"Try to love her" Yan ang salitang dapat hindi ko sinabi kay James, dapat nga masaya ako kasi he don't have feelings kay Kath diba? But what I just did? I push him, I push him to love her. Siguro nga napaka martyr ko na para itulak pa si James mahalin si Kath, pero masisisi mo ba ako na imbis na sarili ko ang intindihin ko eh ang pinsan ko pang never kong naging close? Ayoko lang siguro mangyari o maranasan nya ang nararanasan ko ngayon, na magmahal ng taong di ka kayang mahalin. Oo sabihin na nating pano nya malalaman na mahal ko sya kung hindi ko sasabihin. Siguro nga takot lang akong layuan ako ni James kung sakaling ipagtapat ko sakanya ang nararamdaman ko. Na mas pinili kong maging kaibigan na lamang nya habang buhay. Iniisip ko rin kasi yung mga memories naming dalawa bilang best friends. Bahala na nga.
Hindi naman ako umiyak sa ginawa ko dahil alam kong wala talaga syang feelings para dito or should I say napagod din akong kakaiyak. Sayang naman kasi kung iiyak nalang ako palagi dahil lang sa nasasaktan ako sa ginagawa ni James. Itinuon ko nalang yung sarili ko sa pag-aaral meron pa naman kaming quiz bukas sa mga minor subjects ko. Alam kong minor lang ito, iba na kasi kung lagi kang busy sa pag-aaral diba? Para na rin ito sa future ko.
Natapos na rin ako kakareview ng mga dapat i-review. Lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig. Nakita ko sila mommy at daddy naguusap sa sala.
"Oh hija, why you're still awake?" Bungad sakin ni mommy.
"I wanted to drink po." Pagbaba ko ng hagdan.
"Sige hija. Uminom ka na." Sagot ni Daddy
Lumakad na ako papuntang kusina para uminom ng tubig. Binuksan ko yung freg may nakita akong brownies, sakto ito ah. Nagugutom na rin kasi ako, di na ako nakakain ng hapunan kakareview. Kunuha ako ng isa, di pa ako nakuntento kumuha ulit ako. Ano magagawa ko, masarap eh. Saka ako uminom ng tubig. Lumakad na ako para bumalik sa room ko.
"Hija" tawag sakin ni Daddy.
"Po?"
"We'll have vacation tomorrow" banggit nito.
"Po? May pasok po ako bukas eh" nagreview pa nga ako eh.
"Tomorrow is saturday hija. Diba you don't have class?" Banggit ni mommy na katabi ni daddy.
"Po?! Saturday bukas?!" Napasigaw ako. Yung review, yung effort ko, yung pagkain. Di pa naman ako nakakain ng hapunan dahil dun.
"Sssh, maids already asleep." Pagsaway sakin ni mommy. Napatakip ako ng bibig ko.
"Why hija? Did I say something wrong?" Gulat na tanong ni Dad. Imiling ako, napangiti ako sa inakto ko.
"Ah-- sorry po wala po yun. Sige po gigising po ako ng maaga bukas." I muttered to them.
"Bernardo family is with us. So you better wake up early." Dagdag ni mommy.
"San po pala?" Habol ko.
"Bora" tipid na sabi ni mommy.
"Okay po. Good Night!" Lumapit ako saka ko sila hinalikan sa pisngi.
"Good Night."
×××
SATURDAY
Naalimpungatan ako, napaaga ata ako ng gising ah. I looked at the clock on my side table. I effin wake up 3:00 am?! Am I that excited? Kahit na ganun ako nagising hindi pa rin ako bumangon sa kama ko. Nakatulog ulit ako.
"Hey, Naddie. Wake up" may gumigising sakin. At niyuyogyog pa ako ha?
"Hmm." Lumingon ako sa gumigising sakin. I scratch my eyes, I just saw a handsome face. Si James? I scratch it on the second time. Si James ulit?

BINABASA MO ANG
HOPELESS
RandomMamahalin rin kaya ni James si Nadine kapag nalaman nya ang biggest secret ng kanyang PARTNER IN CRIME? O magiging Hopeless nalang si Nadine kay James. READ TO KNOW IT.