Alam na ni mommy ang tungkol sa nararamdaman ko para kay James, siguro nahahalata nya sa tuwing pupunta si James sa bahay namin or mabanggit man lang ang pangalan nya nagiiba agad ang mood ko. As a mother alam kong alam na ni mommy matagal na, hindi nya lang ito sinasabi sakin. I'll take her advice nalang na- si James dapat ang makarealize kung may feelings din ba sya para sakin and I don't have any idea on that.
I'm walking on the pathway of our school when someone just hit me. Aray! Sakit nun ah. Nahulog yung mga librong hawak ko sa pagkakabunggo nya sakin. Bwisit tong lalaking to.
"Ano ba! Are you blind!" Bulyaw ko sakanya ang lawak lawak ng daanan mabubunggo nya pa ako?! Pinulot naman nya yung gamit ko at ibinigay ito sakin.
"Sorry miss, did I hurt you?" Iniabot nya sakin yung books ko. Nabigla ako makalaglag panga ang gwapo nitong mukha. Hindi ako nakapag salita agad nastock ako sa kakatitig sakanya.
"Hey miss" banggit ulit nito habang iwiniwave ang kanyang kamay sa mukha ko. Narealize ko naman na para na pala akong tanga kakatitig sakanya.
"Ah, eh. Its okay" sagot ko. "Ahm, I need to go." Magsisimula na sana akong maglakad ng-
"Wait miss, can I get your number? If you don't mind it? Para naman makabawi ako sayo." Pagtatanong nito.
"Hu-huh? No need I have to go na I have classes" saka ako naglakad ng mabilis. Bullcrap! I was hit by a handsome guy. Shit. Just shit.
Hinihingal ako ng makarating sa classroom. Nakita ko si Joseph andun nanaman sa mga babae, pinagpipyestahan sya kasama ang mga barkada nya. Umupo na ako sa upuan ko, napaaga ata ako kaya kinuha ko muna yung phone at earphones ko sa bag. Para iwas na rin sa mga tilian ng mga babaeng malalandi dito sa classroom. Pinatugtog nanaman ang mga songs ni James hanggang sa nakatulog na pala ako.
"Hey, wake up." sabi ng isang lalaking nasa tagiliran ko. Iminulat ko ang mga mata ko't nakita ko si Joseph ginigising ako. Napaupo ako ng maayos sa inuupuan ko. Lumingon ako sa paligid ko, wala ng tao.
"Asan na sila? Yung prof natin? Bat wala sila dito?" sunod- sunod kong tanong sakanya. Naguguluhan ako.
"Umuwi na sila" tipid nitong sabi saka tumayo.
"Huh? Bakit?" teka? wag mong- "Don't tell me- tapos na ang klase?" tumayo ako saka tumingin sakanya.
"Obvious?" tumingin din sya sakin saka lumapit. Inayos ko na yung gamit ko saka ako nagsimulang maglakad.
"Saglit" muli nyang banggit. Lumingon naman ako sa kanya. Saka sya tinignan ng seryoso.
"Punasan mo yang panis na laway mo" sambit nyang nakangisi kinuha nya na rin yung bag nya. Tinignan ko lang sya ng masakit at hindi ginawa ang sinabi nya. Hindi naman ako naglalaway kapag natutulog no.
Lumabas na kami ng classroom. I checked my phone. What a bad day, dead batt na phone ko. Mukhang uulan pa sa labas ang dilim na, halos wala na ring mga studyante. Naglakad ako papuntang parking lot para tignan si manong driver baka hinihintay nya na ako. Lumingon ako sa kung saan at hinanap ang kotse namin, wala naman dito.
"Hatid na kita." nasa likod ko pa rin pala si Joseph.
"No need, magtataxi nalang ako." saka naglakad papuntang gate ng school.
"Bahala ka, balita ko pa naman yung mga taxi ngayon nangrirape. Ingat nalang ha? Bye." yung sagot niya parang makakaloko. Lumingon ako sa kanya at nagisip habang tinitignan sya papuntang kotse nya. Pagkarating naman nya sa kotse nya binuksan nya yung sa kabilang door hindi naman yun yung driver's seat saka sya humarap sakin. Wala naman na akong nagawa kaya pumunta na ako sa kung saan sya naroroon at pumasok sa kotse nya. He also enter his car, malamang kotse nya to. Pagka bukas na pagka bukas nya ng pinto nagsalita ulit sya.
BINABASA MO ANG
HOPELESS
De TodoMamahalin rin kaya ni James si Nadine kapag nalaman nya ang biggest secret ng kanyang PARTNER IN CRIME? O magiging Hopeless nalang si Nadine kay James. READ TO KNOW IT.