F R I E N D S (Book 1)

513 6 10
                                    

CHAPTER 1

Sa Bahay ni Noeul...

PEAT: no, no please no, wag tama na, tama na, ayoko na (umiiyak na sabi nito)
NOEUL: Peat, Peat gising, Peat what happened?

Agad na niyakap ni Peat ang kaibigan pagkadilat niya sa kanyang mga mata.

NOEUL: What happened?
PEAT: Noeul, napanaginipan ko na naman, (umiiyak na sabi nito)

Kaya niyakap siya ni Noeul ng mahigpit habang hinihimas pa ang kanyang likod.

Elementary palang magkakilala at magkaibigan na sina Peat at Noeul, at hanggang ngayong high school ay magkasama pa din silang dalawa.

NOEUL: calm down Peat it was just a dream okay? Panaginip lang, panaginip lang yun,
PEAT: Noeul bakit? Bakit sa dinami rami ng masasamang tao sa mundo, bakit ako? Bakit ako pa? Bakit kailangan sakin pa mangyari 'to? Bakit? Ano bang ginawa kong masama para danasin ko lahat ng hirap at sakit na 'to,

Patuloy pa din ito sa pag-iyak habang patuloy din si Noeul sa pagpapatahan sa kanya.

NOEUL: calm down Peat, don't worry, nandito ako, poprotektahan kita pangako yan,

Unti unti namang tumulo ang mga luha sa mata ni Noeul dahil sa awa niya sa kanyang kaibigan, sobrang napaka-buting tao ni Peat, napaka-masiyahin pero lahat yun ay nawala dahil sa nangyari, isang pangyayari na pilit nitong kinakalimutan pero lalo lang siyang nahihirapan, sobrang awang awa si Noeul kay Peat, at gusto na niya itong sabihin sa mga magulang ni Peat pero ayaw nito,

Dahil kahit naman gawin niya iyon ay hindi sila makikinig sa kanya dahil kahit ang mga magulang ni Peat ay galit sa kanya, adopted parents niya ang mga iyon kaya naiintindihan ni Noeul kung mas una nilang aasikasuhin yung totoo nilang anak kesa kay Peat pero habang tumatagal mas lalo lang nahihirapan si Peat dahil sa trauma dahil sa naranasan niya 2 months ago.

Iniisip ni Noeul na kung mas una niyang nakilala si Peat kesa sa mga umampon sa kanya, hindi niya sana ito mararanasan, hindi sana siya iiyak ng ganito dahil sa sobrang sakit, naaawa siya kay Peat at gusto niya itong tulungan pero hindi niya alam kung paano at kung saan magsisimula.

Habang umiiyak ay hindi namalayan ni Noeul na nakatulog na pala si Peat sa balikat nito, kaya inalalayan niya ang kaibigan para makatulog at makapagpahinga ito ng mas maayos.

NOEUL: Kung may magagawa lang sana ako para mabawasan yung sakit na nararamdaman mo, gagawin ko, pero wag kang mag-alala Peat, poprotektahan kita at aalagaan kita Peat,

Pagkasabi nun ay tumayo na ito at inayos ang kumot ng kaibigan saka umalis sa tabi nito at lumabas na ng kanyang kwarto.

Doon natutulog si Peat sa bahay nila Noeul sa tuwing hindi okay sina Peat at ang mga magulang nito, wala kasi silang ibang ginawa kung di ang i-pressure si Peat sa pag-aaral nito, at hindi lang yun, dahil si Peat pa ang sinisisi nila kung bakit nagkaroon ng depression ang anak nilang si Beam.

After 2 days...

Naghahanda sina Peat at Noeul dahil first day of school nila, bilang mga grade 10 students, kaya bago pumasok sa school ay pumunta muna si Peat sa bahay nila para kunin ang mga gamit niya dahil ang tanging dala niya lang nung pumunta siya sa bahay nila Noeul ay yung damit na suot suot niya at sa lumipas na dalawang araw ay puro mga damit na ni Noeul ang sinuot niya.

Ayaw din kasi siyang pauwiin ni Noeul sa kanila dahil alam niya kung ano yung mangyayari pero mapilit si Peat kaya hinayaan niya nalang.

FIRST: at talagang may gana ka pang umuwi dito eh noh, dalawang araw kang wala akala ko hindi ka na uuwi, (bungad nito pagkapasok ni Peat sa bahay nila)
PEAT: Pa kukunin ko lang po yung gamit ko
JA: dapat nga na kunin mo at umalis ka na dito, alam mo wag ka na mag-iwan ng gamit mo dito, kunin mo na lahat at umalis ka na, wag ka ng bumalik, alam mo ba, dahil sayo kaya nahihirapan ngayon si Beam, kasalanan mo lahat kaya sige kunin mo yung mga gamit mo at umalis ka na

Pagkasabi nun ay binato niya ang bag ni Peat na may lamang mga gamit nito.

PEAT: Dad, Pa, anak niyo din naman po ako ah,
FIRST: Anak? Hindi ka namin anak, ampon ka lang, ampon ka lang, kaya pwede ba lumayas ka na,

At pagkasabi nun ay mabilis na tumulo ang mga luha sa mata ni Peat.

Umiyak lang si Peat habang pilit siyang tinataboy at pinapaalis ng mga taong umampon sa kanya, habang si Beam nandoon pinapanood lang sila habang pinapalayas si Peat.

FIRST: umalis ka na dito, hindi ka namin kailangan, wala kang kwenta, wala kang silbi, dapat sayo mamatay, isa kang salot sa lipunan, (sigaw nito)

Narinig ni Noeul ang sigawan na nagmumula sa loob ng bahay nila Peat kaya dali dali itong pumasok at doon nakita niya ang kaibigan na umiiyak habang pilit pa din siyang pinapaalis ng mga magulang niya.

PEAT: Sorry po, sorry Dad, Pa, sorry po kasalanan ko, hindi ko na-protektahan si Beam sorry po, please po Dad, Pa, wag niyo po akong paalisin dito, promise po gagawin ko po lahat, mag-aaral pa po ako ng mas mabuti wag niyo lang po akong paalisin.

Awang awa si Noeul sa nakikita dahil alam niya na nasasaktan ang kaibigan niya, na nahihirapan ito, dahil sa mga nangyayari.

FIRST: Hindi na Peat, alam mo sobrang sising sisi kami dahil inampon ka namin, sana pala hindi ka nalang namin inampon kasi simula ng dumating ka sa buhay namin nagkanda-leche leche na yung mundo namin

Naikuyom ni Noeul ang kanyang kamao dahil sa narinig, and at the same time naaawa siya dahil nakikita niyang nakaluhod ang kanyang kaibigan habang umiiyak.

NOEUL: grabe naman po kayo, Peat naman, wala ka namang kasalanan kaya bakit ka nagso-sorry sa kanila,

Sigaw ni Noeul dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon ng lahat,

Agad niyang nilapitan si Peat na ngayon ay nakaupo at nakaluhod nalang sa sahig habang humahagulgol sa pag-iyak, pilit naman siyang pinapatahan ni Noeul...

End of Chapter 1

LOVE IN THE AIR BOYS STORY (BOOK 1 & BOOK 2)Where stories live. Discover now