012

100 13 1
                                    

Kabanata 12

Kinuha ko ang may kalakihang bag at nag desisyong may stay lang muna sa bahay nila Angel, hindi lang naman ako kundi pati narin si Pauline. Nong una hindi pumayag si Kuya pero after he take his call pumayag siya at sinabing mag iingat ako at kumain ng tama sa tamang oras.

Ngayon si Code mismo ang sumundo sa'kin gamit ang kotse ng Daddy nilang nag tra-trabaho sa ibang bansa. May sariling dressing boutique ang Mommy nila at lumago iyon kaya kumalat sa ibang bansa ang branches nila.

"Have you eaten? Do you want me to buy you something?" Code asked.

Ngumiti lang ako sa kanya bago umiling. Nag tataka pa siya kung bakit kanina pa 'ko nakatitig sa mukha niya.

"Ang gwapo-gwapo mo."

He smirked. "I know."

"Pero mas mahangin ka pa sa bagyo," irap ko.

Natawa lang siya at mas binilisan ang pag mamaneho. Hindi naman awkward pero ang tahimik namin ngayon, halatang pareho may tinatagong sekreto.

"Aattend ka ba sa graduation namin? Mag-speech kasi ako as representative sa section namin. I want to see you being proud of me."

He smiled and kiss my head. "I'm always proud of you."

Eight days to go nalang at mag graduation na namin at ng dahil sa sagot niya narealised ko agad na before our graduation aalis na siya para mamuhay at mag-aral sa America.

Bakit ganon? Handa na 'kong maiwan eh, hinanda ko na ang sarili ko pero tuwing iniisip kong ilang araw naman, habang iniisip kong kunting araw nalang mas lalo kong hindi natatanggap na kailangan niyang umalis.

"Kailangan ba talaga?" wala sa sarili kong tanong.

"Kailangan."

Hindi ko alam kung gets niya ba ang tinanong ko kaya naging ganon nalang ang sagot niya.

"We're here."

Lumabas kami ng sasakyan at agad na pumasok sa loob, naabutan ko ang mga kaibigan ko at kaibigan ni Code na kumakain ng cake sa sala. Mga wala talagang hiya ang mga 'to.

"Welcome!" sigaw nila.

Mabuti nalang talaga at wala ang parents nila Angel ngayon kaya ang lalakas ng loob ng mga 'tong makilamon nalang at maghasik ng lagim dito.

"Why are they here?" mataray kong tanong at tinuro ang grupo ni Code.

"Bakit? Bahay din naman 'to ni Code kaya welcome kami dito."

Aba't tumatapang na ngayon itong si Lucas. Siguro gusto na namang makatikim ng mag asawang batok galing kay Pauline.

Sinamahan ako ni Angel sa taas at tinuro kung alin nag magiging kwarto ko, pinili niya ang room na nasa gitna dahil ang kaliwa ng room ay kwarto ni Code at sa kanan naman ay kwarto niya. Hindi nalang ako tumangi o umarte pa dahil ako na nga itong nakikitira tapos ako pa ang mag iinarte.

"Knock my door if you need something okay?"

Tumango lang ako at pumasok na sa loob, inayos ko lang ang mga damit ko at inayos din ang kamang tutulogan ko, parang gusto ko nalang munang matulog at bumangon nalang mamaya kung hindi na masama ang pakiramdam ng puso ko.

NAALIMPUNGATAN ako ng biglang may kung sinong yumakap sa'kin, i hugged it back expecting na si Angel lang iyon o si Pauline.

"Wake up pretty i prepared your lunch."

Kahit nanlalabo ang mata i checked kung sinong lalaki ang pumasok sa kwarto at nakahinga lang ng maluwag after i saw the man of my life and he is laying beside me.

"What time is it?" i asked.

"It's time for lunch."

Tumayo naman ako at pumuntang banyo para mang toothbrush and mag hilamos ng mukha, ng ma-satisfied don lang ako lumabas at hinarap ang lalaking nakahinga parin.

"Kumain kana?" i asked.

"Tapos na kanina pa. I tried to wake you up pero mukhang magand ang tulog mo at ayokong masira yun."

Sa ganda ba naman ng panaginip ko sinong hindi gaganda ang tulog. I had dream of him staying with me for the rest of my life, pero alam ko naman ma binibiro lang ako ng utak ko dahil aalis siya at hindi siya mananatili sa tabi ko.

"Thank you," i kissed him on cheek. "Let's have a date? Please?"

Natawa naman siya bago tumango at tumayo. "Mag bibihis lang ako, finish you food and change your clothes."

Doon lang nawala ang ngiti ko ng tuloyan na siyang nakalabas ng kwarto. Kahit walang gana pinilit kong ubusin ang pagkain at nag mumug nalang tapos nag bihis, nag lagay lang ako ng pulbos at kunting libpstick bago kumuha ng shoulder bag na mag f'fit ang cellphone at wallet ko.

Lumabas ako na may ngiti sa labi at dala ang tray ng pinagkainan ko, walang tao sa baba kaya umakyat ulit ako para katukin ang kwarto ni Code. Ilang katok lang ang ginawa ko at agad na lumabas si Code na naka itim, as in all black tapos hindi pa nakabotones ang dalawang botones ng long sleeve niya.

"Ang hot mo," komento ko.

"Ang ganda-ganda mo," komento niya naman pabalik at sabay kaming natawa.

Ang kotse ginamit niya para sunduin ako ay ang kotseng ginagamit namin ngayon para makapunta ng mall, first destination naming ngayon ay mall para mag laro sa game area at siguro sa susunod na araw nalang ang sa park, zoo, peryahan para sumakay ng mga rides. Gusto ko yung simple lang pero talagang maaalala ko siya pag pumunta ulit ako sa lugar na pupuntahan namin ngayon.

"Let's have a deal," matapang kong wika.

"What deal?"

"If matalo kita sa larong 'to pupunta tayong peryahan bukas para sumakay ng rides, pero pag manalo ka pupunta tayong park bukas para mag street food."

Ngumiti naman siya at nilahad ang kamay. "That's a deal then."

We do shakehands bilang sealed sa deal namin at sinimulan na ang laro.

May three rounds ang laro namin at kung sino ang may pinakamaraming ticket ang siyang panalo. Pero dapat same lang ang lalaruin namin, like kung ano ang larong gagawin ko yun din nag gagawin niya at kung anong laro ang gagawin niya iyon din ang gagawin ko para fair and square.

"Walang iyakan kung matalo," ngisi ko.

Hinalikan niya ang ulo ko bago tumango.

"Kahit anong gawin mo hindi ka mananalo sa'kin," pag yayabang niya.

Ngumuso lang ako bago mag simulang magshoot ng bola sa ring, dapat talaga kahit mabilis ang galaw mo need mong i-make sure na papasok para hindi sayang ang oras.

"First round Code wins!"

Inirapan ko lang siya bago pumunta sa next game station na lalaruin namin. Wala lang naman sakin kung sino ang mananalo o matatalo basta magawa namin ang lahat para magkaroon kami ng magandang memories at ma-enjoy namin ang araw na ito ng magkasama.


How To Tame A Monster? (COMPLETED)Where stories live. Discover now