"BAKIT hindi mo pa tanggapin ang magandang trabahong inaalok sa iyo ni Sir Vince?" usisa ni Gio kay Avon. "Gagawin ka raw muna niyang PR assistant habang pinag-aaralan mo pa ang mga pasikut-sikot ng trabaho. Then, after a couple of months, PR manager ka na."
Isinubo ni Avon ang huling bite ng clubhouse sandwich na kinakain. Saka sumipsip ng mango juice. "Hindi ba nakakahiya? Baka naman isipin ng mga kaopisina mo, kaya ako napasok sa kompanya n'yo, dahil close ka sa boss n'yo."
"Huwag mong intindihin ang kahit na anong sasabihin iba. Ang madalas lang namang pumipiyok ay yung ng mga naiinggit."
"Kung sa bagay, magkano na lang ba ang sinusuweldo ko? Sa taas ng cost of living ngayon, madalas ay kinakapos ako. Kung hindi mo nga ako pinahihiram ng pera, mahihirapan akong iraos ang pag-aaral ni Shayne."
"At ikaw na rin ang nagsabing kailangan nang ipa- renovate ang bahay ninyo dahil sa kalumaan. Unti-unti mong magagawa ang mga plano mo kapag tinanggap mo ang alok ni Sir Vince."
Bakit nga ba siya magdadalawang-isip pa? Hindi niya dapat i-entertain sa isip na nag-aalala siyang mahila ng karisma ni Vince at maging unfaithful kay Gio kapag naging close siya sa lalaki.
"Kung ako sa iyo, iga-grab ko ang opportunity na 'yon," pang-uudyok ni Gio. "Saka ayaw mo bang magkasama tayo sa isang kompanya?"
"O, sige na nga," sabi ni Avon kapagkuwan. Saka humilig sa balikat ng nobyo.
MAGKAHALONG kaba at excitement ang nararamdaman ni Avon sa first day niya sa bagong trabaho sa Millionaire Motors.
Ngayon niya natuklasan kung paanong mang- impluwensiya at magpagalaw ng mga tao si Vince.
Para bang walang imposible para dito. Lahat ng taong gusto nitong sakupin ay nasasakop nito. At nagagawa nito iyon dahil sa yaman at impluwensiyang taglay nito.
Hindi sana niya tatanggapin ang magandang trabahong alok nito kung hindi lang sa nakakatuksong suweldong ibibigay nito sa kanya. Isa pa'y magkakasama sila ni Gio sa iisang kompanya.
"How do you find your new job?"
Napapitlag si Avon pagkarinig sa boses ni Vince mula sa pinto ng kanyang cubicle.
"Heto, medyo nangangapa pa, Sir."
"This is only your first day, lady. Sa tingin ko naman ay fast-learner ka."
"Sana nga, Sir. Para hindi naman mapahiya si Gio sa pagre-recommend niya sa akin."
"Pagre-recommend?" Tumaas ang kilay ni Vince. "Actually, hindi ka niya inirekomenda sa akin. Sarili kong desisyon ang pagha-hire sa iyo."
Ikinagulat ni Avon ang sinabi nito. Akala niya'y si Gio ang naglakad na mabigyan siya ng mas magandang trabaho sa kompanya ni Vince. Pero bakit naman naisip nito na gawan siya ng malaking pabor?
Imposible namang interesado sa kanya si Vince?
Kung interesado man, hindi siguro para seryosohin. Kundi para lang isama sa listahan ng mga babaing dumaan sa kamay nito. Isang babaing puwedeng paglibangan kapag kinailangan nito. Lalo tuloy siyang kinabahan.
HINDI nalubos ang kasiyahan ni Avon nang sumunod na mga araw dahil kahit araw-araw silang magkasama ni Gio sa opisina at magkasabay nagla-lunch, madalas ay hindi naman siya naihahatid nito pauwi. Malimit kasi itong mag-overtime.
Kung may mga pagkakataong magkasabay silang lumalabas, hindi rin naman sila nakakapagsolo. Parati nilang kasama si Vince.
Paano namang hindi nila makakasama ang huli, ito ang nag-iimbita at gumagastos? Hindi naman ito matanggihan ni Gio.
BINABASA MO ANG
PHR Man of My Dreams - The Passionate Devil
RomanceA Novel by Cora Clemente PHR "Ako, I'll give up everything just to make you mine." VINCE ZOBEL III-a gorgeous hunk of a millionaire at thirty-three. What he wants, he gets. Pero bakit hindi niya nagawang paamuhin si Avon-ang babaing kung tutuusi'y m...