Final Chapter

2K 62 5
                                    

KAHIT si Aling Dina ay hindi makapaniwalang tinanggap ni Avon ang marriage proposal ni Vince.

"Ano ba'ng nakain mo't bigla yatang nagbago ang ihip ng hangin?" tanong nito. Kahahatid lang sa kanila ni Vince. Galing sila sa pagdi-dinner sa Da Silva Hotel. Doon na rin pinag-usapan ang mga detalye ng kasal.

Masyadong nagmamadali si Vince. Ang gusto nito'y sa isang buwan na sila maikasal.

"Kung ang bagyo nga, 'Nay, nagbabago ng direksiyon, ako pa kaya?" 

"Sabi ko na nga't mahahaplos din ni Vince ang puso mo, anak."

"Hindi ko siya pakakasalan dahil sa mahal ko siya, "Nay," seryosong sabi ni Avon habang nagpapalit ng pantulog. Ngunit bakit tila nagpoprotesta ang puso niya? 

"Ano 'kamo?" maang na reaksiyon ng ina.

"Gusto ko lang ipamukha kay Gio na siya ang nawalan. Kung nagawa niya akong ipagpalit sa mga pangarap niya, ipagpapalit ko naman siya sa isang lalaking nakakahigit sa kanya. Tingnan ko lang kung hindi umaray ang pride niya. For sure, magugulat siya kapag nalamang seryoso sa akin si Vince at handa akong pakasalan. Mauunahan ko pa siyang abutin ang mga pangarap niya nang hindi ko naman plinano at ginusto."

Gustong mayanig ni Aling Dina sa narinig mula sa anak. "Akala ko pa naman, napalambot na ni Vince ang puso mo dahil sa pagpapakumbaba at panunuyo niya. At na-realize mong napakasuwerte mo para alukin ng kasal ng isang katulad niya." 

Hindi nakaimik si Avon. Napahiya siya kaya yumuko.

"Kung ganyan lang ang dahilan mo, mabuti pang huwag mo nang ituloy ang pagpapakasal sa kanya."

"Nay...." 

"Mali 'yon, Avon. Huwag mong gamitin si Vince para pasakitan si Gio."

Nakalabas na ng kuwarto ang kanyang nanay ay para pa rin siyang tulala. Nahulog sa malalim na pag- iisip.

NGUNIT hindi gumawa ng hakbang si Avon para umurong sa kasal hanggang sa makapamanhikan na sina Vince.

Habang nasa gitna ng preparations, nagdaos ang binata ng en grandeng party sa malawak na bakuran ng mga Zobel kasal. para i-announce nang pormal ang kanilang 

"Ang suwerte-suwerte mo, Ate. Ang yaman-yaman palang talaga nina Vince," panay ang bulong sa kanya ni Shayne. 

"Sshh... ang bibig mo. Baka may makarinig sa iyo, sabihing gigil na gigil tayong maambunan ng yaman ng pamilya nila," saway niya sa kapatid.

Nang matanaw niyang palapit sa kanila ang mag- asawang Marc at Janelle ay sinalubong na niya ang mga ito.

"I'm happy for both of you, Avon," ani Janelle habang yakap-yakap siya. "I think you and Vince are such a lovely pair."

"Thank you," sinserong sabi niya.

"I wonder kung ano'ng ipinakain mo r'yan sa pinsan ko't sa wakas ay nakaisip magpatali," masayang sabi naman ni Marc.

"Tinablan ng love potion na ginamit ko." pabirong tugon niya.

"Pero ngayon pa lang, pinangungunahan na kita, Avon. Ihanda mo na ang sarili mo sa sakit ng ulo. You can't be sure kung titigilan na 'yang si Vince ng mga babaing nagbabaka-sakali pa ring mapansin niya."

"Ikaw naman, tinatakot mo pa si Avon." Siniko ni Janelle ang asawa.

Noon lumapit si Vince sa kanila na kakakalas lang sa grupo ng mga business associates nito. 

"Mukhang ibinubuko n'yo nang lahat ang sekreto ko sa bride-to-be ko, ah."

"Don't worry, cousin, hindi naman lahat, eh. Of course, may mga secrets na exclusive for the boys lang," tugon ni Marc. "O, nandito na pala sina Papa't Mama." 

PHR Man of My Dreams - The Passionate DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon