Chapter 5

20 6 0
                                    


Nandito kami ngayon sa School grounds kasama sila Nica, Juls, Dabriel, Tonie, Wilford at Jack. Nakaupo kami dito sa bermuda grass, nagme-meeting kami para sa project namin about yung sa Cells.

"Saan tayo gagawa ng project natin?" Juls asked.

"Sa bahay namin." simpleng sagot ni Dabriel.

"Ahh okay. Eh sino bibili ng materials?" tanong ulit niya.

"Tayong lahat bibili. Sa Café La Tena tayo mag-aabot." sagot uli niya habang nakatiitig sakin.

Ano naman problema nito?

"That's okay with you Chaun?"

"Huh? okay lang naman sakin." kanina pa siya ganiyan.

"Then, good. You can leave now." Dabriel end the meeting.

Inayos ko ang gamit ko ng maramdaman kong nag vibrate yung cellphone ko. Kinuha ko ito at tiningnan sino tumatawag.

"Woi, Chaun. Uwian niyo na?"

"Hi Love, yes uwian na namin. Bakit?" sagot ko.

"Susunduin kita may surprise ako sayo." ligaya niyang sabi sa kabilang linya.

"Yiee, ano yun. Love?" tumitili pa ako sa excitement.

"Surprise nga diba. Hintayin mo ako sa gate niyo." Huling sabi niya at pinatay ang tawag. Napanguso naman ako sa sinabi niya.

"Ate Chaun sino yun?" ay hala nandito pa pala sila.

"Luh, nandiyan pa pala kayo." di ko sinagot tanong niya.

"Love huh." Dabriel said while staring at me darkly.

Abno talaga.

"Ano?" tanong ko.

"That's you're boyfriend?" Weird, bakit may parang iba tono ang tanong niya? parang pinaghalong sakit at galit.

"No. He's my cousin." I answered while staring at him. I saw how his lips rose up a little.

He just nod at me. At walang pa alam na umalis. Sumunod naman ang tatlo sa kaniya.

Kita mo na ang bastos di man lang nagpaalam.

"Chaun!" tawag ni Nica sakin.

Liningon ko sila ni Juls na kanina pa pala nakatingin samin.

"Para kayong magjowa ni Dabriel kanina yieee." kinunutan ko ng noo si Juls sa tinuran niya.

Heh! Magjowa? Ang baho!

"Nagtanong lang naman siya." tuwiran ko.

"Eh bakit nong si Wilford nag tanong iniba mo usapan?" ma-issue talaga tong chismosa na to.

"Nasagot din naman tanong niya." pagkibit balikat ko.

***

Ang sakit ng puson ko!  Bakit ngayon pa ako dinatnan na may gagawin kaming project!

Hindi ako makatayo dahil sobrang sakit ng puson ko. Itutulog ko lang muna to.

***

Ano bayan ba't ang ingay!

Pinaki-ramadaman ko ang katawan ko kung may sakit pa ba at sa puson ko. Buti nalang wala na kaya bumangon na ako.

Cellphone ko pala ang nag-iingay.

Kinuha ko ito at tiningnan.

Hala! Bakit ang raming missed calls ni Juls at Nica!?

Natampal ko na lang ang noo ko ng maalala na may gagawin pa pala kaming project ngayon.

Love Me, Ms. PresidentWhere stories live. Discover now