SABADO ng gabi. Habang tahimik na nagpapahinga si Avon sa guest room ng villa ay pinukaw siya ng mga katok sa pinto.
Ang maisip pa lang na si Vince ang mapagbubuksan niya'y parang gusto nang mangalog ng kanyang mga tuhod.
But the irony of it, sinuri pa niya ang sarili sa salamin. Sinigurong maganda ang itsura niya. Prinaktis pa niya kung paanong ngingiti na hindi siya magmumukhang tense, bago niya pinihit ang doorknob.
"Kayo pala, Sir..." aniyang pinilit itago ang abnormal na tibok ng puso.
"Why don't you go out? Balak mo bang magmukmok na lang dito while you can enjoy?"
"Dito na lang ako, Sir."
Nasa bewang ni Vince ang isang kamay nito at bahagyang nakakiling ang ulo; that made him look more appealing. "You know what? I like you. Ibang-iba ka sa mga babaing nakilala ko. You're quiet and simple. Naiintriga tuloy ako sa pagkatao mo."
Napalunok si Avon. Iyon ba ang dahilan kaya binibigyan siya ng ganoong atensiyon ni Vince? Naiintriga ito sa kasimplehan niya? Natsa-challenge ito dahil iba siya sa mga babaing naka-date at nakalaro na nito? Dahil hindi siya flirt, game at hayagang nagpapakita ng atraksiyon dito?
"Come, join me. Let's make the most of our three- day stay here. Pagbalik natin sa Manila, isusubsob na naman natin ang sarili natin sa trabaho. Besides, ayokong nagmumukmok ka rito."
"But, Sir--" Ngunit hindi na siya binigyan ng pagkakataon ni Vince na tumanggi. Hinawakan na siya nito sa isang kamay.
"C'mon, let's swim. Kung ayaw mo naman, we can play table tennis."
Nagpatianod na lang siya. Sa totoo lang ay hindi rin niya alam kung paanong palilipasin ang mga oras habang naghihintay ang pagdating ni Gio. Iyon ay kung darating pa nga ito.
Nag-table tennis sila ni Vince. Kahit hindi siya masyadong marunong ay madali niyang nakasanayan at na-enjoy ang paglalaro nito dahil mahusay ang binata.
Pagkatapos ng ilang rounds ay niyaya siya nitong lumabas. Nag-dinner sila sa restaurant na nasa ground floor ng isang hotel and resort. May isang kilometro ang layo niyon sa Villa Royale.
Halos yumukod kay Vince ang mga tauhan ng nasabing establisimyento. Siguro'y madalas dito ang binata kaya kilala na ito ng mga staff.
Hindi nakawala sa pansin ni Avon na kahit saan sila magpunta ni Vince ay natatawag nito ang atensiyon ng lahat ng kababaihan.
Mahirap sigurong maging girlfriend ng lalaking ito.
"Bakit kaya wala pa si Gio?" naitanong na lang niya nang malapit na silang matapos sa pagkain.
"Kung hindi na siya darating, it's okay. I'll take care of you."
"He promised me..."
"Yang boyfriend mo, masyadong workaholic. I bet, madaling yayaman 'yan."
"Kaya nga napapabayaan na niya ako," wala sa loob na daing ni Avon.
"Napapansin ko nga," sang-ayon ni Vince. "But don't worry, kung mapapabayaan ka na niya nang tuluyan, nandito naman ako, Avon."
Nabigla pa ang dalaga nang gagapin nito ang palad niyang nasa ibabaw ng mesa. Naging eratiko ang tibok ng kanyang puso. Sunud- sunod na lunok ang ginawa niya; saka binawi ang kamay.
Salamat na lang at may isang lalaking tumapik sa balikat ni Vince. Naagaw ang atensiyon nito. Ipinakilala pa siya nito sa lalaking nalaman niyang congressman pala from the South at isa sa mga naging participants sa Zobel Cup.
Pero hindi pa rin doon natapos ang nasimulan na. Dinala siya ni Vince sa bar na katabi lang ng restaurant kung saan may banda pang tumutugtog.
Um-order ito ng champagne.
BINABASA MO ANG
PHR Man of My Dreams - The Passionate Devil
RomanceA Novel by Cora Clemente PHR "Ako, I'll give up everything just to make you mine." VINCE ZOBEL III-a gorgeous hunk of a millionaire at thirty-three. What he wants, he gets. Pero bakit hindi niya nagawang paamuhin si Avon-ang babaing kung tutuusi'y m...