Chauncey's POV
I woke up early since magsisimba kami ngayon ni Dabriel with his mother. I chose the white dress inside my closet and I paired it with my beige 2 inches sandal. I put light make up, jewelry and my favorite strawberry pound cake perfume. Before I got out sa kwarto ko ay kinuha ko ang aking sling bag at isunukbit sa aking balikat.
" Manang, papahatid po ako. " sabi ko kay Nanay Lita habang pababa sa hagdan.
"Ah hija, may sumundo na sayo." Alanganing sagot niya.
" Po? Wala namang susu—" hindi ko natapos ang aking sasabihin nang makita ko si Dabriel na prenteng nakaupo sa aming sofa habang nakatingin sa akin pababa ng hagdan.
"I'm here to fetch you." marahan siyang tumayo at unti-unting lumapit sa akin.
Natameme naman ako sa aking kinakatayuan habang nakatitig sa gwapo niyang mukha. May mas ikagagwapo pa pala siya. Ang gara niyang tingnan sa suot niyang white polo at pinaresan ito ng beige na trouser at ang kaniyang kanang kamay ay nakasuot ng mamahaling relo na kulay gold. Also he smells so good. Hindi masakit sa ilong ang pabango niya, yung soft na amoy pero may masculinity pa din. Ganon.
"Sana nag text ka naman lang. " naka nguso kong sagot sa kaniya at lumapit na din.
"Wala akong load. " sinungaling. Siya walang load eh ang yaman nila.
"Manang, alis na po kami." Paalam ko kay Nanay Lita na kanina pa pala nakatingin sa amin.
"Sige hija, mag- ingat kayo sa daan." aniya at tuluyan ng pumasok sa kusina.
Si Dabriel ang umunang naglakad at sumunod naman ako sa kaniya papauntang sasakyan niya na nasa labas ng gate namin. Bago ako pumasok sa front seat ay pinag buksan pa niya ako ng pintuan. Wow basic human decency lang yan, Chaun! huwag kang delulu!
I thanked him before entering the car. Ako nalang din ang nagkabit ng seatbelt ko. Alangan naman siya pa din. Ang oa ko naman sa part na yon.
Tahimik lang kami sa sasakyan habang nagmamaneho siya. Minsan ay sumusulyap ako sa kaniya kaso ang seryoso niya habang nagmamaneho kaya hindi ko nalang siya kinausap hanggang nakarating na kami sa simbahan. At aagin pinagbuksan niya ako ng pintuan.
"Asan si Tita?" tanong ko sa kaniya pagkababa ko nang sasakyan.
"She's inside already, nagpahatid siya kay manong kanina." napamulsa niyang saad habang nakatitig sa akin.
Nagsimula na kaming maglakad para hanapin saan nakaupo ang Mom niya at madali lang namin itong nahanap kasi tinawag kami nito.
"Dabriel, here!" hindi naman malakas pagkasabi niya dahil nasa loob na kami ng simbahan at kinaway niya ang kaniyang kamay.
Nang makalaput na kami sa Ginang ay nagbless ako sa kaniya at ngitian niya ako.
"Buti naman at nakasama ka namin hija. Diba ikaw yong isang kaklase ni Riel?" tanong niya sa aking habang nakangiti.
"Yes po." sagot ko at umupo sa tabi niya.
"Mom, dont interrogate her." reklamo naman ni Riel na nasa gilid ko. Bali pinag-gitnaan nila akong mag-ina.
Hindi nagtagal ay nagsimula na ang Misa at sermon ng Pari.
Bigla nalang akong nag freeze kasi sa part ng peace be wuth you ay lumapit si Riel sa akin at hinalikan ang noo ko. Shocks! pwede naman na smile lang bakit may paghalik pa sa noo?
Thank you, Lord!
Bago pa ako mawalan ng hininga ay nagbless uli ako kay Tita at nag smile nalang kay Riel. Ang lalaki naman ay malaki ang ngiti tila nanunukso. Shit! ang init ng pisnge ko.
Hanggang natapos ang Misa ay pualang pula pa din ako hanggang sa sasakyan ni Riel.
"I didn't know you blush that much." turan niya habang ngumisi nang nakakaloko.
"Blush on lang 'to!" sinamaan ko naman siya ng tingin. Habang humahalukipkip.
"You're so cute." At humahalakhak pa talaga siya. Wow, siya na ang masaya.
Tiningnan ko naman ang abong mata niyang kumikinang habang tumatawa. Shet! ang gwapo talaga! Sarap maging tatay ng mga anak ko!
Charot. Pero why not?
"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya nang nahimasmasan na siya sa pagtawa.
"Sa Remenz Café, bagong café daw 'yon. Gusto ko i-try." sagot ko sa kaniya.
Kinuha ko naman ang phone ko sa aking sling bag para ipakita sa kaniya ang picture ng café.
"Ito oh. Maganda daw dito sabi sa reviews." pangungumbinsi ko. Baka kasi hindi niya gusto ang mga ganon.
"Sure, I waze nalang natin para hindi tayo maligaw." And then he start his car engine at nagsimula na aming paglakbay sa daan.
Almost 30 minutes din bago kami nakarating sa Remenz Café medyo malayo layo pala siya sa City. Pagdating namin ay para itong Fairy Garden. Ang mismong café ay napalibutan ng iba't ibang uri ng bulaklak.
Pagpasok pa lang namin ay mafe-feel mo na talaga ang kagandahan ng lugar. May mga upuan sa loob at sa labas sa mismong may mga bulaklak at doon ko sinabi kay Riel na gusto doon sa labas umupo. May mga nakikita din akong mga paru- paro na iba't iba ang mga kulay.
Si Riel na ang nag-order ng kakainin namin at ako naman ay naghintay lang sa labas na may upoan at lamesa.
" Here's your strawberry latte and cheesecake, Madame." Napalingon naman ako sa taong naglapag ng tray na may lamang pagkain.
"Salamat alipin ko." pabalik kong biro sa kaniya at nginisihan lang ako.
Tiningnan ko naman ang pagkain niya. A simple Iced Americano paired with a croissant.
"Ang ganda dito noh?" pagsisimula ko.
"Yeah, ang daming bulaklak." aniya at tumitingin din sa paligid.
Heto na. Sabihin mo na, Chaun.
" Alam mo ba, madalas na dinadala ng mga tao dito ay yong mga taong gusto nila." Tumingin ako sa kaniya at ngumiti ng kaunti.
Sumandal ako sa upuan at tumitig sa mga mata niyang nakatingin sa akin.
He's seriously watching me intently. Na para bang may hinihintay pa siyang sasabihin ko.
I inhaled and exhaled.
"Kaya kita dinala dito kasi Dabriel, gusto kita." para na akong mabibingi sa lakas ng tibok ng puso ko. Kita ko ang pag-awang ng kaniyang mapupulang labi at pagsinghap niya ng kaunti.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla siyang tumayo at marahas na lumapit sa akin. Akala ko ay aalis na siya ngunit, bigla siyang lumapit sa akin at niyapos niya ako ng yakap hangang sa nakatayo nalang din ako sa aking upuan.
Tumindig ang lahat ng balahibo ko sa aking batok nag isiniksik niya ang kaniyang mukha sa aking leeg at bumulong dun. "Fuck! Naunahan mo ako, Chaun. Gustong- gusto din kita." And he kissed my neck softly! Kaya napapikit ako nang dahil don.
————
matchahea
YOU ARE READING
Love Me, Ms. President
Teen FictionDisgust. Hatred. Lies Chauncey a SSG President of their school. She's well known because of her leadership skills and being sociable person. Her life is simple. She have friends, academic achiever, and living independently. Not until her simple life...
