papasok para lang mag date kami?

"No, papasok ka okay? Sasampalin talaga kita pag umabsent ka ng dahil lang sa date."

"Why? Can't i spent time with you?" pag tatampo nito.

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, pag talaga hindi nangyayari ang gusto niya mag sisimula na siyang ngumuso at magtampo. May time pa nga non na umiyak siya ng hindi ko siya payagang halikan nag ulo ko dahil nga sa hindi pa 'ko naliligo at nakakahiya.

"May saturday at sunday pa naman."

"But i want it now," pilit niya pa.

"Edi sige. I-date mo yang sarili mo."

Tumayo ako at nag simula ng maglakad palayo hindi pinapakinggan ang sigaw niya. Hindi naman siya graduating kaya bakit kailangan niyang mag-absent ng para lang sa date diba? Para siyang tangik at uhaw sa date.

Halos naman araw-araw naming ginagawa 'yun kaso nga lang puro street foods ang kinakain namin dahil iyon lang ang na dadaanan namin bago nakauwi, kaya pinag tataka ko lang kung bakit kailangan niyang lumiban, parang dati lang puro pag-aaral ang inaatupag niya kahit may relasiyon sila ni Felia, hindi ko nga sila nakikitang magkasabay o magkasama sa labas ng school.

"Nag away na naman kayo?" tanong ni Pauline.

"Nag pupumilit makipag-date eh, may pasok pa siya kaya bawal lang muna ngayon."

Natawa naman si Angel. "I heard aalis siya papuntang America."

Aalis? Bakit hindi niya man lang sinabi sa'kin ang tungkol dito? At paanong alam ni Angel eh ako nga hindi ako alam na mas close kami.

Nagulat naman si Angel dahil sa paraan ng pagtitig ko sa kanya na para bang may mabigat siyang kasalanan. "Stupid! He's my brother!" explain niya.

Gulat kami pareho ni Pauline dahil sa nalaman. Anong rebelasiyon na naman ba itong nangyayari sa buhay ko?

"Bakit kailangan niyang umalis?" tanong ko.

"Hindi ko alam yung reason pero sabi ni Mommy need ni Kuya ng focus sa studies at bumalik nalang daw ito kung may trabaho na."

Tumango-tango naman ako bago inayos ang gamit at naunang umalis, kailangan kong pag handaan nag pag-alis niya. Kailangan handa ako sa mga pwede kong maramdaman pag nawala siya sa tabi ko, at maging handa sa mga pwede mangyari kung sakaling bumalik na siya. Kailangan may gawin ako para maging memorable naman kahit papaano ang mga huling sandali namin na mag kasama.

Hindi ko magagawang pigilan nag gusto ng mga magulang niya lalo na't alam kong para din naman ang lahat sa kanya at sa pag unlad niya, kaya ang magagawa ko nalang ngayon ay sulitin nag mga oras na binibigay ng Diyos sakin para makasama siya.

"Nag early mo ngayon," bati ni Kuya.

Humalik lang ako sa pisnge niya at agad na pumasok sa kwarto, kinuha ko ang maliit na note book at sinulat ang mga plano kong gawin hanggat nandito pa siya. Siguro hindi ko muna sasabihin sa kanya na alam ko na. Siguro hihintayin ko nalang anag araw kung kailan ready na siyang sabihin sakin lahat.

"Kung aalis ka ngayong buwan, sana hindi mo 'ko makalimutan lalo na ang mga pinag samahan nating dalawa. Ilalaan ko ang oras at panahon sa'yo, gagawin nating memorable ang bawat segundong mag kasama tayo at ipapaalala ko sa'yo araw-araw ang nararamdaman at pag tingin ko sa'yo na sana baunin mo hanggang sa pag-alis mo."

How To Tame A Monster? (COMPLETED)Where stories live. Discover now