Minsan mas okay ding mag-explore ng ibang genre. Sabi nga nila bilang writer, matuto kang "lumabas ng kahon". At isa sa mga masarap isulat ay ang pag-gawa ng mga Humor story at Dracula o Vampire story.
HOW TO MAKE A HUMOR STORY?
Isa sa mga pinaka-mahirap gawin na genre ay ang humor. Mahirap gumawa ng humor stories na hindi magmumukang trying hard para sa mga readers. Hindi mo kasi alam kung bebenta ito sa kanila o hindi. Baka lumabas lang na korni at ikaw pa ang pagtawanan bilang isang writer. Kaya bilang isang writer, kailangan mong gawin lahat ng makakaya mo the nearest Nth power, para ma-convince mo ang mga readers na katawa-tawa ang istoryang ginagawa mo. Mahirap talaga ito kaya bilib ako sa mga writers na nagssulat at tumatangkilik sa ganitong klase ng genre.
So pano ka makakapagsulat ng ganitong story? Simple lang. Uang-una, kailangan kapag nagsulat ka ng ganitong klase ng story, dapat ikaw ay nasa mood. GOOD MOOD. At walng iniisip na kahit anong problema. Maaari kasi iyon makaapekto sa story na gagawin mo. Dedepende kasi ang writing skills mo sa mood mo. Kapag malungkot ka, may possible na hindi maging masaya ang flow ng story. Kasi nga malungkot ka and as a write, sayo yun unang magre-reflect. Hindi ka rin naman pwedeng magsulat nang galit ka o kaya bitter ka, baka mamaya kung anong masabi mo sa story na hindi maganda. Hindi na siya magiging humor diba? So dapat if your write, buong puso at walang kakupad-kupad mo itong gagawin.
Kpag nagsulat ka ng ganitong genre, kailangan mag-isip ka ng mas maganda at kasiya-siyang kasunod. Pigaan nga talaga ng utak ito. Pero hindi mo naman kailangang ma-pressure. Kung hindi pa okay sayo ang mag-update, edi fine, wag ka muna mag-update. Darating ka naman diyan eh. Makakapag-update ka din. Make sure na kapag ginawa mo ang story mo, papanindigan mo. Walang atrasan! Para hindi madismaya ang mga readers mo. Okay? Take time to think happy thoughts na pwede mong mailagay sa story mo. Mas maganda kasing pinag-iisipan, mas maganda ang kinalalabasan. Pwede kang kumuha ng mga scenario na nangyayari sa totoong buhay o kaya sa pang-araw-araw na nangyayari sayo. I-mix mo lang lahat ng yun tapos makakakuha ka ng bright ideas. Diyan masusubok ang creativity mo. Yung pag-gawa ng mga punchlines na hindi magmumukhang korni. Kung ikaw na writer, hindi ka na-satisfied kapag binasa mo ang gawa mo, then stop! Wag mong ipagpilitan. Hindi na nga maganda sayo ehh, sa readers pa kaya?
Syempre dapat yung pag-gawa mo ng humor story ay babagay sa characters na ginawa mo. Baka gumawa ka ng nakakatawang eksena pero serious type pala yung character. Kapag ganun, maaari kang gumawa ng isa pang character na makakapag-portray nun. Sila yung magbibigay ng kulay sa story mo at mgbibigay ng mga punch lines na nakakatawa. Make sure na may originality ka ha? Wag mo na gamitin yung mga gasgas na mga punch lines lalo na kung ilang beses at paulit-ulit mo na narinig. Kung wala na yun epekto sayo, much more sa mga readers. Maari kang mag-isip ng napapanahon o kung ano yung uso ngayon at dun ka mag-isip at bumanat ng punch lines. Pero take note na hindi naman kailangan every chapters kang nagpapatawa. Focus ka pa din sa plot ng story mo. Piliin mo yung mga kaganapan kung saan mo pwede ipasok yang pagiging humoristic ng mga characters mo.
Iwasan mo yung paglalagay ng "JEJEJEJEJEJE!!!! =))))))))" o kaya "HAHAHAHAH!!!!!!!!!" yung meron na ngang emoticon tapos super dami pang exclamation point!!!!!!!!! Nakakairitang makabasa ng ganyan. Hindi mo kailangan pilitin ang mga readers mo na tumawa by having those words. Always make sure na correct spelling ang mga words na sinusulat mo para mas mainam basahin. Hindi ka nakikipag-chat o kaya naman nagte-text mga ate/kuys. Lagi mong iisipin na kung nakakatawa ang story mo, hindi mo na kailangan pang lagyan ng ganun. Kusa yun lalabas sa story mo at makikita yun ng mga readers mo. Malalaman mo yun sa mga magiging comments nila sa story mo. Minsan nga, ikaw pa yung mtatawa mismo kung babasahin mo din ang sarili mong gawa. Mararamdaman mo naman yun since you are the author of your own story. If you convince your self in writing humor story, then you can convince others too.
BINABASA MO ANG
Read and Write
RandomMahilig ka bang mag-sulat? Mahilig ka bang humawak ng lapis at papel o di kaya naman ay mag-babad sa computer/laptop para isulat ang mga wala naman kasusta-sustansiyang bagay? Basta gusto mo lang mag-express ng nararamdaman mo, opinyon, saloobin, hu...