(Book 2) CHAPTER 13

49 3 3
                                    

At the Restaurant.

Pagkarating sa Restaurant ay agad na umorder si Noeul ng kakainin nila.

Peat: ang dami naman nun, nagugutom ka ba?
Noeul: medyo,
Yoon: oh ito Peat, congratulations for being the School Vice President,
Peat: Dad ano 'to?
Ton: that's a drawing set, binili namin kanina, we saw that and naisip namin na bilhan ka
Peat: Dad, Pa salamat po pero hindi naman na po kailangan,
Yoon: okay lang you deserve it anak,
Noeul: eh pa'no po ako? Bakit wala ako?
Ton: bakit vice president ka ba sa school niyo?
Noeul: hindi, ah kaya ba wala ako kasi hindi pa okay na maging Class President lang ako? Sige noted po, next year hindi lang basta basta Class President
Ton: wait Class President?
Peat: Opo Pa, na-elect po si Noeul kanina bilang Class President,
Yoon: ohh, congratulations kaso si Peat lang yung nabilhan namin ng regalo
Noeul: Okay lang po yun, hindi ko din naman po kailangan ng bagong drawing set
Peat: ganito nalang Noeul, let's just share it,
Noeul: see buti pa si Peat, naaawa sa akin, (pagtatampong sabi nito)
Ton: sorry na Anak, dapat kasi sinabi mo agad kanina
Noeul: Okay lang po Pa, biro lang, pwede naman po kaming mag-share ni Peat at syaka isa pa meron pa naman po ako dun sa bahay,
Yoon: what about an allowance increase?
Noeul: oh allowance increase?
Yoon: 5k,
Noeul: sige ba Dad, basta dalawa kami ni Peat may increase
Yoon: no problem, then let's add another 5k para tig 10k yung dagdag sa allowance niyo
Peat: Dad, wag na po kahit si Noeul nalang, okay na po ako
Ton: Peat anak, just accept it okay lang yun, isipin mo nalang na tinutulungan ka ng Dad mo na mag-ipon,
Peat: po?
Yoon: nakita namin yung piggy bank mo eh,
Ton: by accident, dapat sinabi mo sa amin kung may gusto kang bilhin
Peat: hindi po Pa, yung iniipon ko po kasi sobra po yun sa allowance ko eh wala naman po akong paggagamitan nun kaya iniipon ko nalang
Yoon: Noeul, dapat gayahin mo si Peat, marunong magtipid at mag-ipon, ikaw kasi bili ka ng bili ng kung ano-ano eh, alam mo ba na hirap na hirap na kaming pasukin yung kwarto mo dahil sobrang dami mong damit na naka-kalat at sobrang dami pang poster ng nct, tapos halos hindi ka naman dun natutulog dahil palagi kang tumatabi kay Peat
Noeul: Dad naman, i'm collecting those pictures po eh, at syaka Dad natutulog naman po ako dun sa kwarto ko, kapag hindi makalat
Peat: Dad, marunong naman po siyang mag-ipon at magtipid, at syaka lahat po ng mga posters sa kwarto niya pinagipunan niya po yun
Noeul: tama
Ton: eh nag-i-ipon ka lang naman sa tuwing may gusto kang bilhin eh,
Noeul: don't worry Pa, from now on, matututo na akong mag-ipon, kahit na wala akong gustong bilhin
Peat: promise?
Noeul: promise, then lahat ng kalat sa kwarto ko, araw araw ko na ding ililigpit
Peat: tutulungan kita
Noeul: talaga?
Yoon: no Peat, that's his room, he needs to clean it all by himself,
Noeul: ano ba yan Dad?
Yoon: may reklamo ka? Gusto mo tanggalan kita ng allowance
Noeul: Peat wala pa ba yung order natin? Gusto ko ng umuwi para masimulan ko na yung paglilinis sa kwarto ko

Tumawa naman sila Peat dahil sa sinabing iyon ni Noeul,

Maya-maya lang ay dumating na ang inorder nilang pagkain.

Noeul: ohhh, samgyup, ang sarap Peat kain na, (pag-aaya nito)
Peat: sige

Tahimik lang silang apat na kumakain nang biglang may lalaking lumapit sa table nila.

Stranger: Yoon, Ton kayo na ba yan?
Ton: oh, Bui? Is that you?
Noeul: Bui? Kilala mo ba yun Peat?

Umiling iling naman si Peat bilang pagsagot,

Yoon: kumusta ka na Bui? It's been a long time,
Bui: yeah tama ka, teka dalawa pala yung anak mo? Akala ko isa lang?
Ton: hindi naman porke hindi magkadugo eh hindi pwedeng maging isang pamilya diba?
Bui: tama ka naman dun,
Ton: Oo nga pala, Bui this are my sons, Peat and Noeul, mga anak si Tito Bui niyo high school friends namin sila,

Peat and Noeul greeted the guy, and the guys greeted them back.

Yoon: Oo nga pala, nasaan si Baiben?
Bui: sinundo lang yung anak namin pero paakyat na sila,
Ton: gusto niyo ba na dito nalang kumain kasama namin?
Bui: pwede ba? I mean okay lang ba sa mga anak mo?
Noeul: Opo, okay lang po,
Bui: ano nga palang ginagawa niyo dito?
Yoon: we are celebrating?
Bui: celebrating?
Ton: Oo ito kasing mga anak namin ang tataas ng grades nila sa school at pareho pa silang may sariling position sa school si Peat ang School Vice President at si Noeul naman ang Class President
Bui: wow, ang galing naman, congratulations sa inyong dalawa
Peat: salamat po,
Noeul: Dad, Pa, Mr. Bui restroom lang po ako, (paalam nito)
Bui: nah, just call me Tito Bui
Peat: sama ako Noeul,

Pagkatapos nun ay sabay silang pumasok sa banyo para maghugas ng kamay.

Pagkabalik nila sa table nila ay nakita nila na may nakaupo ng isang lalaki sa upuan ni Peat kanina,

Ton: ayan na pala sila eh,

Sabi pa ni Ton, habang papalapit sila Noeul sa kanila,

Humarap naman yung lalaki sa kanila at nagulat pa sila Noeul dahil si Boss ang nakita niya.

Agad na pinigilan ni Noeul si Peat at hinawakan sa kamay.

Noeul: Peat tell me, am i feeling dizzy or what? Bakit parang hanggang dito nakikita ko si Boss?
Peat: pareho tayo, hindi lang ikaw yung nakakakita sa kanya,
Yoon: ano pa bang ginagawa niyong dalawa dyan, pumunta na kayo dito (utos nito sa dalawa na agad naman nilang ginawa)
Peat: Hello po Mr. Bible
Noeul: Hello po Mr. Principal

Bati ng dalawa nang makita nila ito,

Bible: Hello good evening, teka Yoon sila ba yung mga anak niyo?
Yoon: yeah, oo nga pala nakalimutan kong sabihin na doon sila nag-aaral sa school niyo ngayon
Bui: talaga? then you probably know our son?
Peat: Opo, he is the School President po,
Bui: tama, oh Boss be good to them ah, mga anak sila ng Tito Yoon at Tito Ton mo
Boss: Opo,
Yoon: sige na umupo na kayong dalawa,
Noeul: ah Mr. President baka pwedeng lumipat ka ng ibang upuan, dyan kasi naka-upo si Peat eh
Peat: ah hindi na, dito nalang ako uupo sa tabi ni Papa, sige na umupo ka na dyan Noeul

Pagkasabi nun ay dali dali itong lumapit sa Papa nila para umupo sa tabi nito.

Ton: Oo nga pala Noeul anak, do you have your medicine with you?
Noeul: huh? Wala po nakalimutan ko sa bag ko, naiwan sa kotse
Ton: pa'no yan kailangan mo ng uminom nun?
Peat: no problem Pa, dala ko po yun, alam ko po kasi na kakalimutan niya yun kaya dinala ko na
Yoon: hay naku ikaw talagang bata ka Oo, ano nalang yung gagawin mo kapag wala si Peat ha? Buti nalang at nandyan siya para ipaalala sayo yung pag-inom mo ng gamot
Peat: Noeul oh, inumin mo na, (utos nito)

Agad na tinanggap yun ni Noeul at ininom, naghanap pa siya ng dessert na kakainin pagkatapos nito para mawala ang pait na naiwan ng gamot, pero wala siyang nakitang dessert, buti nalang at binigyan siya ni Boss ng jelly ace at agad niya naman itong kinain.

Noeul: thank you,
Bui: teka para saan yang gamot na iniinom niya may sakit ba siya?
Ton: may sakit siya sa puso
Bible: may sakit siya sa puso? (tanong nito)
Yoon: Oo, Heart Enlargement yung kanya ibig sabihin lumalaki yung puso niya kumpara sa normal heart size natin,
Bible: ibig sabihin bawal siyang mapagod?
Ton: exactly
Bible: pero bakit mo siya pinatakbo sa field Boss?
Boss: po?
Ton: wait tumakbo ka sa field? Kelan yun ha? Bakit hindi mo sinabi sa amin? Peat kelan yun? Bakit hindi namin alam?
Noeul: eh Pa kalma lang po wala pong ganun na nangyari okay, hindi po ganun yun, nage-exercise lang po ako nun, at syaka uminom naman po ako ng gamot after nun (pagsi-sinungaling nito)
Bui: are you sure iho?
Noeul: Opo,
Bible: buti naman kung ganun, akala ko binu-bully ka nitong anak ko eh, pag binully ka ni Boss, sabihin mo lang sa akin ha, ako mismo ang magtatanggal sa kanya bilang School President
Noeul: ah, eh opo Mr. Principal,
Bible: Tito Baiben nalang ang itawag mo sa akin,
Noeul: okay po, Mr. Prin--- i mean Tito Baiben,

Pagkatapos nilang kumain ay sunod sunod na silang umalis lahat at nagpaalam na sa isa't isa.

End of Chapter 13

LOVE IN THE AIR BOYS STORY (BOOK 1 & BOOK 2)Where stories live. Discover now