Chapter 9- Coffee Shop

33 4 0
                                    

Natapos ang bakasyon namin ng ilang araw din. Ayos lang ang naging lagay ko sa kabila ng pag-iwas naming magbabarkada kay James. Umuwi kami ng masaya, ewan lang kay James. I know he never wanted us to do that to him. I know he's too eager to be with us, lalo na't kompleto na nga kami.

"Hoy Nadine!" Pag gising sakin ni Joseph. "Kwento ka naman sa vacation trip nyo."

Ang kulit nito! Bangag nga ang tao dito eh. Nakasubsob ang mukha ko sa arm chair ko ngayon, wala akong gana.

"Hmm." Sagot ko lang dito.

"Nasan pasalubong ko?"

Umangat ako sa pagkakasubsob ng mukha ko sa sinabi nya.

"Ang pagkakaalam ko wala ka namang ibinigay na pambili ng pasalubong mo ha." Tinignan ko ito ng mariin.

"Ba--baki-it wala ba?"

"Kung meron man, edi sana binilhan kita ngayon. Edi sana di mo na kailangan pa akong tanungin kung meron nga ba." Sumubsob ulit ako.

"Ito naman! Kahit isa wala?"

"Wala." Sagot ko.

"Kuripot mo naman! Di mo naman kasi sinabi na may vacation kayo e." "Tsk, dyan ka na nga."

Hay salamat umalis din yun.

"Nadz, we need to talk"

Haynaku, isa pa to.

"About what?" Umangat ulo ko.

"We need a private place, not here."

Huh? Ano ba to. Wala ba akong kalayaang magpahinga man lang? Inaantok pa ako oh! Tsk.

"Wait lang, inaantok ako eh." Wala akong kamalay malay nang hilain nya agad ako.

"Yassi! Ano ba sasabihin mo?!" Ang bilis lang maglakad ng babaeng ito. "Hindi ba pwedeng mamaya nalang?"

"Anong mamaya! Hindi pwede, ngayon na."

"Ano nga kasi?!" Sumisigaw na ako.

Huminto ito saka tumingin sakin.

"Ano na?!"

"Kasi nga!" Bulyaw nito sakin.  "Ano nga kasi!" pa-suspense naman kasi to.

"Nahuhulog na ako." Napahina yung sinabi nya.

"Kanino?" Bulong ko.

"Kay..."

"Kay?"

"Andre." Tumingin ulit sya sakin. Magsasalita palang sana ako. "Ssssh! Not here Nadz." Tinakpan nya bunganga ko.

Naku! Sinasabi ko na nga ba eh. May something sa dalawa.

"Is that true?!" Napatingin yung mga taong dumadaan samin. Tinignan ko lang rin sila.

She just noded on me.

"How?"

"Ewan! Basta sa bahay nalang." Bumalik na kami sa kanya kanya naming classroom.

Kaloka yun si Yassi, inlove na pala. Di man lang ako i-inform agad!

"Nadine!" Naku andyan nanaman ang mokong.

"Tantanan mo na ako Joseph. Wala ako sa mood ngayon!" Nasigawan tuloy.

"Wala ka sa mood ngayon? Tara sa puso ko!"

"Naku Joseph tigil-tigilan mo ako sa mga ganyan na bagay ha." Bumabanat eh.

"At bakit? Tara na nga!" Hinablot nya kamay ko saka nya ako hinila dahilan para kami tumakbo.

HOPELESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon