SPECIAL CHAPTER

122 13 2
                                    

Special Chapter:

Happy Reading!!

Thank you for supporting Haianna and Code story, i hope hindi lang kilig at sakit ang naramdaman niyo kundi may lesson din kayong napulot sa story, hindi ko na masiyadong pinahaba yung story dahil may Part II sana siya tapos magiging How To Tame A Hot Architect? sana yung title kaso parang nakakapagud, pero kung gusto niyo just comment para masimulan ko ng gawan ng Part II ang kwento nila.

***

Umagang umaga pero dinig ko na agad ang alitan ni Kuya at Code sa ibaba ng bahay, yan kasi mag sasama ng tao tapos mag aaway lang pala. Minsan hindi ko na magets ang trip nitong kapatid ko.

"What are you doing here?" mataray na tanong ni Kuya sa kaibigan.

"I'm here to court your sister."

Inirapan ni Kuya si Code at umiling bago pilit na itinutulak ang kaibigan palabas ng bahay ko.

"No! Hindi ako papayag!"

Code tsked. "I let you court my sister before," inis na sagot ni Code.

"Your sister love me too!"

"Bakit hindi ba 'ko mahal ng kapatid mo?" dinig ko namang sagot ni Code.

Kanina pa 'ko naiirita sa kanila at talagang kunti nalang nag pasensiya ko masasampal ko na sa kanila itong bagong painting na ginagawa ko. Parang tumatakbo ang mga idea sa utak ko dahil sa kaingayan nila.

"Hindi ka niya mahal! Sa katunayan ay nililigawan siya ni Lucas!"

Nyeta naman, sino ba ang source ni Kuya sa mga fake news niya? Pag iyan narinig ni Pauline talagang matatanggalan siya ng ulo.

"Oh? I heard na ikakasal na ang kapatid ko sa isang anak ng kaibigan ni Mommy," Code smirked.

Nanlaki naman ang mga mata ko at bumaba para makichismis sana pero hindi ko inaasahan na maaabutan kong naka upo na si Code sa sofa habang hawak ang panga.

"Nag bibiruan lang tayo tapos seryusong usapan na agad sasabihin mo? Ulol ka ba? Akin lang ang kapatid mo! Ikandado niya kamo ang kwarto niya mamaya dahil papasukin ko siya at dadalhin ko siya sa islang pagmamayari ng mga magulang ko!" pikon na wika ni Kuya at lumabas ng bahay.

Nang makita ni Code na lumabas na si Kuya doon niya lang ininda ang sakit ng pag kakasapak sa kanya. Yan kasi acting tough tapos matampuhin.

"Ano na naman ba kasing kalokohan ang mga sinabi mo?"

He pouted. "I'm just teasing him."

"Teasing? Yan! Teasing-teasing kapa na-teasing tuloy yang mukhs mo."

He pouted even more, trying to be cute eh cute naman na talaga siya mag effort man o hindi.

"Umuwi kana," pag tataboy ko.

"I'm here to ask you out."

Pinakita ko sa kanya ang kamay kong madumi sa mga paints pero hinalikan niya lang ang kamay ko bago hilahin ako para yakapin.

Muli kong naalala ang ganitong pangyayari nong kabababa lang namin ng Jeep, niyakap niya din ako ng mga panahong iyon at kagaya ngayon hinalikan niya na naman ang aking ulo.

"Alam ng Diyos kung paano ako nag manifest para lang payagan ako ni Mommy na umuwi dito. I missed you at kahit nandito kana namimiss parin kita."

"Hindi kita na miss," pag iinarte ko.

"Foul na yan Master."

Natawa ako bago halikan siya sa pisnge, kagaya lang dati yung masaya pero sana hindi na lumungkot pa at sana kung may dadating man na problema hindi yung subrang sakit at subrang nakakadurog, dahil siguro kung madurog ulit ako at ang rason ay ang pag-alis niya na naman, siguro hindi ko na makakayanan pang tumayo gamit ang sariling mga paa, siguro hindi ko na makakaya pang mabuhay ng mag isa at umaktong okay lang.

Kaya ngayon na sinisimulan ko ng mag tiwala ulit, sana hindi na masayang pa at sana manatili na siya.

Cause when i confessed to you before like lang ang nasabi ko, kahit anong gusto kong sabihin na mahal kita natatakot ako, i'm scared na baka mangyari na naman ulit na kung kailan i confessed my feeling don ka mawawala.

Take care of my heart and keep writing a gentle stars on my scars.

S.Y.

Started: April 05, 2023
Ended: April 10, 2023

How To Tame A Monster? (COMPLETED)Where stories live. Discover now