WAKAS

120 16 2
                                    

Wakas

I parked my car ata agad na pumasok sa restaurant, hindi karamihan ang tao kaya agad kong nakita si Kuya at ang kaibigan nitong nakatalikod sa gawi ko.

Kumaway si Kuya sa'kin kaya nakangiti akong lumakad papalapit sa kanila. Hinanda ko ang labi para sa mainit na ngiti pero napawi lang ito ng makita kung sino ang taong nasa harap ko.

"C-code," mahina kong banggit sa pangalan nito.

Malamig niya 'kong tinitigan bago kinumpas ang kamay niyang umupo ako katabi ng upuan ni Kuya, wala sa sarili akong sumunod.

So totoo siya? Hindi siya basta-bastang imagination lang? Sa ilang taong pinaniwala ko ang sarili kong hindi siya totoo ngayon makikita ko siya na parang hindi ako kilala. Maybe he already moved on and i should move on too. Kailan kong lakasan ang loob ko dahil ilang taon na ang lumipas at masakit mang isipin pero baka may pamilya na siya sa America, o baka naman may mga anak na siya.

"Good morning Mr. Pahardo," formal kong bati.

Pinilit kong maging intimidating tignan para naman hindi niya makita kung anong emosiyon ang meron ako at anong nararamdaman parin ang meron ako para sa kanya.

"Good morning Ms. Wang, is she's your younger sisters?" tanong niya kay Kuya.

"Yes, her name is Haianna Xoain Wang."

Tumango tango si Code at muling binanggit ang pangalan ko. "Haianna Xoain Shexien Wang."

Nakagat ko ang labi ng banggitin nito ang third name ko na hindi naman nasabi ni Kuya. Nilabas ko ang maliit na notebook at sinulat ang gusto niyang detalye ng bahay, pero pinakita ko narin sa kanya ang design ng mga bahay na available ako at naisama ko pa ang design ng bahay ko.

Kukunin ko na sana iyon ng bigla niya 'kong naunahan. "I want this design."

Hilaw akong tumawa bago umiling. Asa kang ibibigay ko sayo ang design ng bahay ko! Pagkatapos mo kong iwan? Sinong tanga ang niloloko mong hinayupak ka!

"Sorry to disappoint you but this design is for me only, design 'to ng bahay ko kaya hindi na pwede i-design para sa'yo."

"I'll pay you, triple your price."

Ngumiti naman ako bago sarkastikong tumingin sa kanya. "Edi sana binili mo nalang bahay ko, nahiya ka pa."

Agad akong siniko ni Kuya pero hindi ko lang siya pinansin. Ano naman ang problema ng isang 'to? Masakit kaya siya maniko.

"I want my own house."

Naalala ko tuloy ang pinangako ko sa kanya many years ago. "Baka nakakalimutan mong sinabi ko na sa'yo na never kong itatayo ang gusali ng bahay mo, kahit ilang milyon pa ang ibayad mo hindi ako mag kakainteres sa pera mo."

Tumayo ako agad at kinuha lahat ng design ko para ibalik sa loob ng folder, aalis na sana ako sa table namin ng hawakan ni Code ang braso ko.

"Pero interesado ka sa'kin."

Matigas kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko, "After nilang sabihin na hindi ka totoo nawala ang interes na sinasabi mo. Matagal na kitang binaon sa limot kaya wag kang umarte na parte ka pa ng buhay ko."

Hindi na ko nakarinig pa ng kahit anong salita galing sa kanya at agad na kong lumabas, pinaharorot ko ang sasakyan papuntang lugar na naging takbuhan ko at tumulong sakin para makalimutan si Code. Kailangan kong makalimot ulit, kailangan kong pagaanin ang pakiramdam ko.

"Hello po Mama, Papa."

Agad kong nilatag ang blanket na lagi kong dala at humiga doon. Dito sa cementeryo ang laging takbuhan ko at kahit anong mangyari laging si Mama at Papa ang takbuhan ko, ang sumbungan ko ng mga hinanakit.

"M-ma, niloko nila 'kong lahat. Pinaniwala nila na kasinungalingan lahat ng pinaniniwalaan ko, ang sakit po sa side ko na pinilit kong limutin lahat dahil akala ko nababaliw lang ako. Hindi ko naman alam na binabaliw na pala nila ko, na sila pala ang dahilan kung bakit nag durusa ako."

Pinahiran ko ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko. "P-pero matagal ko na silang pinatawad, s-siguro ang sarili ko nalang ang hindi ko pa napapatawad kaya mabigat parin, tulongan niyo naman po ako. Tulongan niyo kong limutin ulit lahat at bumangon ulit, gusto ko na pong maging masaya at makahinga ng maluwag, yung walang iniintinding nakaraan at walang sakit na mas nag papabigat ng pag usad ko."

Hindi ko namalayan na ilang oras ko na pala iniiyak lahat ng sakit at galit na pumupuno sa puso ko, hindi ko namalayan na habang iniiyak ko lahat mas gumagaan, habang sinusumbong ko lahat unti-unting nawawala.

Inayos ko ang blanket at pinasok ulit iyon sa sasakyan nag paalam lang ako kila Mama at agad na umalis para umuwi. Pag-uwi ko hindi pagkain ang hinanap ko sa fridge kundi beer, kailangan kong makapag-isip at alam kong alak ang magiging kasagutan ko para makapag-isip ng tama at may kwenta.

Ngayon ko lang narealised na hindi ko naman kailangan dumepende sa mga taong nakapaligid sa'kin, hindi ko naman kailangang gawing mundo ang mga taong dapat mananatiling tao lang. Ang pag kakamali ko ay masiyado akong nag tiwala at tinuon ko ang puso ko sa taong walang kasiguraduhan.

Deleting every memories i have with him
Deleting my feelings for him, deleteng everything dahil wala naman ring kwenta kung ikukulong ko ang sarili sa madilim na kahapon, i need to move on, i have to hindi lang para sa ibang tao kundi para narin sa sarili ko.

Deleteng everything means setting him free and restoring my heart for a deserving man, a man that God's will. A man with a pure heart and intention.

Kaya hindi ko mahahanap ang deserving man na iyan kung patuloy na si Code parin ang patitirahin ko sa puso ko, kung siya parin ang hahanap-hanapin ko, maybe mahihirapan ako pero may tamang proseso para diyan at gagawin ko lahat ng proseso para lang mapakawalan ang sarili ko.

Kaya mula ngayon, i'll move on, chase my way, touch the sky and stop taming the man who once i loved, i'll stop taming the monster.

And now i know the answer of my previous How To Tame A Monster? ang tanong na sana hindi ko na binigyan pa ng pansin.

Nag tanong na sana kinalimutan ko nalang pero dahil sa kakulitan ko dinala ako ng tadhana sa taong mag paparealised sakin na ang pag mamahal hindi lang isang laro, kundi kailangan din ng kunting pag titiis at maraming sakripisiyo.

Once you love him you'll be devoted, you'll devote your life, attention and self to that person. But once you get tired even you're the most devoted person magagawa mo paring tumigil.

Specially when loving someone is like laying on the roses thorns, you'll get hurt and hurt but once you realised your worth you'll learned how to stand and buy a new bed of roses, a comfortable bed, a bed without pain, sorrow, storm and thunders. But bed that full of love and gentle.

How To Tame A Monster? (COMPLETED)Where stories live. Discover now