***
—PAGKATAPOS naming mag lunch kanina ni Chiara ay pinasundo ko na siya sa family driver namin para ihatid sa bahay, half day lang kasi ang pasok niya dahil kindergarten palang naman siya.
Habang ako naman ay bumalik ulit sa office ko para mag trabaho, kahit anak ako ng chairman, kapatid ng C.E.O may trabaho rin akong dapat na gampanan.
As usual pagkatapos nang trabaho ko sa office ay agad akong umuuwi para makita ang anak ko, Chiara is a brave girl isang sabi mo lang sa kanya ay susundin ka niya.
Dumaan muna ako sa Vrancias Resto para bilhan siya nang paborito niyang carbonara, i hate carbonara siguro namana niya ang pagkakagusto niya dito sa ama niya. Speaking of her father, simula nang matapos ang meeting ko sa kanya ay agad din akong umalis.
Ni hindi ko na nga nilingon ang mesa nina Matt sa pagmamadali. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi naman ako ang may kasalanan nang pagkakalayo naming dalawa ah? Pero bakit feel ko na naguiguilty ako? Wala naman akong ginawang masama!
Sinalubong ako ni Chiara sa pintuan nang maka uwi na ako. Makita ko lang na masaya ang anak ko ay masaya narin ako. Malapit na ang 6th birthday niya. Dati naalala ko pa karga karga ko palang siya sa mga braso ko, ngayon parang hindi ko na siya kayang kargahin kasi bumibigat na at lumalaki.
“Mommy!“ Tumakbo siya patungo sa akin. Kapag nasa bahay ako at nakikita ang anak ko nawawala ang pagod ko. Siya ang lakas ko, siya ang buhay ko. Lahat kinaya ko para sa kanya.
“Baby” I kissed her cheeks bago siya buhatin. “Ang bigat na ng baby ko” Masuyo ko siyang hinalikan ulit. She giggled
“Mommy, where's my cabonara?“ I laughed. Lumakad ako patungo sa sofa at ibinaba siya sa couch.
“Here's your Carbonara!“ Ibinigay ko sa kanya ang dala dala kong supot kanina. Hindi na ako bumili nang maraming Carbonara kasi walang hilig sa ganito ang mga tao dito sa Mansion. Si Chiara lang talaga ang may hilig dito
“Thank you momma!“ Binuksan ko ang plastic box at sinubuan ko siya.
“Nom..nom..nom..“ Tumutunog pa talaga habang kumakain eh, Susubuan ko pa sana siya nang bigla nalang siyang kumarepas nang takbo patungo sa lalaking nakatayo malapit sa pinto.
“Papa Mylze!“ Sigaw ng anak ko habang papalapit na tumatakbo patungo kay Kuya.
“Baby bear! Ang laki na ng baby bear namin oh” Binuhat siya ni Kuya at hinalikan nang pabalik balik sa pisnge. She giggled
“Eh, stoonit.. stoonit.. papa your tickling me!“ Sigaw niya. Malapit talaga siya sa mga kapatid ko, kagaya nang ginagawa dati sakin nagiging protective din sila sa anak ko pero hindi naman sobra sobra.
I looked at the woman besides Kuya Mylze, She's Ate Shania Kuya's Fiancè. I smiled at her bago lumapit kung nasaan sila.
“Ate Shania, Welcome home” Nag beso ako sa kanya bago siya niyakap. Matagal na rin noong una ko siyang makilala. Siguro 1 year old noon si Chiara, Pinakilala siya ni Kuya Mylze sa Pamilya namin bilang Girlfriend niya.
“Clem, ang Ganda mo parin hanggang ngayon.“ She smiled. Bago humawak sa braso ni kuya. Kuya Mylze is like a stone, matigas. Pero noong makilala niya sa Ate Shania malaki ang pinag-bago niya.
YOU ARE READING
RACE OF LIFE
RomanceClemaih Ashara Vallencio, She is the only daughter of a Billionaire. Everyone thought she was getting what she wanted, But there was something she really wanted to get that she couldn't have. With her request to be free even if it is not permanent s...