Chapter 9

28 7 4
                                    


Pasukan na bukas, kasalukuyan akong nasa loob ng aking kuwarto habang tinititigan ang mga bagong kagamitang pang eskwela na maayos na nakalapag sa aking kama.

"parang nakakapang hinayang gamitin yung mga bagong gamit ah"
Wika ko habang nakatitig sa mga bagong biling kagamitan pang eskwela na magkakatabing nakalatag sa aking kama.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam ng ganito sa aming mga babae, sa tingin ko ay ako lang ata talaga eh hahaha!.

Pansin ko na every girl my age ay mahilig ipagmalaki ang mga bago nilang kagamitan sa eskwela lalo na kapag branded ito o pricey samantalang ako naman ay tuwing na bibilhan ni papa ng mga bagong kagamitan ay nasasayangan sa pagamit at paminsan minsan kapag masyadong mahal o galing sa sikat na brand ay ikinakahiya ko pa itong gamitin.

Hindi ko alam kung dahil sa lumaki ako sa isang pobreng kapaligiran at kabataan o sadya sigurong nakatanim na sa aking isipan ang maging matipid.

"Speaking of of old stuff, sa tingin ko ay marami pa akong mga hindi nagamit na supplies from last year and onwards ah!, ayun nalang kaya muna ang gamitin ko?"

Mula sa ilalim ng aking kama kung saan nakalagay at naka imbak ang mga samut saring gamit na naka lagay sa kahon ay Ako'y sumilip para hanapin ang kahon kung saan naka nakalagay ang mga itinago kong School supplies na hindi nagamit nung mga nakaraang school year.

" Ang aga pa naman, ang sabi niya eh 10:00AM siya darating"
Wika ko sa aking sarili habang tinutukoy ang pagdating ni kuya riz sa bahay kasama ang kanyang mga kagamitan.

Nakaluhod sa sahig kung saan ay ramdam ko ang sakit at pagrereklamo ng akin tuhod habang nakalapat ito sa matigas na marmol at binubuhat ang bigat ng aking katawan ay hinila ko ang isang kahon sa ilalim ng aking kama kung saan ay may naka sulat na markang 'School supplies #1'

Agad ako tumayo at nagpagpag ng tuhod matapos mailabas ang kahon mula sa ilalim ng kama, nakitang punong puno ng alikabok ang naturang kahon ay hindi ko alam kung anong pumasok sa aking isipan at bigla ko na lamang ito inihipan.

Tila ba sumabog na bomba ay agad kumalat ang alikabok sa buong paligid ng aking kuwarto.

Nasinghot ang kulay abong pulbos ay gumapang ito sa aking ilong na nagdulot ng pagka irita nito at maging ang aking lalamunan ay nag reklamo din.

" Ang shonga *Cough* ko * Cough* ang shongashonga ko talaga!"
Agad ako tumayo sa aking kinalalagyan at nagmamadali akong nagtungo sa bintana ng aking kuwarto sabay agad ito binuksan at inilabas ang aking ulo para makahigop ng sariwang hangin at mailabas ang nalanghap na alikabok.

Ang daming alikabok!.

Muling humigop ng hangin ay agad ko tinungo ang switch ng ceiling fan ng aking silid at binuksan ito kung saan ay inilagay agad sa maximum ang speed at nang mabugahan nito ang nagkalat na alikabok sa aking kuwarto para mabawasan ang mga madidikitan nitong mga tela at fabric.

Naramdaman ang malakas na pagbuga ng simoy sa loob at ang serkulasyon ng hangin ay muli ako kumilos para puntahan naman ang remote ng air-conditioner para ito'y i switch off.

"Haaaa....kakalaba ko lang ng mga to eh"
Pagrereklamo ko sa sarili nang makitang may bahid na ng mga alikabok ang mga tela ng punda ng unan at aking kumot sa kama.

Mula sa drawer ng aking desk ay kinuha ko ang aking personal medicine kit at dinampot ang disposable facemask sa loob bago ko isinauli sa drawer at isinara ito.

Naka suot ng face mask habang bukas ang bintana at patuloy ang ikot ng ceiling fan na nagpapalabas ng mga alikabok sa bintana ng aking silid ay nagpatuloy ako sa aking nais gawin.

CloricaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon