010

105 15 0
                                    

Kabanata 10

Narating ko nalang ang room ko alam kong pulang-pula na ang mukha ko dahil sa naging yakap niya at paghalik niya pa sa buhok ko, mabuti nalang talaga at nag lagay ako ng  conditioner para mas maging mabango at smooth ang buhok ko.

Sa hindi mabilang kung ilang ulit ko ng ginawa ay inamoy ko na naman ang buhok at ngingiti pag iniisip kong nakapikit siyang habang inaamoy ito.

"Mukhang malala na yang sakit mo sis," wika ni Pauline.

"Pa-check up kana kaya kay Kuya mo? O baka ako nalang ang mag papa-check up total nasisiraulo ko pag nakikita siya."

Talandi talaga itong si Angela lalo na pagdating sa Kuya ko, palibhasa alam niyang pinapatulan ni Kuya ang mga trip niya sa buhay. Hindi ko din naman alam kung bet ba ng Kuya ko ang mas bata sa kanya dahil minsan tinatanong niya sa'kin kung kumusta si Angel dito sa school.

"He hugged me and kissed my head," bulong ko at mahinang tumili.

"Sino?/What?" sabay na tanong ng dalawa.

Nakangiti naman akong humarap sa dalawa at nagkwento sa kung anong nangyari sa jeep kanina hanggang sa pagbaba namin, nong una gulat din sila at inakusahan pa akong nag aassume pero ng makita nilang dumaan si Code at huminto sa may binta ko ay nakitili narin sila.

Inayos ko muna ang itsura bago lumabas at harapin si Code. Mabuti nalang talaga at mga busy ang teachers ngayon dahil sa pinag hahandaan na nila ang graduation namin. Fourth quarter na ngayon kaya ilang weeks nalang practice na for moving up.

"Bakit?" paunang bungad ko.

Inayos niyang iilang hibla ng buhok ko at inipit iyon sa tenga ko. "Let's have lunch together?"

Shit! Mukhang maiihi ata ako nito dahil sa kilig na pilit kong iniisang tabi dahil nandito pa siya sa harap ko. Gusto kong kurutin ang pinge ko kung totoo ba ang mga nangyayari ngayon o baka parte na naman ng panaginip ito.

"Paano ba yan naunahan na kita."

Naningkit ang mata ko ng makita ang nakangising si Lucas, demonyito talaga ang lalaking 'to. Yung maganda na sana tapos sinira niya pa ang moment ko. Lumapit si Lucas sakin at hinila ang kamay kong hawak pala ni Code.

"Do you want me to wait you here?" tanong ni Lucas pero hindi nasa'kin ang tingin kundi nasaloob ng classroom.

Natawa ako ng sinyasan ni Pauline si Lucas na tatanggalin nito ang ulo ng lalaki kaya agad na tinanggal ni Lucas ang pagkakahawak sa'kin. Tsk, tapang pumasok sa moment ko tapos takot sa Master niya? Pag untugin ko sila eh.

"She's coming with me," matigas at malalim ang boses na sabi ni Code.

Narinig ko ang yapak ng dalawang kaibigan at dala na nila ang mga bag nila kasama narin ang bag ko. "Pwede ba kaming sumabay sa inyo? Haianna will not be comfortable kahit sino pa sa inyo ang samahan nila lalo na without us," turo ni Pauline sa sarili at kay Angel.

"Of course," mabilis na tugon ni Lucas.

"Yeah," tipid na wika ni Code at hinila ako papalapit sa kanya. "You look so gorgeous."

"T-thank you."

Nahuhuli kami habang ang tatlo naman may kung anong pinag uusapan at ayaw kaming isali, si Code ang may hawak ng bag ko ngayon while hawak ng free hand niya ang plapulsunan ko, para akong bata na hinahawakan ng Tatay para hindi makalayo.

"Woah!!"

May mga ngisi sa labi ang kaibigan nila habang nakatingin samin ni Code, for sure another issue na naman 'to.

"We thought na si Lucas ang crush mo Haianna?" tanong ng isang kaibigan nila.

"You think so?" i smirked.

Binalingan ko ng tingin si Code na nagpapanggap lang na walang naririnig at inaasikaso ang lunch box ko. Nag order lang siya ng dalawang klase ng ulam dahil nalaman niyang fried egg and chicken ang ulam ko, at sabi niya 'Too much oil is not good for your health, you should eat veggies,' at syempre dahil si Code siya, wala akong nagawa para tumanggi.

"I like him," i pouted.

"You like who?" ngising tanong ni Pauline.

Kinindatan ko naman siya. "Lucas."

Napunta kay Code ang tingin ko ng mahulog nito ang tinidor kaya naglikha ito ng ingay. Pati nag ibang mga kaibigan nila napatingin din sa kanya while si Lucas naman hindi maipinta ang mukha.

"You like who?" tiim baga na tanong ni Code sakin habang pinag lalaruan ang tinidor.

"I-i like him."

Nakita kong mas lalong kinabahan si Lucas bago hilaw na tumawa. "N-nice joke, tol nag bibiro lang yan kaya wag mong seryusohin."

Hindi siya tinapunan ng tingin ni Code dahil nasakin parin ang tingin nito. "You like who?" ulit niya.

"You, i like you."

Binaba niya ang hawak na tinidor at mas lumapit sa'kin. Hinawakan niya ang ulo ko at hinimas ang aking buhok. "I didn't mean it, i'm sorry if i scared you."

He kissed my hair many times bago bumalik sa pagkakaupo. Hindi lang ako ang gulat dahil sa inasta niya kundi pati narin ang mga kaibigan niya at kaibigan ko. Sino nga ba ang mag aakalang ganon ang magiging iksina eh para kailan lang hindi kami halos magkausap at magkasunod, puro negative pa ang comments ko about sa kanya.

"What was that?" dinig kong mahinang bulong ni Angel.

"I don't know," sagot naman ni Pauline.

Puro lunok, subo, lunok, inom ng tubig lang ang ginagawa ko dahil parang hindi ko magawang mag-ingay lalo na't si Code na tahimik ang katabi ko. Nang makita niyang tapos na 'ko kumain siya narin ang nag ligpit ng kinainan ko, para siyang caring slash perfect boyfriend.

"I'll waiting for you after class."

Sunod-sunod na tango ang ginawa ko bago tanggapin ang bag at pumasok sa loob ng classroom, kumaway ako pabalik ng makitang kumaway ito. Kung hindi pa ata siya hinila ng mga kaibigan niya hindi siya aalis sa kinatatayuan niya.

"Kailan pa kayo ganon?" tanong agad ni Pauline.

"Kanina lang," sagot ko.

"He's acting weird," si Angel naman na ninungaya pa ang chocolate.

Tignan mo 'tong babaeng 'to hindi man lang namigay parang hindi family, parang walang crush sa Kuya ko.

"Ako din naman nagulat ng bigla siyang maging ganon."

Nanlaki ang mata ni Pauline, for sure kalokohan na naman ang iniisip nito. "What if he is obsessed with you?"

Natawa naman ako at akmang hindi sasangayon ng makita kong seryuso masiyado ang mga mukha nila.

"Mga siraulo, paano magiging obsessed eh ilang weeks pangalang naman kami nagkakausap."

"Correction, nag months na kaya tingin-tingin din sa calendar, girl."

Inirapan pa 'ko ni Angel bago itapon ang supot ng chocolate niya. Parang nanindig ang balahibo ko dahil sa sinabi nila, wala naman kasi akong balak mag jowa. Pure happy crush lang with kunting lungkot, tapos kunting kilig at more on karupukan.

How To Tame A Monster? (COMPLETED)Where stories live. Discover now