Chapter 3

98 3 0
                                    



Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


9:30 am na kaya ginising na ni Noeul si Peat dahil 10:00am ang simula ng klase nila, medyo nanghihina pa si Peat kaya inalalayan niya ito na makapunta sa classroom nila.

Pero habang naglalakad silang dalawa ay panay ang tanong ni Noeul kay Peat kung okay lang ba ito at tumango lang naman si Peat.

At their Classroom...

Dumating na yung 10:00am kaya ibig sabihin ay magsisimula na ang klase nila, at Mathematics ang kanilang first subject.

TEACHER: Okay good morning Class (bati nito)
STUDENTS: Good morning teacher (bati nila sa kanya)
TEACHER: Okay before we start our lesson, sino dito sa inyo ang alam na ang "System of Linear Equations"?

Everyone raised their hands but the Teacher called Peat, kahit nanghihina ay pinilit ni Peat na tumayo para sagutin ang tanong ng guro, pero pinigilan siya ni Noeul, napansin ng kanilang guro na hindi okay si Peat kaya hinayaan nalang niya ito, si Noeul na sana ang sasagot sa tanong ng kanilang guro pero naunahan siya ng isang estudyante.

BOSS: The system of linear equations is the set of two or more linear equations involving the same variables, linear equations can be defined as the equations of the first order, the highest power of the variable is 1. (sagot nito, pagkatapos ay tumayo si Noeul)
NOEUL: Linear equations can have one variable, two variables, or three variables. Thus, we can write linear equations with n number of variables (hindi papatalong sagot pa nito)
TEACHER: very good you two, 

After that ay nagpatuloy na sa kanyang lesson ang kanilang guro at pagkatapos nun ay lumabas na ang kanilang Math Teacher at sumunod naman ang isa pa, gaya kanina ay tanging si Boss at Noeul lang ang nagpapa-unahan na makasagot sa tanong ng kanilang mga guro, ginagawa ni Noeul iyon para kay Peat dahil alam niya na kung hindi ito nanghihina sa mga oras na yun ay ito na mismo ang kusang tatayo para sagutin ang mga katanungan ng kanilang mga guro.

It was their breaktime, at tahimik lang na kumakain sila Noeul at Peat habang pinagmamasdan ni Noeul si Peat ay may biglang lumapit sa kanila na dalawang babae, at umupo ito sa tabi ni Noeul.

HOLLAND: Hi Noeul, right? Pwede ba kaming maki-share ng table?
NOEUL: yeah sure no problem,

Sobrang dami na kasing mga estudyante kaya halos puno na ang loob ng canteen kaya wala na silang mauupuan at tanging sa table nalang nila Noeul ang bakante.

NAN: Oo nga pala, i'm Nan, and this is my girlfriend Holland, but you can call her Holly, classmates tayo pero siguro baka hindi niyo kami nakita kanina
HOLLAND: Oo nga baka hindi niyo kami nakita kanina kasi inaalalayan mo itong kaibigan mo na mukhang may sakit, ayos ka lang ba ha Peat?
PEAT: H-huh? A-ah O-oo o-okay l-lang a-ako, (nauutal na sagot nito)
HOLLAND: are you really okay? Bakit ka nauutal?
NOEUL: ahm he's okay, medyo mahiyain lang kasi siya kaya ganun

Habang kumakain naman silang apat ay biglang lumapit sa kanila sina Boss at Fort na dala dala ang pagkain nilang dalawa.

Umupo na sila agad sa tabi ni Peat kahit hindi pa sila nagpapaalam sa kanila,

FORT: Hi Peat, i'm Fort,

Pagkasabi nun ay nilahad niya ang kanyang kamay para makipagshake hands kay Peat pero hindi nito iyon tinanggap,

PEAT: pwede ba ilayo mo nga sa akin yang kamay mo, (irritadong sabi nito)

At sa mga oras na iyon, ramdam na ni Noeul na naiilang ang kaibigan niya dahil dito.

NOEUL: kayong dalawa, alam ko na wala ng ibang vacant seats pero baka naman pwedeng humanap nalang kayo ng ibang space na makakainan, please (pakiusap nito)
FORT: no way, why should we do that? Hindi mo naman pagma-may-ari itong canteen ha,

Maangas na sabi nito,

NOEUL: hindi mo ba napapansin na naiilang yung kaibigan ko, kaya sana kung pwede kayo nalang yung mag-adjust since kayo naman yung unang lumapit
PEAT: umalis na kayo please, (nagmamakaawang sabi nito habang umiiyak)
BOSS: sorry tara lumipat nalang tayo,
FORT: eh bakit? Nagugutom na ako at isa pa, saan pa ba tayo uupo eh ang dami ng estudyante dito sa loob ng canteen,
BOSS: dali na tumayo ka na dyan, hindi mo ba nakikita umiiyak siya dahil sayo, bilis tayo na,

Pagkasabi nun ay pilit nitong hinihila patayo si Fort paalis sa lugar na iyon,

BOSS: sorry, (paghingi nito ng paumanhin at saka tuluyan ng umalis habang hila hila ang pinsan)

At pagkatapos nun ay lumipat si Noeul sa tabi ni Peat.

NOEUL: you okay Peat?
PEAT: uhmmmm,

Pagkasabi nun ay tumango tango lang ito bilang pagsagot,

NOEUL: i'm sorry dapat hindi ko sila hinayaan na makalapit sayo, i'm really really sorry,

Bigla namang umiyak si Peat dahil dito, at naalala na naman nito kung paano siyang binaboy ng mga hayop na kumidnap sa kanya, naikuyom nalang ni Peat ang kanyang kamao kahit hawak hawak nito ang tinidor niya habang patuloy sa pag-iyak dahil sa alaalang iyon, agad namang kinuha ni Noeul ang tinidor sa kamay nito at itinabi iyon.

HOLLAND: hey Peat, are you okay? (nag-aalalang tanong nito, hahawakan niya sana si Peat pero pinigilan siya ng kanyang nobya na si Nan)

Nakuha yata nito ang ibig sabihin ni Noeul sa mga tingin nito sa kanila.

Habang umiiyak si Peat sa balikat ni Noeul ay wala naman itong ibang ginawa kung di ang patahanin siya at pagaanin ang loob niya, this time hindi lang sakit ang nararamdaman niya para sa kaibigan kung di awa, awang awa na siya dito dahil sa mga nangyayari.

Sobrang daming masasakit na pangyayari ang pinagdaanan ni Peat, at sumabay pa ang mga magulang niya na walang ibang ginawa kung di ang kutyain at maliitin siya na animo'y isa siyang ipis na tinatapak tapakan lang nila.

Nung mga oras na yun tanging si Noeul lang at ang mga magulang nito ang kakampi niya wala ng iba, kaya sobrang gaan ng loob niya sa tuwing nasa tabi niya ito at feeling niya ay safe siya palagi pag si Noeul ang nasa tabi niya.

End of Chapter 3


LOVE IN THE AIR BOYS STORY (BOOK 1 & BOOK 2)Where stories live. Discover now