Writing Action Stories

475 20 10
                                    

Gusto mo bang gumawa ng mala-FPJ stories? Yung madaming bugbugan? Madaming action scene tulad ng ginagawa ng iniidolo mong si Robin Padilla? Pwes! Eto ang dapat mong basahin.


Kung ikaw ang gagawa ng ganitong eksena, dapat makatotohanan. San mo nga ba makikita ang mga ganitong klse ng eksena? Kapag merong mga krimen o kaya kalokohan na kaganapan. Halimbawa, may nang-hold up, nang-rape at kung ano-ano pa. Yung tipong may habulan na ang pulis yung humahabol sa mga krimen. Kung gusto mo, okay din yung mga gangster na jejemon na nakikipag-away sa kalsada. Mga tambay na walang magawa sa buhay kundi maglabas ng tiyan lalo na sa gabi. Pwede namang sundalong nakikipaglaban sa gera o kaya ipinaglalaban ang Kalayaan ng Pilipinas. Haha. Pwede din siya sa mga martial arts na karate, kung-fu, taekwando at kung ano-ano pa. O di kaya naman katulad ni Vhong Navarro sa Agent X44 ba yun? Tipong secret agents na may gustong bantayan at salakayin.


Pero tandaan din natin na hindi lang naman bugbugan lang ang makikita sa paggawa ng action story. Pwede mo din kasing gamitan ng mentalidad at hindi bast alusob lang ng lusob. Parang si Andres Bonifacio at Jose Rizal. Parehas silang dumanas ng mala-aksyon na labanan pero magkaiba sila ng pamamaraan. Gets mo na? Isipin mo din na mas magiging kainte-interesante din sa mga readers kung gagamitan ng pala-isipan. Ang mga fighting scenes kasi ay common na sa mga action story o movie. Kaya hanap ka din ng ibang klase ng atake, lalo na sa pagsusulat na hindi naman nakikita ang mga fighting scenes.


Dapat mo ding isaisip ang magiging setting ng story. Hindi lang kasi naka-pokus ito sa katawan ng tao o ng bida o ng character ng story mo. Mas  kailangan mo ding i-emphasize ang kaganapan kung saan at kailan. Kailangan alam mo ang buong detalye ng story mo. Kahit pa hindi bida basta kasama sa story, importante padin yan. Dpat isaisip mo kung san ba pwedeng magtagpo ang protagonist at antagonist sa story mo. Kailangan alam mo din ang bilang ng mga kakampi o yung mga taong naglalabanan. Kung nasa public place ka, iwasan mong mag-magic ng tao. Yung biglang nawala na lang sa story. Gumawa ka ng scene kung gusto mong si bida at kontrabida na lang ang matitira. But still, kailangan alam mo padin ang dami ng tauhan o kakampi ng bawat koponan hanggang sa matapos ang fighting scene. Mas nakakaengganyo sa mga readers ang patikim na fighting scene. Yung hindi muna tinatapos ang eksena kasi babalik-balikan nila dahil for sure may part two. Para sila din mismo ang nagpe-predict kung sino bang mas malakas sa dalawa.


Kailangan ma-satisfy mo ang mga readers lalong lalo na sa fight scene. Lalo na kung tatapusin mo na iyon para matapos na din ang story mo. Kailangan bigyan mo ng madaming detalye ang mga action scenes since ito ang genre na gusto mong isulat. Pero dapat nandun padin yung flow ng story Dapat may plot padin. At sa pagtatapos ng story mo, dalawa lang naman ang pwedeng mangyari, either manalo si bida o kaya naman matalo. Maraming possible outcome sa mga ganitong eksena. Pwedeng patay din si bida matapos niyang mapatay ang kalaban niya, o kaya naman may ibang pumatay sa kanya, o kaya naman may namatay na sobrang close ng koneksyon sa kanya, pwede ding nagbago na siya o nakulong forever at kung ano-ano pang pwedeng gawing ending.


Mas okay gumamit ng THIRD POV sa ganitong eksena para kitang-kita talaga ang side ng bwat isa. Sakop mo lahat ng anggulo ng antagonist at protagonist sa story mo. At sa ganitong klase ng story, may iba't ibang klase ng mga pananaw ng mga characters ang pwede mo mai-apply. Pwedeng sobrang brutal na hindi kuntentong napabagsak lang ang kalaban. Mas gusto niyang pinahihirapan at pinapatay. Pwede din namang sweet lang. Sweet Revenge. Gumaganti lang at may sariling misyon. At syempre meron ding mga call of duty na rume-responde sa aksyon na nagaganap. At syempre kapag may action scene, usually may mga side kick o kaya mga tauhan. Lalo na kung may mga gang o fraternity. Dapat lagi mong tatandaan kung anong pakay ng bawat isa sa mga characters mo ang dahilan kung bakit sila nakikipag-away. Ano bang dahilan bakit nila ginagawa ang mga bagay na ganun.


At paulit-ulit na importante sa paggawa ng kahit na anong klase ng story ay ang poliscy na SHOW , DONT TELL. Kaya kung minsan hindi ka nakakapag-sulat ng madami, ay dahil puro ka Tell. Sinasabi mo agad yung detalye. Mas okay yung dine-describe mo one by one and word by word para higit na lumawak ang imahinasyon nila at the same time, ikaw din bilang writer. Pero it doesn't mean na mgpapaligoy-ligoy ka na. Of course be direct to the point pa din. Mas okay lang na pinapakita mo sa kanila kaysa ikaw mismo ang nagsasabi.


PS: Kung gagawa ka ng action story, make sure na HINDI PABEBE ang bawat eksena!

Read and WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon