CHAPTER 03

98 8 0
                                    


***

“I want to ask you something” He said. “Can i Court you, Clemaih Ashara?“ He finally said.

Hindi ako maka galaw sa kinauupuan ko nang marinig ang sinabi niya. Is he serious? Kakayanin niya ba?

“Are you serious?“ Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Tumingin lang siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Damnit

“Yes, I am” He looked at me. “I am Serious Ash, I want to court you. Kahit ilang beses pa akong umulit na ligawan ka gagawin ko basta masagot mo lang ako.“ I smiled at him.


—”CLEM, tumawag kahapon ang Mommy mo. May sasabihin yata sa iyo, kaso wala ka dito.“ Ani ni Nanay habang tinutupi ang mga damit namin. “Tatawagan mo ba siya?“ Tumingin siya sa akin. I nodded

“Sige po Nanay, I'll call mommy Later po” I smiled at her saka kinuha ang juice sa Mesa at ininom ito. Ilang araw na rin ang lumipas simula noong tinanong ako ni Niel kung pwede ba siyang Manligaw, and you know what's my answer is?

Ahm, Niel sigurado ka na ba?”
Tanong ko ulit kahit alam kong sigurado na siya, natatakot lang kasi ako na baka 'kong ano ang mangyari sa kanya kapag nalaman 'to ng mga magulang ko.

Marami pa naman ang naka bantay sa paligid ko. Pero kung ako ang tatanungin, Gusto ko. Gusto ko siyang payagan. Gusto kong maranasan kung ano ang pagmamahal na sinasabi nila.

“Kaya kong harapin ang lahat Ash, kakayanin ko. Kase gusto kita.. gustong gusto kita.” He said. Hinagod niya ang kamay ko at tumingin sa mga mata ko.

“Sige, hahayaan kita. Pumapayag na ako” Ani ko. Sa totoo lang gusto ko si Niel kaya hinayaan ko siyang ligawan ako. Hindi naman 'to siguro malalaman nina mommy at daddy kaya susugal na ako. Para maranasan ko rin 'yon.

“Thank you, Ashara.” He smiled.

“Clem nakikinig ka ba sa akin?“ Napabalik ako sa wisyo nang tawagan ako ni Nanay. Malumanay itong tumingin sa akin

“Po? Nanay?“ Magalang kong ani. Saka siya tiningnan

“Ang sabi ko iha, Ilang buwan nalang at aalis na tayo dito. Babalik na tayo sa mansion. Nag-aalala lang ako sa iyo.“ Malungkot na tumingin sa akin si Nanay. “Kanina ka pa tulala iha, may problema ba?“ I shook my head.

“Wala po Nanay, May iniisip lang po ako” I smiled.


—NAGLALAKAD ako ngayon papasok sa Campus nang may kamay na tumusok sa tagiliran ko.

“Oy babae ka! Bakit di mo sinabi sa akin?!“ Pa sigaw niyang ani. Ang ingay talaga ng babaeng to! “Na nagpapaligaw kana pala! Tapos kay Nie-” Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng tinakpan ko ang bibig niya. Baka may makarinig sa kaniya!

“Oh, Shut your mouth Ray! Baka may makarinig sayo!“ Mahinang sigaw ko sa kanya. Saka hinila siya papalayo sa maraming tao. At d'on ko na kinuha ang kamay kung naka takip sa bibig niya

“Hmp. Pasalamat ka mabango yang kamay mo! Kung hindi kakagatin ko yan!“ Hinihingal niyang Sabi. Saka tumingin sa akin

“Eh bakit ka kasi sumisigaw, pwede mo namang sabihin sakin ng di sumisigaw ah” I looked at her. She smirk.

“Pero, totoo?“ Tanong niya. Habang naka ngisi. “Pero paano kung malaman ng Parents mo? Ash.“ Nag-aalala niya akong tinignan bago umupo sa ilalim ng puno na malapit sa amin.

RACE OF LIFEWhere stories live. Discover now