007

93 16 0
                                    

Kabanata 7

Seryuso niyang nilalagyan ng mainit na tubig ang hot compress bago maglakad papuntang kinahihigaan ko ngayon. Hindi ko alam pero gumaan ang pakiramdam ko ng makita kong bukod sa school nurse wala ng ibang tao dito sa clinic.

"Kailan pa?"

Nangunot ang noo ko dahil sa tanong niya. "Anong kailan pa?"

"Your period," tukoy niya.

"Kaninang umaga lang."

Malalim na buntong hininga ang ginawa niya. "Is it the reason why you're cold when it comes to me?"

Talagang ngayon pa siya nag-drama? Ano na naman ba ang trip ng hinayupak na'to?

"What are you talking about?"

Kinuha niya ang cellphone at pinakita sa'kin. "Ngayon mo itanong sa'kin. You delete your HTTAM account?" inis niyang wika.

Umiling ako. "Gumawa lang ako ng bago."

Malakas niyang nilapag ang phone niya sa kahoy na mesa, hindi ko alam kung okay pa ba ang phone niya o baka nabasag na.

"Who's your now pet? Lalaki? Better than me? Answer me!"

Pati ang school nurse na tahimik lang nagulat dahil sa naging sigaw niya. Bakit ba biglang tumaas ang boses niya? Hindi ako sanay sa ganitong tono ng pananalita niya.

"Lower your voice Code."

"Lower my voice?! Damn! You created a new account and now you're expecting me to calm down?! To lower my voice?!"

Hinawakan ko siya sa braso pero umiwas siya kaya napilitan akong umupo para abutin ang kamay niya.

"Babae ang new pet ko kaya wala kang reason para pagtaasan ako ng boses, i need space lang kaya i deleted my previous account."

Naging malamig ang titig nito. "You need space? Okay."

Kinuha niya ang phone at bag bago umalis ng clinic, naiwan kami ng school nurse sa loob. Pareho kaming hindi parin maka-get over sa pangyayari.

"Boyfriend mo ba yun?" tanong ng school nurse.

Umiling ako. "Hindi po."

"Bakit para kayong nag-aaway dahil sa selos? Wala bang gusto sa'yo yung lalaking 'yun?"

Umiling ulit ako. "Wala po, may girlfriend na po 'yun."

Nagkibit balikat lang ang nurse bago tumayo para umalis.

Sinipat ko ang orasan para makita kung oras na ba ng uwian o di kaya oras na para buksan ng guard ang Main Gate.

Dahan-dahan ang naging lakad ko para lang hindi ako masiyadong masaktan, mabuti nalang talaga at malapit lang ang Main Gate sa Clinic kaya hindi na 'ko nahirapan pa ng subra.

"Lalabas ka ba hija?" tanong ni Kuyang Guard.

Tumango ako kaya binuksan niya naman ang gate siya narin ang pumara ng taxi para sa'kin. Wala na, sira na ang plano kong mag-ipon dahil sa taxing 'to.

Naging mabilis din nag byahe kaya ilang minuto lang narating ko na ang bahay, nag bayad lang ako at pumasok agad sa kwarto para itulog ang sakit na nararamdaman.

Kahit naman ilang weeks ko palang na kausap si Cold at ilang araw palang kaming nagkakausap ng matino ni Code, hindi ko maiwasang mapaisip kung ano ang mali sa ginawa ko. He should be thankful pa nga kasi ako na ang umiiwas para hindi sila mag-away ng warfreak niyang girlfriend.

Hindi ko na inabala pa ang sarili sa pag-iisip ng kung anong negative, hinayaan ko nalang na ang antok ang magdala sa'kin papuntang panaginip.

NAGISING ako ng marinig ang sunod-sunod na katok mula sa pinto ng kwarto ko. Binigyang tingin ko muna ang orasan sa side ko at nakitang eight na pala ng gabi, ang haba naman ng tulog ko for sure kung hindi pa 'ko nagising sa katok, bukas pa 'ko magigising at makakalimutan kong kumain ng dinner.

Parang sabog at tamad ng mabuhay akong tumayo at nilakad ang pinto para buksan iyon, tumambad sa'kin ang nag-aalalang mukha ni Kuya at may dala siyang baso ng gatas at sopas na nakalagay sa isang tray.

"Kanina kapa ba Kuya?" inaantok kong tanong at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.

"Sakto lang para maluto ko 'tong sopas."

Tumango ako at sumunod sa kanya. "Sorry for being a burden, Kuya."

Sinamaan niya 'ko ng tingin. "Hindi ka pabigat, itahimik mo yang bibig mo, baka gusto mong ako ang magtahi niyan para tigilan mo na ang kakatawag na pabigat sa sarili mo."

Inutusan niya lang akong kumain at ubusin ang dala niya para maituloy ko na ang tulog na naputol dahil sa pagkatok niya. Sinabi niya pang huwag nalang akong bumaba dahil siya nalang ang kukuha ng pinagkainan ko mamaya.

Pinilit kong pumikit at gumulong sa higaan, nag bilang pa 'ko ng mga sheep para tuloyang makatulog pero wala talagang effect, kahit ata ilang sheep ang bilangin ko isama ko pa ang iba't ibang kulay nito walang mangyayari. Until now nag lalaro parin sa isip ko kung bakit ganoon ang naging reaksiyon ni Code na parang i cheated on him at kasalanan ko.

"Ang arte kasi parang hindi lalaki, nakakainis naman!"

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwa non si Kuya na gulat din dahil sa nakitang dilat na 'ko.

"Sorry i thought tulog kana," umiling lang ako at ngumuso sa kanya. "May problema ka ba? Nandito lang si Kuya handang makinig."

Umusog naman ako at seryusong tumingin sa kanya. "I have a friend po, she discovered a new online app tapos don sa app mag aalaga ka ng Monster, pero yung monter totong tao sa reality."

Tumango siya bago kumuha ng suklay at sinuklay ang buhok ko. "And then?"

"Then my friend found out na yung pet niya sa HTTAM is enemy niya sa reality, pero kahit ganon nagin close sila sa ilang araw nilang pag uusap sa school kasi same school lang sila," k pause. "And yung friend ko alam niyang mag girlfriend na yung lalaki kaya she deleted the account and make a new one."

"Ano naman ang nangyari after that?" tinigil niya ang pag suklay sa'kin para silipin ang mukha ko.

"Nong nalaman ng lalaki yung ginaw ang friend ko nagalit siya, tapos sabi niya he can give me some space then nag walk out."

"Give you some space? Akala ko kaibigan mo ang pinag uusapan natin?" he smirked.

Nakagat ko naman ang labi ko. "Sabi ko nga po yung kaibigan ko."

"Kaya ba hanggang ngayon hindi na ulit makatulog ang kaibigan mo dahil iinisip niya yan?"

I nodded. Sana naman matulongan ako ni Kuya sa kung ano ba ang dapat kong gawin para hindi na 'ko masiyadong mahirapan sa desisyong ako naman ang may gawa. Gusto ko ng matulog pero ayaw akong patulogin ng utak ko, ayaw akong patulogin ng mga iisipin na hindi ko naman alam kung bakit ko iniisip.


How To Tame A Monster? (COMPLETED)Where stories live. Discover now