"Hindi ka ba natutuwang makita ako ngayon, Elis?"
Namula ang magkabilang pisngi ni Elis matapos siyang tanungin at ngitian ni Persephone.
Ramdam niya ang kakaibang pakiramdam na lumulukob ngayon sa kanyang dibdib.
"Masaya..." pag-amin niya. Hindi na niya kaya pang labanan ang nararamdaman. Kahit nung una pa lang. Alam niya simula't sapul na hindi basta-basta ang kaniyang nararamdaman.
Kumislap ang asul na mata ni Persy dahil sa sinagot nito. Napangiti siya lalo nang matamis.
"Pwede ba akong mag sleep over sa inyo?"
"Oo naman, Persy. Pwede."
****
Eli POVKung may espada lang siguro akong hawak ngayon, malamang nahati ko na si kuya sa dalawa.
Ipagsigawan ba naman sa daan ang salitang "panget" tapos sakin nakatingin?
Pwede naman kasing "Hoy! Kuripot!" o hindi kaya "Hoy! Ganda!".
Buhat sa huling salitang naisip ay nailing na lang ako.
Pssh...
Imposibleng sambitin iyon ng panget kong kuya.
Ako nga'y hindi ko rin magawa sakanya.
Natawa na lang tuloy ako mula sa aking naiisip.
"Salamat kuya sa pagsabay sa akin," pagpapasalamat ni Kristina sa mokong.
Kuya narin ang tawag niya sa kapatid ko.
"Sus, wala 'yun, Kristina. O sige na, pasok ka na sa loob. Kumusta mo kami ni Eli kay tita," pagpapaalam ni kuya sakanya at ngumiti.
"Sige, kuya. Salamat uli. Eli, salamat," huling salitang sinambit niya bago siya tuluyang pumasok sa bahay nila.
Nagsimula na nga kaming maglakad ni kuya patungo sa bahay. Sabay sabay na kasi kaming bumaba ng tricycle sa tapat nila Kristina kanina.
"Alam mo, Eli... Kung hindi ko lang talaga alam na mag-bff kayo, pagkakamalan ko talagang mag-jowa kayo."
"Kuya!!!" namimilog ang mga matang pinitik ko ang kanang tenga niya na siyang kinasinghap niya sa sakit.
"Ano ba, Eli?! Ay... Ayieee... Namumula siya," tukso pa talaga niya na siyang kinasimangot ko na.
Tudyo talaga to si kuya kahit kailan.
"Sa tagal ng friendship niyo, ni minsan 'di ka na-fall? Hindi na ako nagtaka nung binasted mo noon si Jonathan."
"Kuya nga! Issue ka! Kapag 'yan nalaman ni Kristina!" Pag awat ko sakanya at muli sana siyang pipitikin ngunit mabilis siyang nakaiwas sa atake ko.
Natatawang umiling-iling siya.
"Tapos may Persephone pa."
"KUYAAAAAAAAAAAAAA!"
At ayun na nga, kumaripas na siya nang takbo huwag lang dumapo sa sakaniya ang nakaamba kong pagbatok.
Pagkapasok sa bahay, as usual pulang pula sa kakatawa si kuya. Trip na trip talaga ako.
"Magbihis na kayong dalawa. Kakain na tayo nang hapunan."
"Opo, mame," sabay naming tugon ni kuya.
****
Natapos din ang hapunan na puro asaran lang. Walang bago. Kapag oras na tumahimik ang hapagkainan, magtaka na.

BINABASA MO ANG
Walker Series 4: Persephone
Mystery / ThrillerThe kind of love you grew up with is the kind of love you are subconsciously attracted to. It can be happiness, sadness, or, unfortunately, pain.