HOW TO MAKE A BOOK COVER?
There's a lot of things na dapat mai-consider sa pag-gawa ng book cover. Katulad nga ng sinabi ng ilan sa mga author, ang book cover ay ang isa sa pinakamabisang paraan to catch the attention of your readers. Yes it is! Si book cover po ang dahilan kung bakit ang isang libro ay patok at binibili ng mga tao. Syempre dahil catchy, kahit nasa malayo pa lang sila ng book store, once na makita nila ang book cover ng story mo, tiyak na hahawakan nila 'yun. At dahil curious sila kung ano ang nasa loob ng book, for sure bibilhin nila 'yun! Ganun kasimple.
Eh pano kung hindi ka marunong gumawa ng book cover?
Basic. Magpaturo ka sa mga may alam na. Magpatulong ka kung anong software or applications ang pwedeng gamitin sa pag-gawa ng book cover. Maari kang magpagawa sa mga ibang wattpad users na may kaalaman sa pag-gawa ng book cover. Syempre bago ka magpgawa, tingnan mo muna kung 'yung mismong book cover niya ay catchy din sa paningin at maganda rin ang pagkaka-gawa. Wag mong sayangin ang oras mo sa pagpapa-gawa ng book cover tapos in the end, hindi ka rin naman pala masa-satisfy sa ginawa niya. Useless din. Kaya siyasatin mabuti. Meron ding gumagawa sa mga facebook groups na mahilig magsulat at magbasa sa Wattpad. Magtanong ka lang saknila, wala naman sigurong masama magtanong. Hindi 'yun nakakamatay.
As a writer, bukod sa kailangan mong maging reader, dapat observant ka din. Paano ka mag-o-observe? Tanungin mo ang ibang tao, tanungin mo ang sarili mo at tanungin mo ang mga taong higit na nakakaalam nito.
WHAT ARE THE APPLICATIONS/SOFTWARE THAT YOU CAN USE FOR BOOK COVER MAKING?
Paint- napaka-simpleng gamitin. Pwede kang gumamit ng mga basic lines, adding text at simpeng paglalagay lang ng mga pictures. Maari mo 'tong gamitin kung wala ka panamang kasanayan sa ibang mga applications/software. This software is very friendly especially sa mga beginners.
Photoscape- unlike sa Paint, mostly naka-ready na 'yun sa computer. Meaning to say, naka-installed na at gagamitin na lang. You have to download Photoscape. Kung medyo may idea ka na sa pag-eedit, pwede mo itong gamitin. May mga available stickers and borders na pwede mong magamit sa pag-gawa mo ng book cover.
PixlrOmatic- This software is use when you are browsing internet. Kapag sa via computer ang gagamiten mo, kailangang may internet na kasama para makapag-edit. Online editor kasi ito. Pero kapag mobile, kahit walang internet ay accessible ito. Limited lang din ang mga stickers at borders na meron. May mga available fonts style din for the title of your book cover.
PicsArt - accessible lang ito through mobile. Hindi ko alam kung may online web browser ito pero commonly used ito via mobile. Download ka lang sa playstore if you are using android or appstore if you are using apple. Same lang sila ng pixlromatic. Pero sa picsart, para magamit mo ang mga stickers, borders, fonts and other designs, kailangan may internet access.
Pizzap- madalas 'tong gamitin ng mga jeje. Kung napaansin mo may nakalagay pang pizzap.com sa ibaba kapag gumawa or nag-edit ka dito. Ikaw ang bahala kung gusto mong gamitin ito dahil may mga free borders stickers at font style din ito. 'Yun nga lang, kung kaya mong masabihan na JEJE.
Camera360- YES! kung inaakala ninyong ginagamit lang ito pang-selfie para gumanda ang mga mukha ninyo, pwede rin itong gamitin na pampaganda sa mukha ng taong ilalagay mo sa book cover mo. Pwede mong gamitan ng iba't ibang filters like retro, black and white, vintage at kung ano-ano pa. Diskartehan mo na lang basta hindi magiging baduy tignan.
Adobe Photoshop- I suggest na magpaturo kayo sa mga may alam sa computer kung paano gumamit nito. This is the best application and software na pwede mong pag-gawan ng book cover mo. Maraming elements and features ang apps na ito. Kailangan mo nga lang ng masinsinang pag-susuri kung paano ito gagamitin. Magiging mahirap ito para sayo kung wala kang idea sa pag-e-edit. You can ask youtube or google para may guide ka. Syempre kailangan mayroon kang installer nito. Kailangan mayaman ka at maganda ang computer/laptop mo para hindi mag-lag dahil mataas na memory ang kakailangain dito.
Ang size po ng book cover ay 256x400. width by height. Kaya po wag kayong basta-basta gagawa kung ayaw ninyong masayang ang pinag-hirapan ninyo. Pwede kasing maging pixelated ang cover kapag masyadong maliit o di kaya naman ma-cropped kapag sobra naman sa laki.
BE PRESENTABLE. BE CREATIVE. BE STYLIZED. Lagyan mo ng title ng story mo ang book cover mo para may idea agad sila sa nilalaman nito. Lagyan mo din ng pangalan mo as an author para may copyright pero wag naman OA sa laki at mas malaki pa sa title. 'Yung maliit lang pero readable. Usually nakalagay lang ito sa ilalim na bahagi ng iyong book cover at nasa simpleng font style lang. Used appropriate font style. I-base mo sa genre ng story mo. Wag mong gawing Joker ang font style kung ang genre ng story mo ay pang-romance. Baka tawanan pa nila 'yang book cover mo pag nakita ng readers. Mas simple, mas maganda. Hindi kailangan maraming objects or elements ang nasa loob ng book cover. As long as presentable at nandun ang mga important details, okay na. Wag mong gawing doodle ang book cover, yung to the point na ang dami-daming nakalagay, para hindi nakakahilong tingnan.
Wag kang makigaya sa uso. MAKE YOUR OWN ORIGINALITY!
BINABASA MO ANG
Read and Write
De TodoMahilig ka bang mag-sulat? Mahilig ka bang humawak ng lapis at papel o di kaya naman ay mag-babad sa computer/laptop para isulat ang mga wala naman kasusta-sustansiyang bagay? Basta gusto mo lang mag-express ng nararamdaman mo, opinyon, saloobin, hu...