"tatlo? clorica, anong? eh? "
bigla siya napalunok ng laway sa aking sinabi at nag umpisang mataranta na ikinakaba ko naman dahil na aapektohan na ang kanyang pagmamahenho."itabi mo muna ang kotse!"
pasigaw kong wika.Matapos ko mag tantrum ay napansin ko na dahan dahang bumagal ang takbo ng kotse. tumingin tingin siya sa aming paligid habang naghahanap ng temporary parking space at nang makahanap siya ay agad siya nag park.
Napunta kami sa isang tahimik na lugar kung saan ay parte pa din ng national road ngunit nasa gilid nito ay malawak na palayan.
Mas tumahimik ang aming paligid ng huminto ang tunog ng makina ng kanyang kotse, kasalukuyang nakabukas ang mga bintana habang pumapasok ang sariwang hangin sa loob ng kotse. naka park kami sa tabi ng isang malaking puno na nagsisilbing karagdagang silong sa amin, wala namang gaanong dumadaang motorista sa kasalukuyan naming lugar kaya isa itong perpektong lugar para sa maaring mangyari.
Nakatingin siya sa akin habang hinihintay ang kasunod sa aking sinabi sa kanya kanina, kahit tila ba may idea na siya sa aking sinabi kanina.
"clorica..tatlo..you mean..."
wika niya na parang hindi mapakali."hindi pa kumpirmado pero ,gusto ko nga malaman ang totoo eh, ilang araw na din na wala akong dalaw na dapat ay meron na"
Nanlaki ang kanyang mata matapos madinig ang aking sinabi, napapikit siya ng saglit at ng imulat niya ang kanyang mata ay mamula mula na ito kasabay ng biglang pagputla ng kanyang mukha. tulad nang unang pagkakataon na makita ko ang gulat at ka awa awa niyang mukha ay nakaramdam uli ako ng kakaibang galak sa aking dibdib ng makita ang kanyang kasalukuyang ngayon.
"seryoso ka?"
"Oo seryoso ako"
Mas lalo pa siyang namutla at tila ba bumilis ang kanyang paghinga, agad siya napa hawak sa kanyang dibdib na ikinagulat ko naman dahil nung mga oras na yun ay parang inaatake na siya sa puso.
"o...oi!, o..okey ka lang?"
"okey lang ako..hintayin mo lang akong kumalma ok."
wika niya habang pilit kinokontrol ang kanyang paghinga.Kasalukuyan siyang nasa state of panic dahil sa kanyang narinig mula sa aking bunganga. seriously? mas nagpapanik pa siya kumpara sa akin kahapon, hindi naman siya yung nanganganib na masiraan ng kinabukasan at dignidad, kung may kailangan mang magpanik ay ako yun eh.
"shall we go the hospital or something?, to confirm it?"
matapos kumalma ay agad niya ako kinausap. bakas pa ang namumutla niyang mukha kahit medyo makalma na ang kanyang boses."tayong dalawa?"
"yes tayong dalawa"
Bigla ako napa isip sa kanyang sinabi, well wala naman akong problema sa gusto niya mangyari at mas mainam na nga na makumpirma kung may nabuo ba sa aking sinapupunan o wala, lalo na at malapit na magpasukan a week or so ....more precise!, ayaw ko namang kumalat sa aking mga kaklase ang lahat, mas mainam na hindi ko nalang papasukan ang kasalukuyang schoolyear keysa naman pagpyestahan ng mga chismosa chismoso sa paligid ligid.
Pero ang problema ay ang what really comes after that, ano nga ba ang gagawin namin kapag nalamang merong talagang nabuo sa aking sinapupunan ngayon. agad ba siya mag re-request ng abortion eh ang alam ko ay ilegal iyon dito sa pinas at kung meron mang legal ay sa mga malalaking ospital lamang at tiyak kakailanganin ng parents concent dahil 15 lamang ako at hindi pa considered indipendent meaning malalaman ni papa ang kalokohang ginawa ko sa aking sarili. meron rin option sa mga ilegal na abortionista kaso may risk mas lalo pa masisira ang imahe ko kapag pumalpak si madam auring, sa ngayon ay kailangan ko muna siya pilitin na piliin ang aborsyon dahil baka pumasok sa kanyang utak ang katagang "papanagutan kita" na ayaw na ayaw ko madinig dahil overuse na masyado at nakakasuka na at bukod pa doon hindi pa ako handa.
BINABASA MO ANG
Clorica
Teen Fiction[Part of Incessant Series Shared Universe] Story #9 A Drama based story about a girl getting to know her true self while going through adolescence. Clorica Book 1 Ano ang basehan nang pagiging isang matanda?. Ito ba ay nasusukat sa edad ng isang ind...