Chapter 6

39 7 2
                                    

Nagpatuloy kami sa paglalakad hangang maka akyat sa ikalawang palapag ng left building at ngayon ay tinatahak ang corridor patungo sa aming school library, ang pinaka paborito kong lugar sa buong school campus.

Habang naglalakad kasama si kuya riz ay may natanaw nanaman akong pamilyar na mukha, hindi lamang isa kundi dalawa sila, sa pinaka dulo ng hallway kung saan ay naroroon ang Home economics office ay nakatayo sila at nag uusap.

Coincidence nanaman ah!

Sino pa! May dadagdag pa ba!.

Si julia..at ang kanyang kuya.

"Kuya riz, ipapakilala kita"

"Hmm? Kanino?"

Habang naglalakad kami'y itinuro ko ang dalawang tao sa aming harapan na nakatayo sa tabi ng home economics office.

"Sure..."

Naisip ko na mainam na maipakilala ko na ngayon si kuya riz kay julia at sa kuya niya para wala na akong problemahin sa susunod, ipapakilala bilang kapatid ng fiance' ng aking ama at bagong teacher sa paaralang ito na na makikitira sa aming bahay.

Hindi ko muna sasabihin kay julia yung part na si kuya riz yung the same guy na binangit ko sa kanya.

Kasalukuyan nakatayo ang dalawa sa tapat ng home economics office ng mapansin ang aming mga yapak na nag e-echo sa paligid.

"Julia!"
Agad ko siya kinawayan habang patuloy sa paglalakad kasama si kuya riz.

"By the way...classmate mo siya?"
Tanong ni kuya riz sa akin.

"Bestfriend ko and yeah...kaklase ko ulet this year"
Wika ko naman.

"Ahhh..good for you then."
Nakangiti niyang wika.

"Bibilisan ko ang aking lakad para mauna ako, sunod ka nalang ah!"
Wika ko kay kuya riz at binilisan ko ang aking lakad patungo sa kinalalagyan nila julia at ng kanyang kuya.

"Oh bEs, anong ginagawa mo sa school?"
Agad niya ako binati nang ako'y makalapit sa kanilang dalawa.

Hindi muna ako nagsalita at niyakap ko saglit si julia ng ilang segundo bago ako kumalas sa kanya.

Saglit ako tumingin sa kanyang kuya at ako'y tumango bago ibinalik ang atensyon kay julia.

"Ah.... coincidence i guess haha"
Wika ko naman sa kanya.

"OHhh~ coincidence ka dyan"
Wika niya sa akin sabay siko sa aking tagiliran.

"Aray!"

" ang daya ah, bakit hindi mo sinabi sa akin, o de tayong dalawa na lang sana ang pumunta"
Wika niya naman sa akin sabay hampas sa braso ng kanyang kuya.

"Aray!"
Usal ng kanyang kuya at napakunot ang noo nito sa ginawa ng kanyang kapatid.

"Ah sorry sorry..hindi ko nga din alam na makakapunta ako dito eh"
Natatawa kong wika.

"Hah?"
Naguluhan si julia sa aking sinabi.

"actually..niyaya lang ako dito ng aking kasama, siya ang gustong pumunta dito, basically siya ang sinamahan ko dito"
Pagpapaliwanag ko.

"Kasama sino naman?... Hmmm..si emilia ba? Nandito siya eh, Nakasalubong ko siya kanina, nasa guidance office siya ngayon"

"Hindi hindi.. pero alam ko na narito si emilia nakasalubong ko din siya kanina..."
Kasalukuyang kausap si julia ay naramdaman kong may biglang humawak sa aking balikat, ipinatong niya ang kanyang kamay sa aking balikat.

"Julia....ipapakilala ko nga pala, si kuya rizalino, riz for short, kapatid ni ate maricris, bagong teacher siya sa paaralan natin"
Pagpapakilala ko sa lalaking nasa aking tabi.

CloricaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon