Why do you write? - Clara Quiambao

840 42 6
                                    

Dedicated to: @ClaraQuiambao


***


Clara Quiambao is also a writer under Viva Psicom. She is als a creator of "ohteenquotes" on Twitter. She is the author of "It;s a Love Thing" and graduated with a degree of Mass Communication.


***


WHY DO YOU WRITE? she asked.


Bakit ka nga ba nagsusulat? Ano bang dahilan mo kung bakit ka nagsusulat? Nakakapagpa-gaan ba ng pakiramdam mo? Nare-release mo ba 'yung sama ng loob mo? May napapapala ka ba kakasulat mo?


WHY DO YOU WRITE???


We write..


- TO ENTERTAIN. Para makapagpasaya ng tao. Minsan kasi may mga bagay na nakakapagpasaya sa tao kahit hindi natin ito verbal na sinasabi o kaya kinikilos man lang. Bast ba may marinig silang kaaya-aya sayo, napapagaan mo na ang pakiramdam nila. Kaya minsan pinipili ng writer na sumulat para isa itong maging way sa mga tao para malibang. Makalimutan ang problema. Kahit pansamantala.


- TO MAKE A DIFFERENCE. Para magkaroon ng pagbabago. Anong pagbabago? Any important or necessary things. Change for the better ika nga. Nag-susulat ka ba para may malaman silang bago? Always remember that as a writer, you have the ability to change the world. Magagawa mo 'yun dahil may kapangyarihan kang ipakalat ang mga bagay-bagay sa media, lalong-lalo na sa mga tao.


- TO INSPIRE. Commonly, isa rin ito sa mga dahilan why writer writes. To inspire. Para makapag-bigay inspirasyon sa mga tao. Sa mga mambabasa. We write a lot of experiences, maybe it came to yourself or to a friend and once na naengganyo silang basahin ito, nakakapag-bigay ka ng realizations sa kanila. Maaari rin silang kumuha ng impormasyon o sariling opinyon base sa kung anong nabasa nila at naisulat mo.


- TO HEAL. Para maibsan ang sakit na nararamdaman. As a writer it serves also our comforter. Nababawasan din ang bigat nang nararamdaman natin. Naibubuhos natin lahat ng ungkot, saya, pait, galit o kung anuman. It really helps a lot because once you start writing, marami kang maisusulat at mailalabas na "hugot" because of what you feel right now.


- TO SHARE. Sometimes we write because we want to share something. Any ideas or information that will helps every readers. Minsan masarap sa pakiramdam na nakakatulong ka magbigay ng mga nalalaman mo sa pamamagitan ng pag-susulat. Even sa mga bagay na nangyayari sa kapaligaran ngayon. Mas madaling ibahagi sa ibang tao ang lahat ng ito when you write. Kasi may mga taong tamad makinig, pero handang magbasa. Mas naiintindihan nila. Mas klaro. Mas detalyado.


- TO EXPRESS. Para masabi mo lahat ng nararamdaman mo, opinyon, saloobin o paniniwala. Ginagamit nang mga writer ang pagsusulat para mapagtakpan ang totoo nilang nararamdaman. Sometimes they used object or any other person para maging subject. Na siya namang magbibigay ng totoong nararamdaman niya.


- TO EXIST. A writer writes to exist. Para mas maging makabuluhan ang ginagawa niya dito at magkarron ng kapakinabangan sa paligid. Every person has their purpose in life so dapat alam mo rin kung anong mission mo sa buhay. As a writer, you must know your mission and goal.


- TO BE AWARE. Para maging aware sa paligid. Sa nangyayari sa isang lugar, barangay, siyudad o sa bansa. Bilang manunulat, pinapaalam niya sa mga tao ang bawat kaganapan at wala siyang dapat sayangin na oras. Bawat oras, minuto, at segundo ay may iba't ibang kaganapan sa ating daigdig and a write must be aware of it. Para na rin masabihan niya ang mga tao kung may problema at kung ano ang maaaring gawin para maagapan. Para haging handa. A writer should be alert all the time.


And the most important is.. As a writer, we writes to CHANGE THE WORLD.


***


FLIPPING THROUGH PAGES.


Paano nga ba makakatawag pansin ang ginawa mong story?


THEME. Dapat alam mo kung ano nga ba ang tema ng story mo. Tungkol ba sa love? bestfriend? romance? tragic? comedy or what? Dapat hanggang matapos ang istorya, hindi dapat mawala ang temang iyon


PLOT OR STORYLINE. Dapat alam mo kung anong plot ng istorya mo. Kung saan ginanap, anong araw, saan ginaganap ang mga eksena. Ano 'yung flow ng istorya mo. Dapat pinaplano mo simula umpisa hanggang wakas. Dapat maging makatotohanan ang bawat eksena unless kung fantasy 'yan. Dapat may thrill para mas nae-engganyo magbasa ang mga readers.


CHARACTERS. Dapat kilala mo ang characters mo. Alamin mo kung sino ang hero at heroine. Dapat ang story mo ay laging naka-focuse lang sa bida. Hindi pwedeng mag-tagal ang usapan ng istorya sa mga sub-characters. Mga pahapyaw lang na impormasyon ang dapat sa kanila. Sa bida ang tuon. Kung anong ugali niya, anong meron siya, anong problema nya at pano niya mao-overcome ang mga ganung sitwasyon.


SETTINGS. Ito 'yung lugar na pinangyarihan. Dapat kada galaw o kilos ng mga characters ay mayroong settings. Bukod sa lugar, kasama rin dito ang araw o kaya oras na pinangyarihan. Usually nilalagay ang setting sa unahan bago ang mga susunod na eksena. Hindi mo naman kailangan lahat idetalye. Bigyan mo lang sila ng idea para alam nila kung saan at paano nga ba umiikot ang istorya. Para mas lalong maging makatotohanan.


STYLE AND TONE. Dito nasusukat ang bawat emosyon ng bawat character. Kung paano sila gagalaw sa bawat pagtatagpo. Paano nilalagyan ng tono ang kanilang boses. May bigat ba, mataas, mahina, nauutal. 'Yun ay ang tone. 'Yung style, kung paano o ano ang iaarte ng characters sa eksena.


***


For you to have a good story, ALWAYS BE INSPIRED. Palagi kang kukuha ng inspirasyon sa pamilya mo, kamag-anak, kaibigan, sa taong mahal mo at higit lalo sa sarili mo. Listen to your surroundings. OBSERVE. Mas marami kang makukuhang bagong kaalaman sa paligid. And lastly, listen to others when they're sharing their stories. Kahit paulit-ulit. Kahit nakakasawa na. On that point, somehow makakakuha ka ng idea. Baka maisip mo, bakit kaya ganto siya? Bakit laging ganyan ginagawa niya? Ikaw mismo sa sarili mo ang makakatuklas ng mga bagay na 'yun that will helps a lot when you write and start making your story.


FIGHTING!

Read and WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon