Dedicated to: @alyloony :)
***
Si ALY ALMARIO o mas kilala bilang Alyloony ay nagbigay ng kanyang pananaw on how to write a Fiction Stories. But before she continues, she asks "How to write a stories?"
Sinong mag-aakala na from HRM course, naging writer si Aly. Marahil na-realized niya na ang pagsusulat ang kanyang hilig. At sa kagustuhan niyang iyon, mas pinili niya ang magsulat ng kung ano-ano. Doon kasi siya mas masaya. Doon kasi gumagaan ang pakiramdam niya. Ang mag-sulat ng mag-sulat. Kung tutuusin, nasa magandang trabaho naman siya at may magandang lugar na pinagta-trabahuhan pero mas pinili niya parin ang ganitong larangan. Sa katunayan, bago pa siya nakilala sa pangalang alyloony marami pa siyang naging username account sa Wattpad. Hindi naging madali para sa kanya ang makilala sa larangan ng pag-susulat. Bonus na lang kasi ibinigay ito sa kanya.
***
As a writer, saan ka kumukuha ng "inspirasyon" para makabuo ka ng isang kwento. Sa sarili mo ba? Sa pamilya ba? Sa kaibigan o sa kakilala? O makakakuha ka lang sa taong minamahal mo? Well.. Kung may pinagkukuhanan ka ng inspirasyon alinman sa mga nabanggit, magdiwang ka kasi TAMA KA!
In that case, INSPIRATIONS ARE EVERYWHERE.
Kahit saan makakakuha ka ng inspirasyon. Kahit sino o anumang bagay ang makikita mo sa paligid mo, pwede mong pagkuhanan ng inspirasyon. Para makabuo ka ng isang kwento. Para maging isang magandang istorya. Ang kailangan mo lang gawin ay palawakin ang iyong IMAHINASYON.
So paano ka nga ba makakabuo ng isang storya? Paano ka ba magiging ganap na writer? Ang mga ito ay mga bagay na makakatulong sayo para mas mapabuti at mahasa mo pa ang kasanayan mo sa pagsu-sulat.
READ A LOT. Magbasa ka ng magbasa ng iba't-ibang uri ng libro. Makakatulong ito upang mas mahasa ang kaalaman mo sa mga bagay-bagay. Maaari rin itong makatulong para malaman mo kung anong genre ang mas kaya at mas nababagay para sayo. Para kapag nagsulat ka, hindi ka na mahihirapan sa kung paanong atake ang gagawin mo para makapukaw ng atenyon sa tao.
MAKE A DRAFT OF YOUR STORY. Importante ang pamamaraan na ito. Bago ka mag-sulat. Bago mo hawakan ang iyong lapis at papel o mag-type sa computer, gumawa ka muna ng drafts o pagpa-plano para mayroon kang guide sa gagawin mong kwento. Makakatulong ito para hindi ka maligaw sa kaganapan sa istorya. At sa pamamagitan nito, makakaisip ka pa ng paraan kung paano mo maisisingit, maidadagdag o mapapaltan ang mga impormasyon sakaling may bago pumasok na ideas sa isip mo.
KNOW YOUR CHARACTER. Dapat higit kahit kanino. Ikaw ang mas nakakakilala sa characters ng story mo. Para alam mo kung anong magiging reaksyon nya sa bawat eksenang binibigay mo sa kanya sa istorya. Ikaw ang unang kikilala sa mga characters mo para mas madali rin para sa mga readers na makilala ang mga ito.
ALWAYS PUT YOURSELF IN THEIR SHOES. Kung itatanong mo ay literal. OO! PWEDE RIN NAMANG LITERAL! 'yan ay kung gusto mo. The point there is, alamin mo kung anong pinagdadaanan ng characters mo. Hindi pwedeng kilala mo lang sila at alam mo lang ang impormasyon sa kanila. Dapat inner and out. Pati feelings nila alam mo. Para pag may sitwasyon sa isang storya, alam mo kung bakit ganun ang pinagdadaanan niya. Alam mo rin mismo kung ano ang ire-react niya sa pangyayari.
CREATE YOUR OWN STYLE. Gumawa ka ng sarili mong "style" na matatawag. Pero sa mga baguhang manunulat, maaaring maging mahirap ito para sa kanila. Paano nga ba nila malalaman ang style nila? Basta you just know and think for the strategies para maging catchy ito sa mga readers mo. Kung may iniidolo kang writer, maaari mo 'yun maging guide. Sa una masasabi mo na ginagaya mo lang siya. But once you start exploring, mas lalabas ang sarili mong style. So try and try lang!
WRITE FREELY. Maging malaya kang sumulat. Hayaan mo ang ibang makakabasa nito na magda-down lang sayo. Ipahayag mo lang ang nasa saloobin mo o mga naiisip mo. Para hindi maging pilit. Para hindi matamlay. Para hindi maging katawa-tawa sa mga mambabasa. Mararamdaman din kasi nila 'yun. Swear! Sumulat ka sa paraang naayon sa kagustuhan mo. Maging malaya ka, tandaan mo, nasa Pilipinas ka!
***
WRITIING BLOCKS:
Kung writer ka, madalas nae-encounter mo 'to. FOR SURE! Lahat naman ng writers nakakaranas ng ganyan. Ang kaso lang dito, Paano mo malalabanan? Una, WRITE A LOT! Sumulat ka lang ng sumulat. Wag kang tatamarin sa pagsusulat. Kapag tapos ka na sa isang story mo, sumulat ka ulit. Para hindi mawala 'yung kaalaman mo. Para mas marami ka pang maisusulat the other day. Para hindi mo makalimutan 'yung mga bagay na dapat mong isulat. Bagay na pagsisisihan mo bandang huli kasi hindi mo nga sinulat. Gets mo? Tapos pangalawa, samahan mo ng PASSION. Hilig mo ba talaga nag mag-sulat? Baka naman joke lang!? Baka wala lang?? Baka gusto mo lang sumabay sa uso? Ganun ba 'yun? Dapat nag-eenjoy ka kapag nag-susulat kasi kapag hindi, paano matutuwa ang mga readers mo kung mismong 'yung author hindi niya gusto ang ginawa niya. Magtiwala ka muna sa sarili mo bago ka pagkatiwalaan ng iba. Ok?
Lastly. kung ayaw mong mag-mukhang sabaw ang gawa mo, WAG KANG MAGSUSULAT KUNG WALA KA SA KONDISYON.
BINABASA MO ANG
Read and Write
RandomMahilig ka bang mag-sulat? Mahilig ka bang humawak ng lapis at papel o di kaya naman ay mag-babad sa computer/laptop para isulat ang mga wala naman kasusta-sustansiyang bagay? Basta gusto mo lang mag-express ng nararamdaman mo, opinyon, saloobin, hu...