Chapter 5

88 4 1
                                    

Makalipas ang ilang buwan ay naging maayos na ang lagay ni Peat, hindi na siya nagiging iritable, at hindi na siya madalas na binabangungot.

Araw ng moving up ceremony nila Noeul at Peat, at nang matapos iyon ay nag-celebrate sila sa bahay nila Noeul.

At habang masaya silang nagce-celebrate ay bigla namang dumating ang mga magulang ni Peat.

JA: Peat?
NOEUL: ano pong ginagawa niyo dito? Sino po ang nag-imbita sa inyo? (galit na tanong nito)

Agad namang lumapit ang Papa ni Noeul sa kanya para pakalmahin siya.

TON: anak kalma yung puso mo, ako yung nagpapunta sa kanila dito, pinapunta ko sila kasi oras na para makausap nila si Peat, pero wag kang mag-alala nangako naman sila na kakausapin lang nila si Peat, na hindi nila siya kukunin sa atin, na dito pa din siya titira, okay? Kaya tara na muna sa loob hayaan na muna natin sila na mag-usap

Pagkasabi nun ay hinila niya si Noeul papasok sa loob ng bahay, ayaw man nitong sumunod pero wala siyang nagawa kaya iniwan niya si Peat dun sa may swimming pool area kasama ang kanyang pamilya.

Pagkaalis ni Noeul agad na niyakap ni Beam ang kapatid at umiiyak pa ito,

BEAM: Peat, patawarin mo ako, patawad, patawad kung wala akong nagawa para protektahan ka, patawad kung kinailangan mong danasin lahat ng hirap na yun dahil sa akin, patawad kung hindi ako naging mabuting kapatid sayo, kung hindi sana ako nangulit noon, hindi sana tayo makikidnap, hindi mo ako ililigtas at hindi ito mangyayari sayo,

This time si Beam naman ang lumuluhod sa haral ni Peat habang umiiyak at hawak hawak ang kamay nito.

FIRST: Peat patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa iyo, kung hindi ko nagawa yung responsibilidad ko sayo bilang tatay mo,
JA: Peat sorry din kung pinressure kita, kung pinilit kita na gawin yung bagay na ayaw mo, kung minaliit kita, patawarin mo sana kami anak,

Mabilis namang tumulo ang luha ni Peat dahil dun, it was the first time that his dad call him "Anak" at sobrang sarap pakinggan nun sa tenga, dahil yun yung isa sa mga bagay na matagal niya ng hinihintay, ang matanggap siya ng mga ito at ang mahalin nila siya bilang isang tunay na anak.

Kasabay ng pagbagsak ng luha ni Peat ay ang panghihina ng kanyang mga tuhod, kusang bumagsak ang mga tuhod niya para mapantayan si Beam at pagkatapos nun ay niyakap niya ito at gumanti naman ng mahigpit na yakap si Beam, sobrang lamig at higpit ng yakap na iyon na para bang ayaw ng kumawala ni Peat sa mga bisig niya, maya-maya pa ay sumama na din ang mga magulang niya sa pagyakap nila at mahigpit nila siyang niyakap.

JA: I'm proud of you Peat, sobrang proud na proud ako sayo Anak,

At pagkatapos nun ay isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Peat sa kanyang ama.

Finally magiging masaya na siya, sana, sana maging masaya na siya.

~The End~

QueenMaven'sNote: So sorry Maven Babies, kung mabilis kong tinapos 'tong Book 1 ng story nina Peat at Noeul, nawalan lang talaga ako ng ideya kung ano yung susunod kong isusulat kaya tinapos ko na, pero may book 2 pa naman, kaya babawi nalang ako.

LOVE IN THE AIR BOYS STORY (BOOK 1 & BOOK 2)Where stories live. Discover now