Ang pagsusulat ay parang LOVE, IT TAKES TIME!
Kapag nag-sulat ka, wag ka agad umasa na mapa-published yung ginawa mong story, marami pang proseso na kailangang gawin. Dapat mag-hintay ka ng tamang pagkakataon para sayo para mas maganda 'yung magiging resulta. Hindi kasi basta-basta ang pagpa-publish ng book or ng isang story, dapat pinaghahandaan.
Ang pagsusulat ay parang RELASYON. Dapat marunong kang MASAKTAN.
As a writer, you have to take your own risks para sa story na ginawa mo. Say for example, ipapasa mo siya or isa-submit mo ang gawa mo sa isang publishing company, dapat handa ka sa mangyayari. Kasi by that time, isinusugal mo na 'yung story mo. Bakit? Paano? Let say, what if, hindi pala nakuha 'yung story mo tapos may i-p-in-ublish silang katulad ng concept ng story mo? Nag-iba lang ng character ng place, pero the concept and the main story was there? May magagawa ka ba? Wala! Pwede rin kasing mangyari na hindi naman nila kinopya 'yun sayo. Baka nagkataon din na may gumawa ng same concept nang sayo pero mas maganda kasi 'yung flow na nagawa niya or mas naka-lamang siya sa ibang bagay kaya sakanya 'yung napili. So dapat prepared ka. Pwede rin mangyari ang risks kapag magpa-publish ka na. What if hindi bumenta 'yung story mo? What if, nag-flop? E di knti lang kikitain? or worst baka wala pa.
You have to sacrifice and strive hard to attain success.
At higit sa lahat, ang pag-susulat ay parang LOVE. 'Wag kang mag-expect ng mag-expect, kasi masasaktan ka lang.
Hayaan mo lang dumating ang tamang pagkakataon. Kung para naman talaga sayo ang isang bagay, ibibigay naman aga-agad 'yan sayo. 'Wag mong i-expect na magugustuhan agad nila ang story na ginawa mo. May magkakagusto diya pero hindi imposibleng may mang-bash din sayo. Pero bakit mo iintindihin ang mga negative thoughts and opinions nila sa ginawa mong story? Masasaktan ka lang pag inintindi mo. Nasa sayo kung sino ang higit na pakikinggan mo. Basta 'wag kang mag-expect ng sobra. Baka kasi mabigo ka lang kapag hindi nangyari ang lahat ng expectations mo sa story mo.
***
THINGS TO BE CONSIDERED IN PUBLISHING A BOOK.
Title. Dapat ang title, kakaiba. Dapat catchy. Dapat ang title hindi masyadong mahaba. As much as possible 5-8 words is enough. Panget 'yung masyadong mahaba na title. For sure naman makakahanap at makakahanap ka ng pwedeng i-title na hindi kailangang mahaba. At syempre, dapat ang title ay related sa story mo.
Cover. Dapat ito ang pinaka-catchy 'Yung cover mo pa lang dapat ma-attract na sila. Ito kasi yung magsisilbing physical appearance ng ginawa mong story. Iwasan natin maglagay ng mmasyadong maraming designs kung hindi naman kailangan. Iwasan natin mag-lagay ng kung sino-sinong artista lalo na kung paborito mo lang naman. Tandaan mo, readers mo ang magbabasa niya at hindi lang ikaw. So dapat mag-isip ka ng cover na magiging attractive rin para sa kanila. Ofcourse, dapat may kinalaman din sa story mo.
Synopsis. Dapat sa synopsis, maibubuod mo na ng maganda 'yung stoy mo. What will be the flow of your story? Para sa synpsis pa lang, malalaman na nila kung anong kwento or genre ang story mo. Malalaman agad nila if the story you made is nabasa na nila sa iba or hindi pa. So dapat be creative as much as you can. Nagawa mo ngang maging matalinhaga at gumamit ng malawak na imahinasyon, so for sure, ang maging creative or kakayahan gumawa ng kakaiba, natatangi pero maganda ay kaya mo rin. Diba?
BINABASA MO ANG
Read and Write
RandomMahilig ka bang mag-sulat? Mahilig ka bang humawak ng lapis at papel o di kaya naman ay mag-babad sa computer/laptop para isulat ang mga wala naman kasusta-sustansiyang bagay? Basta gusto mo lang mag-express ng nararamdaman mo, opinyon, saloobin, hu...