Chapter 15

12 1 0
                                    

Chapter 15

Chauncey's Point Of View

Habang nandito ako sa kama hinihintay sila Arnuca na nagbibihis ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kim na hinihingal.

"Anyare sayo?" tanong ko.
"Wala!" sigaw niya sa'kin at nagdive sa kama at inilulot ang kumot sa kaniyang katawan. Nagmukha tuloy siyang lumpia.

Ipinagsawalang bahala ko nalang yun, baka inasar na naman ni Tonie.

Ilang minuto ang lumipas ay sa wakas, tapos na din silang magbihis ng kanilang mga bikini's. Si Arnuca lang ang naiba naka short siya at spaghetti top. Ang gaganda nila.

"Tara na!" masayang aya ni Andrea.
"Okay, ay wait! Hoy Kimmy! Bangon na diyan". ani ko sabay yugyog sa balikat niya.
"Oo na" aniya kaso lang natagalan siya sa pagtanggal ng kumot sa katawan niya. Hahay.

Nabigla naman kami nang pati suot niyang oversized shirt ay tinanggal niya may bikini top pala siyang suot, aka ko magbo-bold star na siya.

"Oh, ano? tara na." Napabalik naman kami sa ulirat ng sabihin niya yon. At lumabas na kami ng cabin.

Habang naglalakad kami ay napapalingin sa amin ang mga tao or assuming lang talaga ako? Nevermind. Pumunta agad kami sa mga kaibigan namin sa may dalampasigan.

Natulala pa talaga sa amin. Maganda moments. Maganda can only understand.

Pabiro naman akong nag-posing at sumunod ang iba.

"1,2,3 pose!" sabay ni Tonie sa trip namin.

"Oh next naman, pose!" sumunod naman kami sa kanya habang pigil ang tawa. Napailing nalang si Dabriel at Jack si Ford naman ay lumapit samin dala ang camera.

" Ang chicks niyo naman ngayon, ah!" aniya nong natigil na kami.

" Grabe ka naman sa chicks, ano kami manok?
Tapos ikaw yung inahin!" sabat ni Juls kay Tonie.

"Ha.Ha funny mo Julia! Dito nalang ako sa lalove kong si Kimmy!" ayan na.

Napangiwi naman si Kim sa itinawag ni Tonie sa kanya.

Iniwan ko nalang sila doon at nilapitan si Jack na nagluluto ng inihaw na bangus.

"Hi Jack, tulungan na kita." pagpresenta ko.
Lumingon naman siya sakin ngunit wala siyang expression. Ganito sita palagi kapag ako nayong kausap niya.

" Huwag na." tipid niyang sagot at tiningnan muli ang niluluto.

" Okay, doon nalang ako kay Riel." sabi bago pumunta kay Dabriel na nag-aayos sa lamesa.

"Riel" tawag ko dito.

"Bakit ganyan ang suot mo, Chaun?" bungad niya sakin nang makalapit na ako. Inirapan ko siya.

"Malamang na sa beach tayo alangan namang mag-gown ako dito." pabalang kong sagot.

"You show too much skin, baka labagin ka sa suot mo." I looked at him. He sound concern and it made me feel butterflies in the stomach.

"Hindi no." sabi ko nalang.

Tinulungan ko siya sa ginagawa niyaat hindi naman siya umanggal doon. Sina Kimmy at ang iba ang may ginagawa din.

Budol fight ang style namin sa pagkain kaya pumwesto na kami. Magkatabi kami ni Riel siya sa kaliwa si Andrea sa kanan at sa harap ko ay si Jack katabi si Ford at Tonie, katabi naman ni Tonie sa kabila syempre si Kim tapos si Juls At Arnica. Nagpray muna kami bago kumain.

Puro seafoods ang nasa hapag kaya ganado ang lahat sa pagkain. Buti nalang at wala kaming allergy dito.

Nahirapan ako sa pagbukas ng crabs kaya nagulat nalang ako nang may kumuha nito sa kamay ko at walang kahirap- hirap na binuksan.

Dabriel do that.

Parang yung mga bulate sa katawan ko ay nagparty sa ginawa niya. His gestures made me assume.

Bigla namang naubo silang lahat.

"Ako din Papa Riel buksan mo ang crabs ko." malandong sabi ni Tonie. Napangiwi naman kami sa inasta niya. Ang laswa!

"Kayo huh, may pa bukas na kayo ng crabs. Buksan niyo din kaya mga puso niyo." At sumali pa talaga si Drea.

Uminit naman ang pisnge ko.

"Guys, stop it. I'm just helping her." tila naiinis na sabi ni Riel kaya natahimik sila.

Ang kaninang nagpaparty na bulate ay bigla nalang namanhid tila nag stop dance sila sa loob.

Nagpatuloy nalang kaming kumain minsa ay nagbibiro sila ng kung ano-ano. Pag-katapos naming kumain ay naligo na kami sa dagat. Nag-aya naman silang mag-snorkling kaya iyon ang sunod naming ginawa. Maraming isda sa ilalin at ang gaganda pa ng mga corals.

Ngunit agad kaming natapos dahil nakatapak daw si Jack ng tuyom. Dahil sila ang unang umahon kanina. Pag-ahon namin ni Rile ay agad kong tinanggal ang snorkling garmets at agad na pumunta kay Jack na ginagamot na ng medic.

Napapikit si Jack kapag inilapit sa paa niya ang cotton na may gamot. Nakapalibot kaming lahat na magkakaibigan sa kanya. Pagkatapos niya gamutin ang paa ni Jack ay ipinagpahinga muna siya sabi ng Medic, sa kwarto nila. Hindi ko alam ngunit biglang gumalaw ang paa ko at sumunod sa kanila.

"Oh Chaun, Bakit ka sumunod? You should change and rest." ani ni Riel pagpasok ko sa kwarto nila.

"Huh? Ano. Okay na ba si Jack?" Kahit obvious namang hindi ay iyon ang lumabas sa bibig ko.

" The medic said I'm okay and just need to rest." Jack answered my question. " Thanks sa concern." Sambit niya ulit at tumalikod sa amin ng higa.

Nilingon ko si Riel na kanina pa pala nakatingin sakin.

"Uhm, alis nako." Yun nalang ang nasabi ko at umalis na dun, at pumunta sa kwarto namin.

Nagbihis na ako ng blue beach dress ng lumabas sa banyo. Sila Nica naman ay natutulog dahil siguro sa pagod sa paglangoy kanina.

Gustohin ko mang matulog ngunit hindi talaga makisama ang utak ko. Kaya napag-isipan ko nalang lumabas and it's still 4 pm naman at may sunset. God knows how I really love sunsets and sunrise, it made me feel peace.

I'm sitting at sun lounger malapit sa dagat habang nakatingin sa sunset. My peace.

"Still worried?" Napaangat ang tingin ko kay Rile na nasa gilid ko. Ang kanyang tingin ay nasa sunset din.

"Can't helo it. He's my friend after all. I think it's my fault." ani ko habang kinakalikot ang kuko.

I have this side kasi na kapag may nangyaring masama sa malapit sakin ay sinisisi ko ang sarili. And it made me worried more 'cause Jack seems aloof to me. Parang ayaw niya sakin.

" Stop blaming yourself. Tuyom ka ba? Hindi naman diba." pagbiniro niya kaya hindi ko din mapigilang ngumiti.
"There you're smiling again."

"Thankyou Riel. You always make me smile." Pasasalamat ko sa kanya.

"You're welcome. We're friends after all." He said while smiling at me.

Friends. Hanggang kaibigan lang talaga.

_________________________________________________________________

QUANTI_MOOD

Love Me, Ms. PresidentWhere stories live. Discover now