"Love! tara, kain na!" tawag ko sa kaniya habang hinahain ang pagkain sa lamesa.Hindi naman malaki ang apartment ko sakto lang para sakin. May dalawang kwarto para sakin ang isa naman kapag may bumwesita sakin tulad nalang ni Love minsan sina Arnica. Meron ding sala at kusina.
"Huwag mo nga akong tawaging Love para tayong magjowa! Incest yuck!" nandidiring saad niya.
"Ano namang mali dun? Pangalan mo yun tanga!" sumbat ko.
"Kumain ka na nga diyan! Magbibihis mo na ako." ani ko at pumunta sa kwarto ko.
Pagkatapos kong magbihis ay pumunta uli ako sa kusina para kumain.
"Oh, bakit hindi ka pa kumain?" takang tanong sa kaniya.
"Hinihintay ka malamang!" sungit!
Inismaran ko na lang siya at kumuha ng pingan at other utensils.
"Masarap?" tanong ko sa kaniya nang matikman ang linuto ko.
"Yup! magaling ka naman palagi magluto eh." sagot niya.
Adobo kasi yung niluto ko.
"I know right!" pagmamayabang ko at kumain na.
Tahimik lang kaming kumakain hangang siya na ang bumasag ng katahimikan.
"Kumusta studies mo?" tanong niya.
"Hmm ganun parin, ay may iba na pala." habang inalala ko ang apat na tukmol.
"Bago yan ah! Care to share?" aniya at tumataas baba naman ang kilay.
"May mga bagong tranfere lang sa school namin, medyo pasaway pero keri lang. Ako pa" at nagflip hair.
"Ang yabang mong bobita ka!" inis niyang sabi.
"Oh, ikaw kumusta pag-aartista?" tanong ko din sa kaniya.
At yup isang Artista si Love.
"Medyo busy kaya nga hindi na ako masyadong nakadalaw sayo. Bakit ayaw mo pang umuwi sa inyo?" sagot at tanong niya.
"Alam mo naman ang dahilan." pagkibit balikat ko.
"Sakit mo talaga sa ulo. By the way uuwi ako ngayon doon ako sa bahay matutulog may taping pa kasi ako bukas." Aniya habang iniligpit ang pinagkainan niya.
"Hmm..sige. Ako na magligpit diyan masyado nang malalim ang gabi baka ano pang mangyari sayo." pag-alala ko sa kaniya.
"Sige, salamat Alliope." aniya at dumiretso sa pintuan para umuwi na sinundan ko naman siya.
"Sige, ingat! At pakikumusta ako kila Tita huh!" pahabol ko sa kaniya.
"Sige makakarating! Lock mo ang pinto!" aniya at sumakay na sa kotse niya.
The guy earlier is my cousin. His name is Lovebrent Alistair Yoon. At isa siyang Artista na napagkamalan kong magnanakaw. Si Love talaga ang pinakaclose ko sa mga pinsan ko kaya ganun ang turingan namin sa isa't isa at isa din siya sa nakakaalam bat ako namuhay mag-isa.
Tulad nang sinabi ni Love linock ko na yong pinto at nagsimula nang magligpit ng pinagkainan namin, hinugasan ko na rin para wala ng hugasin bukas.
Pagkatapos ko sa lahat ng gawain ay pinatay ko ang ilaw sa sala at kusina at pumasok na sa kwarto ko para magpahinga.
Bitbit ko ang cellphone ko papasok sa kwarto at dumiretsong tumalon sa malambot kong kama.
"Hay! Makapag-pahinga na din." ani ko sa sarili.
Binuksan ko ang phone ko para makipagchat kina Arnica sa online sila ngayon.
Log-in mo na sa facebook at dumiretso sa messenger kong may nagchat ba sakin. Puro gc lang naman laman ng messenger ko. Gc sa school, sa classroom, sa SSG OFFICER at gc naming magkakaibigan.
YOU ARE READING
Love Me, Ms. President
Teen FictionDisgust. Hatred. Lies Chauncey a SSG President of their school. She's well known because of her leadership skills and being sociable person. Her life is simple. She have friends, academic achiever, and living independently. No until her simple life...