Chapter 8

1.1K 24 2
                                    

PERO lumalakas ang tilian, ang pagkakagulo. Humahangos na si Vince nang bumalik ito.

"C'mon, kailangan na nating ilabas ang mga importanteng gamit ninyo," sabi nito. Sinundan iyon nang mabilis na pagkilos, binuhat ang mga importanteng gamit nila.

Kung si Vince ay buo ang composure na nailabas ang mga gamit nila, silang mag-ina ay hindi makakilos nang maayos. Nahahawa na si Avon sa pagpa-panic ng ina.

"Avon, Mrs. Esusebio, hindi tayo dapat mag-panic. Walang mangyayari kung matataranta kayo," pagpapakalma sa kanila ng binata. "Everything's going to be all right. Basta't maisalba lang natin ang mga importanteng gamit ninyo."

Everything's going to be all right? Gayong masusunog na nga ang bahay nila? Palibhasa, hindi nito naging problema ang pera kahit kailan.

MABILIS na kumalat ang apoy. Sa isang kisap-mata, marami i nang natupok na kabahayan. Ang konsolasyon na nga lamang ay walang buhay na nadamay.

Hindi na mai-describe ni Avon kung anong damdamin ang nangingibabaw habang tinatanaw nila ang mess na iniwan ng sunog.

Halos himatayin ang nanay niya dahil nang maapula nang tuluyan ang apoy ay eksaktong bahay na nila ang natutupok.

Halos kalahati niyon ay nasunog na.

Nagkalat ang mga tao sa kalsada. Parang dinaanan ng bagyo ang paligid. Paroo't parito pa rin ang karamihan. Maging ang mga gamit ay nagkalat sa kalsada.

Pero sa buong pangyayaring iyon, isang bagay ang buhay na buhay sa kamalayan ni Avon.

Si Vince!

Hindi sila iniwan ng binata. Ito ang naging karamay nila sa mga sandaling iyon.

"Here, inumin n'yo para makalmante kayo," alok nito sa mineral water na inaabot sa kanilang mag-ina.

Hindi niya tinanggihan iyon.

"Calm down, it's over," pang-aalo nito kay Aling Dina habang hinahagud-hagod ang likod.

May shock pa rin kasi ito at lumung-lumo habang pinagmamasdan ang bahay nila na kalahati na lamang ang nakatayo.

"Marami pa rin kayong dapat ipagpasalamat. Walang nasaktan at naisalba naman ang halos lahat ng gamit n'yo."

"Pero nasira ang kalahating bahay na iniwan ng asawa ko," hinagpis ni Aling Dina.

"It's okay. Madaling palitan iyon, Mrs. Eusebio." Hindi man nakatingin si Avon kay Vince, nakikinig naman siya sa sinasabi nito. At sa pagkakataong iyon, may paghangang gustong bumangon sa dibdib niya.

Nasa tabi nila ito sa mga oras na kailangang-kailangan nila. Hindi sila pinabayaan, at hanggang ngayon ay hindi pa rin iniiwan.

Wala sa loob na napatitig si Avon sa binata.

Naka-long-sleeved polo ito na may necktie at naka- slacks na kulay-gatas. Medyo nadumihan na ang dating makintab na sapatos nito. Pero hindi ito nag-alangang sugurin ang pagkakagulo, kahit marumihan ang magandang attire.

Ibang-ibang Vince ang nasaksihan niya kanina. Bumaba ito sa pedestal at tumulong.

Pero bakit nga ba ginagawa nito ang  lahat ng ito para sa kanya? 

"Mas mabuti sigurong doon na muna kayo mag-stay sa bahay ko. Habang wala kayong matitirhan."

Nagkasulyapan ang mag-ina.

Si Avon ang maagap na sumagot. "Maraming salamat na lang. Pero may mga kamag-anak naman kaming puwedeng tuluyan for the meantime, habang hindi pa naaayos itong bahay namin."

PHR Man of My Dreams - The Passionate DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon