Chapter 1

2.2K 40 3
                                    

PATULOY pa rin sa pagtipa sa keyboard ng computer ang mga daliri ni Avon; pero ang dalawang kaopisinang nasa magkabilang desk ng dalaga ay huminto na sa pagtatrabaho.

Napatingala siya sa wall clock na nasa dingding malapit sa pinto: three-forty pa lang. Bakit ang pagre- retouch ng makeup na ang inaatupag nina Mia at Dolly?

"Hoy, mga miss. May twenty minutes pa kayo para magtrabaho. Bakit nagsisipag-retouch na kayo? Sulitin n'yo naman ang ipinasusuweldo sa atin ng mga taxpayers!" pabirong kantiyaw niya sa mga ito.

Natawa sina Mia at Dolly. "Baka nakakalimutan mong Valentine's Day ngayon, 'day! Kaya dapat maagang um-exit sa trabaho para makipag-date. Naghihintay ang mga boyfriends namin, 'no!" maarteng sabi ni Dolly habang pinapahid ng tissue paper ang sobrang lipstick sa labi.

Silang tatlo na lamang ang mga single sa departamentong iyon sa opisina ng isang sangay ng gobyerno.

"Para ka namang walang boyfriend," sabi ni Mia sa kanya.

"Don't tell us wala kayong date ni Gio mo?" ani Dolly.

Biglang nabura ang ngiti sa mga labi ni Avon dahil sa sinabing iyon ng kaopisina. Sa ganda niyang iyon, siya pa ba naman ang mawawalan ng boyfriend? In fact, almost three years na silang mag-steady ni Gio.

Pero tama 'yong kantiyaw ni Dolly. Wala silang date. "Tara na. Sumabay ka na sa amin sa ladies' room para makapagpalit ng damit na pan-date," yaya sa kanya ni Mia.

"Kayo na lang."

"Huwag mong sabihing yang office uniform mo ang ipande-date mo?"

"Sino ba'ng maysabi sa inyong may date ako, 'no?"

"Ha?" sabay pang reaksiyon ng dalawa.

"Bakit, nagkagalit ba kayo ni Gio?" usisa ni Dolly.

"Hindi," matamlay niyang sagot habang nakatingin sa monitor ng computer.

"Kaya lang, nasa Cebu siya, eh. Isinama ng boss niya sa isang business symposium."

"Ipinagpalit ka sa boss niya?" nanlalaki matang reaksiyon ni Mia. ang mga "Alam n'yo na, nagsisipsip para ma-promote kaagad."

"The ever-ambisyosong Gio," sambit ni Dolly. "Paano, de makikipagtitigan ka na lang diyan sa monitor mo? Mauna na kami kung gano'n. Naghihintay na ang mga dates namin. Mahirap nang mawalan ng lugar. Puno yata ang mga restaurants ngayon."

"At motels," dugtong ni Mia na sinamahan ng bungisngis.

"Sige, good luck na lang sa mga dates n'yo. Makarami sana kayo," biro ni Avon sa dalawa para pagtakpan ang lungkot niya.

Buti pa sila, bulong niya.

Past four na nang lumabas siya ng opisina. Nagtuloy muna siya sa SM Centerpoint. Nilibang na lang niya ang sarili para hindi niya maalala ang pagdaramdam kay Gio. Pero hindi rin siya nagtagal dahil puno ng tao ang mall, mga lovers ang karamihan.

Mabuti pang umuwi na lang. Lalo lang niyang maaalala si Gio.

Paminsan-minsan na nga lang kaming lumalabas, na-miss pa namin ang special date na ito, piping-paghihimutok niya.

Pag-uwi sa bahay, agad niyang napansin ang bouquet of roses sa ibabaw ng TV. May pumitlag sa puso niya.

Hindi naman pala siya nakalimutan ni Gio. Agad niyang dinampot ang pumpon ng bulaklak.

"Hindi para sa iyo 'yan, iha," sabi ni Aling Dina, ang kanyang ina. "Para kay Shayne 'yan." Bumagsak ang mga balikat niya, sabay bitaw sa bouquet.

Mabuti pa 'yong kapatid niyang disisais anyos pa lang, may natanggap na flowers. Samantalang siya, na beinte-dos anyos na at naturingang may boyfriend, walang natanggap kahit kalachuchi man lang.

PHR Man of My Dreams - The Passionate DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon