Chapter 2

158 4 0
                                    

NOEUL: Peat tumayo ka dyan, (utos nito sa kaibigan, pero nananatili pa din itong nakaluhod)
PEAT: no Noeul hindi, Dad, Pa, alam ko na kasalanan ko, pero please po, wag niyo naman po akong paalisin, hindi ko po alam kung saan ako pupunta, wala po akong mapupuntahan Pa, (pagmamakaawa nito)
FIRST: hindi na naman problema yun, umalis ka dito, dahil hindi namin kailangan ang hampaslupang kagaya mo, alis, layas, (sigaw nitong muli)
NOEUL: Peat tara na, tumayo ka na dyan, (sabi nito habang inaalalayan si Peat na tumayo pero nananatili pa din itong nakaluhod)
PEAT: no Noeul, hindi ako aalis
BEAM: umalis ka na dito, Dad, Pa, paalisin niyo na nga po yan, kasalanan niya kung bakit ako nahihirapan ng ganito, kasalanan niya kung bakit ako na-trauma, kasalanan niya, (umiiyak na sabi nito, habang pilit siyang pinapakalma ng Daddy niya)
NOEUL: pwede ba Beam tumahimik ka nga (sigaw nito na ikinagulat nilang lahat) anong karapatan mo na sisihin si Peat sa nangyari sayo, bakit ikaw lang ba yung na-kidnap ha? Si Peat ba yung kumidnap sayo? Baka nakakalimutan mo na dapat ikaw lang yung kikidnapin nun pero nadamay lang si Peat dahil pilit ka niyang nililigtas, kaya ka nga nakatakas eh diba? Dahil kay Peat, at syaka Mr. First, Mr. Ja, bakit sinisisi niyo si Peat sa kasalanang hindi niya naman ginawa ha? Hindi niyo ba alam na mas nasasaktan at nahihirapan si Peat kesa kay Beam, bakit kamo? Kasi wala kayong ibang ginawa kung di maliitin siya, pilit niyang inaaral yung course na gusto niyo para sa kanya kahit ayaw niya para lang magustuhan niyo siya, alam niyo ba na sobrang galing nga ni Peat eh, kasi kaya niyang itago yung sakit na nararamdaman niya para lang hindi niyo malaman, alam niyo ba, 2 months ago, Peat and Beam was both kidnapped by your rivals, your "business rivals" hindi ko alam kung bakit nila ginawa yun, kung bakit pati si Peat dinamay pa nila eh hindi niyo naman siya tunay na anak pero alam niyo kung bakit? Kasi ginawa ni Peat lahat wag lang makuha ng mga gagong yun si Beam, kaya nga after ng ilang araw nakaligtas si Beam diba, kaya nga nakatakas siya dahil pinatakas siya ni Peat, sinakripisyo ni Peat yung buhay niya para lang mailigtas si Beam, pero nung nakatakas na si Beam wala man lang ni isa sa inyo yung nag-aalala at naghanap kay Peat, tinatanong ko kayo kung nasaan siya pero hindi niyo sinabi sa'kin na kinidnap pala siya, nalaman ko lang yun nung si Peat na mismo yung tumawag sa akin, humihingi ng tulong, alam niyo ba nung mismong araw na tumawag sa akin si Peat humingi agad ako ng tulong kela Daddy kaya nahanap namin agad si Peat, at alam niyo ba kung ano yung nadatnan namin dun? Alam niyo ba kung ano yung ginagawa nila kay Peat nun ha? Alam niyo ba? (sigaw nito)

Nagsimula namang tumulo yung luha ni Noeul dahil sa mga sinasabi niya.

NOEUL: pagkadating namin dun, naabutan namin na ginagahasa nila si Peat, tuwang tuwa la sila habang binababoy yung kaibigan ko, samantalang kayo eto sinisisi niyo siya sa mga nangyayari, sinisisi niyo kahit na hindi niyo alam yung mga pinagdaanan niya, sinisisi niyo siya imbes na dapat kayo yung unang umuunawa sa kanya dahil kayo yung mga magulang niya, inampon niyo siya kaya ibig sabihin responsibilidad niyo siya, at ikaw naman Beam, after nung nalaman mo nagbago na ba yung tingin mo kay Peat ha, kapatid na ba ang tingin mo sa kanya ngayon? Ikaw yung mas matanda sa kanya Beam kaya dapat ikaw yung pumoprotekta sa kanya pero siya pa yung nagsakripisyo para mailigtas ka, anong klaseng pamilya ba kayo ha? Peat doesn't deserve this, he doesn't deserve all of this, all your treatment, what he deserves was love and care pero kung hindi niyo yun maibigay sa kanya, wag na kayong mag-alala ako na ang bahala dun, handa naman akong ibigay sa kanya lahat yun kasi yun yung deserve niya, tara Peat tumayo ka na dyan,

Pagkasabi nun ay hinila niya si Peat para makatayo, nanghihina man ay pinilit pa din ni Peat na makatayo.

Bago sila maglakad paalis ay tumigil muna saglit si Noeul at nagsabing;

NOEUL: wag po kayong mag-alala, dahil simula sa araw na ito hindi niyo na makikitang muli si Peat ako na po ang bahala sa kanya, aalagaan ko siya at poprotektahan hindi kagaya ng ginagawa niyo ngayon, kung sana mas nauna ko lang na nakilala si Peat hindi niya na sana kailangang maranasan pa lahat ng ito

At tuluyan na silang naglakad paalis habang inaalalayan ni Noeul ang nanghihinang si Peat.

Inalalayan ni Noeul si Peat na makapasok sa loob ng kotse niya at dali dali itong nagmaneho palabas sa village nila.

PEAT: Noeul, hindi ako aalis dito, tara bumalik tayo dun sige na

Dahil sa sinabi ni Peat ay saglit na itinigil ni Noeul ang pagmamaneho at ipinarada niya muna sa isang tabi ang kanyang sasakyan, dahil baka maaksidente sila kapag pinagpatuloy niya pa ang pagmamaneho.

NOEUL: no Peat after what they said to you babalik ka pa talaga dun? Peat naman maawa ka sa sarili mo, hindi ka bato okay? (galit na sabi nito)

Nagsimula na namang umiyak muli si Peat dahil sa sinabi ni Noeul.

PEAT: Noeul, kapag umalis ako saan ako pupunta? Wala akong pupuntahan, kailangan kong bumalik sa pamilya ko Noeul, parang awa mo na Noeul,
NOEUL: (mabilis niyang hinubad ang seat belt niya at niyakap nito ng mahigpit si Peat) tama na Peat, okay na, magiging okay din ang lahat, nandito lang ako, ako na ang bahala sa'yo,

Pagpapagaan nito sa loob ng kaibigan,

Yakap yakap pa din ni Noeul ang kanyang kaibigan habang patuloy pa din ito sa pag-iyak, maya-maya ay nakatulog na naman ito kaya ipinagpatuloy na ni Noeul ang pagmamaneho niya papunta sa School nila.

Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa school pero mahimbing pa din na natutulog si Peat sa tabi niya, tiningnan nito ang orasan niya sa sasakyan para malaman kung mahuhuli na sila sa klase and since maaga pa naman hinayaan niya nalang muna na matulog si Peat at gigisingin niya nalang ito maya-maya.

End of Chapter 2

LOVE IN THE AIR BOYS STORY (BOOK 1 & BOOK 2)Where stories live. Discover now