Chapter 3

12 8 3
                                    

Content Warning : This chapter contains mild sexual descriptions, readers please be advice.





Hapagkainan, isang lugar kung saan kadalasang masayang nagsasalo salo ang lahat ng taong kasalukuyang nasa harap ng mga pagkain,minsan ay may nagaganap din na kwentuhan habang kumakain. isang pagtitipon kung saan malayang nakakapag usap usap ng masaya ang mga kumakain para lalo pa mapagtibay ang kanilang koneksyon, ugnayan sa isat isa na nagiging pangunahing source ng bonding time nang magpapamilya.

"......"
Tahimik habang kasalukuyan ko nginunguya ang mala rubberized na karne ng baka sa aking bibig.

Hang in there...aking ngipin.

"....."

"......."

Tahimik ko nginunguya ang mga pagkain habang inilalayo ang tingin sa aking mga kasama sa lamesa para maiwasang makipag usap sa kanila.

Magkatabi si ate maricris at ang kapatid niyang lalaki habang ganun din naman kami ni papa, magkaharap si ate maricris at si papa sa parisukat na lamesa at sa kasamaang palad ay ganun din kami ng lalaki, wala namang mali sa posisyon kung saan kami nakaupo nang lalaki, kumpara sa kila ate maricris at papa ang pinagkaibahan lang ay kasalukuyang masayang nag uusap ang dalawa samantalang tila ba kapwa kami naka silent mode ng katapat kong lalaki.

Idagdag pa ang pagkawala ng signal namin sa dalawa pa naming katabi ay tila ba naka airplane mode na kami.

"........"

Matapos maubos ang sabaw ng tinolang manok sa aking mangkok ay muli akong kumuha sa malaking bowl sa gitna ng lamesa, hindi napansin na may kasalukuyan pang kumukuha at gamit gamit niya ang pang scoop ng sabaw ay nailub-lob ko ang aking kamay sa mismong bowl ng sabaw ng tinolang manok.

Anak ng aswang na may sinumpaang dugo!, Ang init! Ang init!!.

Wala akong imik sa nangyari habang sa aking kaloob looban ay tila ba nahawakan ng kamay ang kadagat dagatang apoy.

Habang pilit sinusumbinsi ang sarili para hindi sumigaw ay dumungaw ako sa kung sino mang hampas lupa ang kasalukuyang may hawak ng sandok at nakita ko ang lalaki, naka poker face din tulad ko at kasalukuyang naghihintay sa akin habang hawak hawak niya ang sandok na nakahanda ng i-abot sa aking namumulang kamay.

"........"

"......."

Walang kahit anong tinig ang lumabas sa aming labi, inabot ko ang sandok mula sa kanyang kamay at nag umpisa na akong kumuha ng sabaw sa lalagyan, siya naman ay nagpatuloy sa pagkain na parang walang nangyari.

My goodness!, hindi ko alam kung paano mag r-react dito, ano gagawin ko!, parang gusto ko manapak ng lalaki! lalo na yung nasa aking harapan.

"Clorica?,......Rizalino?"

Napansin ni ate maricris ang aming katahimikan at ang kakaibang kilos.

"Kayong dalawa.......correct me if i'm wrong... Nagkakilala na ba kayo or something?"
pagtataka ni ate maricris nang may naniningkit na mata.

Nakadinig kami ng may biglang umubo, napatingin ako sa pinangalingan ng tunog at nakita ang lalaki na pilit itinakpan ang kanyang bunganga at sa ikalawang pagkakataon ay tila ba naubo,nakatakip ang bunganga ay may nakita akong tumalsik na kanin na lumabas mula sa kanyang ilong.

Agad ko pinigilan ang pagsilakbo ng aking damdamin sa aking nakita, pinanatiling walang emosyon ang aking mukha.

Wag ka tatawa clorica! Hinayupak ka!!.

CloricaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon