***
Kakadating lang namin sa Mansion, mahaba din ang byahe namin mula sa Isla. At napagod ako d'on kahit ang ginawa ko lang kanina sa byahe ay matulog.Sinalubong ako nang dalawa kong nakababatang kapatid si Matthew at Cullen. Mas sweet si Matthew kesa sa Bunso naming si Cullen. Ang Sungit nito mana kay Kuya Razel, Panganay namin. Si kuya Mylze naman parang si Matthew napaka sweet.
“Ate! I miss you!“ Matt hugged me. Ang taas niya, parang siya yong mas matanda saming dalawa kong height lang ang pagbabasehan.
Lumapit din si Cullen sakin. “Ate! Miss na din kita!“ Ay wow! Kailan naging sweet 'tong bunso namin? Silang dalawa lang naiwan ni Matt dito sa Mansion. Gumanito na oh.
“Cullen” I hugged them both. “Kailan ka pa naging sweet? Hmm?“ Napatawa ako dahil sa muka niya.
“Why ate? Miss kita eh.. antagal mo kayang hindi umuwi dito.“ He pouted. Ang gwapo talaga. “Miss ko na 'yong mga sinasabi mo.“ Aww, this boy.
“Ate, look. Our baby Cullen.“ Matt tease Cullen. Sinamaan naman nito nang tingin ang kuya niya.
“No I'm not a baby anymore!“ Naiinis nitong sigaw sa kuya niya. “Ate! Gumawa ka na nga nang baby, para di na nila ako tawaging baby dito!“ He smiled at me. Tsaka hinabol ang kuya Matt niya. Ghod this two
Doon ko lang napagtanto sa sinabi ni Cullen na kailangan ko palang mag PT para malaman talaga kong buntis ako o hindi.
—GABI na at tapos narin kami mag dinner. Ngayon ko naisipang mag PT. Pumasok na ako sa Bathroom ko at binuksan ang PT tsaka ni test ito sa sarili ko.
Matagal din akong nag hintay para makita ang resulta. Pabalik balik ako sa silid ko at tiningnan ulit ang PT, hindi na ako nagulat nang makita ko ang dalawang guhit na pula dito. Dahil alam ko at tanggap ko na buntis nga ako.
I need to fight. Ilalaban ko 'to. Ako at ang anak ko. Bahala na kong ano man ang maging reaction nang pamilya ko. Basta ang alam ko lang kaya 'kong talikuran ang buhay ko, kong hindi man nila kami kayang tanggapin.
Napaiyak ako, hindi dahil sa pinagsisihan ko 'to kundi dahil sa saya na dumating siya sa buhay ko. Binigay siya sa'kin ng Diyos kaya buong puso ko siyang tatanggapin. Buong buo ko siyang mamahalin.
May kumatok sa pinto kaya tinago ko muna ang PT bago ito buksan. Bumungad naman saakin si Nanay, may dala siyang Milk para sakin. Simula kasi bata pa ako nasanay na akong dinadalhan niya nang Gatas bago ako matulog sa gabi. Kaya ito siya ngayon may dalang Gatas para sa'kin.
“Nanay, Pasok po kayo.“ Niluwagan ko ang pagbukas ko nang pinto upang makapasok si Nanay sa kwarto ko. Ngumiti naman siya sa akin at pumasok na.
Nilagay niya ang dala niyang Gatas sa Bedside table ko at umopo naman ako sa kama ganon din siya
“Kamusta kana Iha?“ Tanong niya sakin habang naka ngiti. “Nakapagpahinga ka ba nang maayos?“ Ngumiti ako sa kanya
“Opo Nanay, kayo po? Mag pahinga na kayo alam kong pagod po kayo.“ Kinuha ko ang Gatas sa Bedside table tsaka ininom ito. Hinawakan niya ang kamay ko
“Ayos lang ako Anak, ikaw nga itong tinatanong ko” Tumingin siya sakin binalik ko naman ang Gatas sa Bedside table gamit ang kaliwa kong kamay. Ngumiti ako kay Nanay
“Nanay, I'm okay na po wag na kayong mag-alala” Niyakap ko siya at napangiti dahil sa paghaplos niya sa likod ko.“Magpahinga na po kayo, I can handle myself na po Nanay.“ Kumawala ako sa kanya at tiningnan siya. Ngumiti namn sakin si Nanay
YOU ARE READING
RACE OF LIFE
RomanceClemaih Ashara Vallencio, She is the only daughter of a Billionaire. Everyone thought she was getting what she wanted, But there was something she really wanted to get that she couldn't have. With her request to be free even if it is not permanent s...