Chapter 4

75 4 0
                                    

Weeks have passed, at palagi pa ding napapanaginipan ni Peat ang mga nangyari sa kanya, palagi itong umiiyak at kung noon ay umiiyak lang ito, ngayon ay hindi na nito napipigilan na saktan ang kanyang sarili, nagagawa na din nitong maglaslas ng pulso buti nalang at nakikita siya ni Noeul kaya nadadala siya nito agad sa ospital, kaya naman para hindi na maulit pa iyon ay naisipan ni Noeul at ng mga magulang niya na dalhin ito sa isang psychiatrist para patingnan sa mga especialista.

NOEUL: Dad, ano pong sabi nila?
YOON: The Doctors said that Peat needs some rehabilitation and medications, and sabi nila dahil daw yun sa traumang natamo ni Peat dahil sa nangyari sa kanya, kaya nagkakaroon siya ng hallucinations, mabilis siyang magalit or nagiging matatakutin sa ibang tao, nade-depress, at higit sa lahat nagiging iritable,
NOEUL: magiging okay naman po siya diba? Magiging okay naman po si Peat diba?
TON: Oo anak, wag kang mag-alala magiging okay siya, magiging okay si Peat, diba matapang siya,

Sabi nito sa anak, sobrang mahal na mahal ni Noeul si Peat dahil ito na ang tumayong kapatid niya at kaibigan niya, nag-iisang anak lang kasi si Noeul kaya sa tuwing wala ang mga magulang niya at busy sila sa kani kanilang business trips si Peat palagi ang kasama ni Noeul sa bahay nila.

Si Peat din ang nagliligtas sa kanya laban sa mga bully niya nung elementary pa sila kaya simula nung tumuntong sila ng high school eh nangako si Noeul sa sarili niya na po-protektahan niya na ito gaya ng ginawa nito sa kanya noon.

Nasa loob sila ng ospital kung saan nila dinala si Peat,

Matapos makipag-usap ni Noeul sa mga magulang niya ay agad siyang pumasok sa kwarto ni Peat para kamustahin ito, at pagkapasok niya doon ay nakita niya si Peat na mahimbing na natutulog na para bang walang problema at walang kahit na ano mang dinaramdam.

Habang pinagmamasdan ni Noeul ang kanyang kaibigan hindi nito mapigilan ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.

NOEUL: Peat, sana ganito ka nalang palagi, sana palagi kang nakakatulog ng ganito kahimbing, walang bangungot na kahit na ano at higit sa lahat walang sakit na nararamdaman, bakit ba kasi kailangan ikaw pa Peat, bakit sa dinami rami ng masasamang tao sa mundo bakit ikaw pa?

Maya-maya ay pumasok din ang Papa ni Noeul sa loob,

TON: Noeul Anak, magiging okay din ang lahat, magiging okay din si Peat
NOEUL: Pa bakit ganun? Kung sino pa yung mababait sila pa yung mas nasasaktan, kung sino pa yung masiyahin sila pa yung may problemang pinagdaraanan, Pa, hindi po ba pwede na palagi lang masaya? Bakit kailangan po nilang masaktan, at bakit si Peat pa, wala siyang ibang ginawa kung di sundin yung gusto ng mga magulang niya kahit ayaw niya, tiniis niya yung pagmamaliit sa kanya ng kapatid niya, ni minsan hindi ko siya nakitang nahirapan o nasaktan pero ngayon, ang sakit pala na nakikita ko siyang nahihirapan, ang sakit sakit pala na nakikita ko siyang umiiyak, Pa naaawa ako kay Peat, lahat nalang ng masasakit naranasan niya na, Pa hindi po ba talaga pwede na makalimutan niyo nalang lahat ng nangyari, or kahit isipin ko nalang at isipin niya na hindi yun nangyari, na panaginip lang ang lahat, hindi po ba yun pwede?
TON: anak, sa buhay para makamit natin ang tunay na kaligayahan kailangan muna nating masaktan, at syaka wag ka ng umiyak, kasi for sure kapag nakita ni Peat magagalit siya, ayaw niya na nakikita kang umiiyak dahil sa kanya,
NOEUL: Pa kung sana may magagawa lang ako para pasayahin siya, para ibalik yung dating siya na masayahin at masigla kaso wala Pa, hindi ko alam kung ano ba yung dapat kong gawin,
TON: Ang manatili ka sa tabi ni Peat ay sapat na, hindi naman natin siya iiwan diba, hindi natin siya papabayaan, mamahalin natin siya at tatanggapin natin siya kaya wag ka ng umiyak, lahat ng 'to balang araw malalampasan din niya, kasi kasama niya tayo, ikaw, kasama ka niya nandito ka sa tabi niya, at alam niya na hinding hindi mo siya iiwan,
NOEUL: Pa diba may contact po kayo dun sa mga pulis na humahawak sa kaso ni Peat? Ano po bang balita dun?
TON: medyo natagalan Anak pero nahuli na sila, at habang buhay silang makukulong dahil sa ginawa nila kay Peat, hindi sila makakalaya, at hindi na sila makakagawa pa ng masama
NOEUL: kasalanan lahat 'to ng mga umampon kay Peat, yung mga bumaboy sa kanya, lahat yun inutusan ng mga kalaban nila, lahat yun kasalanan nila, kasalanan nila yun Pa,

Umiiyak na sabi nito, agad naman siyang niyakap ng Papa niya para gumaan ang loob niya.

TON: hindi nila kasalanan Anak, kaya wag mo na silang sisihin, ang mahalaga nandito ka sa tabi ni Peat at hindi mo siya pinababayaan, ipangako mo na hinding hindi mo siya iiwan
NOEUL: hindi po Pa, hinding hindi ko siya iiwan,

Sa wakas, makakalaya na si Peat sa pait ng nakaraan niya, mabibigyan na ng hustisya ang kababuyang ginawa nila sa kanya.

End of Chapter 4

LOVE IN THE AIR BOYS STORY (BOOK 1 & BOOK 2)Where stories live. Discover now