Chapter 9

1.2K 30 5
                                    

ILANG gabing hindi pinatulog si Avon ng marriage proposal ni Vince. Hindi siya makapaniwala. Ngunit isang bahagi ng isip niya ang nagsasabing seryoso ang binata sa iniaalok nito.

Sa dinami-dami ng babaing puwedeng alukin ng kasal ni Vince, bakit ako? 

Hindi ipinatigil ni Vince ang pagpapagawa sa bahay nila. Isa ba iyon sa indikasyon na seryoso ito sa layunin nito sa kanya?

Ang kulit-kulit talaga ng lalaking 'yon, naiiling na saloob-loob niya nang muli niyang dalawin ang ongoing construction ng bahay nila.

Naiinis ba siya o lihim na natutuwa dahil bumabangga na sa kanyang dibdib ang tinatawag niyang "kakulitan" ni Vince?

Magiging ipokrita naman siya kung itatanggi niya sa sarili na lihim siyang kinikilig sa makulit na paraan nito ng panunuyo sa kanya. Mukhang hindi ito titigil hangga't hindi siya napapaamo.

"Mukhang nag-shopping ka, 'Nay," pansin niya sa ina nang abutan niya itong hindi magkandatuto sa paglalabas ng mga laman mula sa plastic bags na may tatak ng isang supermarket. "Saan kayo kumuha ng pera?"

Matagal bago nakasagot si Aling Dina. "Dumaan si Vince dito kanina, kasama si Ding. Tatanggihan ko sana ito pero ipinilit ni Vince. Siya raw mismo ang nag-grocery ng mga 'to. Ipapasauli ko ba?"

Gustong mangiti ni Avon. Hindi niya ma-imagine ang isang kasingguwapo at kasingkisig na tulad ni Vince Zobel na nag-grocery para lang sa kanila.

Aaminin niya, unti-unting lumalabo ang trace ng galit niya para sa binata.

Nakangiti siyang lumapit sa nanay niya, may hinahagilap sa mga plastic bag. 

"Wala bang Pringles at prunes, 'Nay?"

"ATE, MAKAKAPAG-ENROL ba ako this coming sem?" tanong ni Shayne sa kanya bago sila matulog nang gabing iyon. 

Napakamot ng ulo si Avon. Enrollment na nga pala para sa ikalawang semestre. Sa dami ng nangyari'y napabayaan na niya ang responsibilidad sa kapatid. 

Blame your foolish pride, Avon. Binibigyan na kasi siya ng trabaho ni Vince ay siya pa itong nagmamalaki.

"Kasi, kung hindi, magtatrabaho muna ako. Sabi sa akin ni Sir Vince, kung gusto ko raw ng part-time job, puwede raw ako sa kompanya niya."

"Hindi ka hihinto, Shayne. First year college ka pa lang. Itutuluy-tuloy mo ang pag-aaral mo. Babalik na ako sa trabaho."

Umaliwalas ang mukha ang dalagita. "Talaga, Ate?  Kay Sir Vince ba?" 

Tumango siya.

"Hindi ka na galit sa kanya?" 

"Kailangan ko ng trabaho, di ba?"

"Ate, kung ako ikaw, kalilimutan ko na si Gio. At papansinin ko na si Sir Vince. Sa totoo lang, mas totoong tao siya kesa kay Gio."

Nagtumining sa isip niya ang sinabing iyon ni Shayne. Nasaan na ba siya sa puso ni Gio? Bakit ni hindi na ito tumawag man lang sa kanya gayong ang dami nang nangyari sa buhay niya? Totoo kaya ang mga sinabi ni Vince tungkol dito?

Hindi ka mahal ni Gio. Ang mga pangarap lang niya ang mahal niya. Parang tuksong paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isip ang sinabing iyon ni Vince.

ANG DAMI niyang tanong na dapat ihanap ng kasagutan. Kaya kinabukasan ay bumalik siya sa condo unit ni Gio.

Napatda pai ito nang mapagbuksan siya ng pinto. "Hindi mo ba ako patutuluyin?" tanong niya sa tinig na puno ng pagtatampo at panunumbat.

Kahit papaano, hinihintay pa rin niyang makita man lang na sabik itong makita siyang muli. Umaasa pa rin siyang may makakapang lugar sa puso ng nobyo. O... "dating nobyo" sa mas tamang salita?

Hindi pa naman sila totally nagbe-break. Hinihintay lang niyang patunayan ni Gio na pulos kasinungalingan lang ang mga sinabi ni Vince.

"Come in," alanganin pang paanyaya nito.

Matamlay siyang pumasok. Hinihintay niyang sabihin nito: Kumusta ka na? I miss you. Gusto ko sanang tawagan ka o dalawin kaya?"

Ngunit na-disappoint siya dahil sa halip, ang narinig lang niya mula sa bibig ni Gio ay: "What can I do for you, Avon?"

Puno ng hinanakit ang tinging ipinukol niya rito. "Hindi mo pa ako pinauupo..."

"Oh, I'm sorry, I forgot. Please sit down." Naupo siya.

"Sandali lang, I'll get something for you." 

Nang magtungo sa kitchen si Gio, sumunod siya. Once and for all, makikipaglinawan siya rito. Hindi siya maniniwala sa mga sinabi ni Vince kung sasabihin nitong hindi totoo ang mga iyon at sinisiraan lang ito ng binata.

Kapag inamin ni Gio na hindi na siya talaga nito mahal, saka lang siya maniniwala. 

Pero akma pa lang siyang magsasalita nang may marinig siyang boses ng babae.

"Honey, may good news ako sa iyo. Okay na 'yong mga papers natin. Mabuti na lang at tinulungan tayo ng kaibigan ko sa embassy--"

Natigilan ang babaing sumungaw mula sa pinto ng bedroom. Ngunit higit na shock ang inabot ni Avon.

Nagtama ang mga tingin nila. Petite ang babae. Maganda at sexy. Noon lamang niya ito nakita at daig pa niya ang sinaksak sa dibdib.

Hindi siya tanga para hindi maunawaan ang nasaksihang iyon.

Awtomatikong lumipat kay Gio ang matalim niyang tingin. Hindi ito nakapagsalita gaputok man. 

Hindi na rin siya nagsalita pa. Ano pa ba'ng dapat sabihin ? Bumabara na sa kanyang lalamunan ang sakit. 

Mabilis siyang lumayo sa lugar na iyon.

Well, good for both of us. Mabuti na lang at habang maaga'y natauhan ako. Matagal na akong nagpapakamanhid.

Masakit ang ginawa ni Gio. Ipinagpalit siya nito para sa katuparan ng mga pangarap nito.

Hindi siya naniniwalang hindi siya minahal nito. Kaya lang, ginamit siya nito, ginawang kapalit para maabot ang mga pangarap.

Makikita mo, Gio. Mas masasaktan ka sa gagawin ko.

"MARRY me, Vince." Hindi rin mapaniwalaan ni Avon kung paano niyang nai-deliver ang dialogue na iyon sa harap ng binata.

Pagkagaling sa condo unit ni Gio ay natagpuan na lang niya ang sarili sa opisina ni Vince.

"Come again?" Gusto nitong matiyak kung tama ang narinig nito.

"Guwapo ka sana, bingi ka naman pala," nakaingos na sabi niya sa binatang napaahon mula sa swivel chair at napalapit sa kanya. "Hindi ba inaalok mo ako ng kasal?"

Nagningning ang mga mata ni Vince. "Y-yeah... Yeah."

"Then marry me." 

"Are you serious?" hindi pa arin makapaniwalang tanong nito.

"Hindi ka lang bingi, makulit ka pa pala," irap niya. 

Sa isang mabilis na pagkilos ay yakap na siya ni Vince at sinisiil ng halik sa mga labi.

😊***Final Chapter Next****😊

PHR Man of My Dreams - The Passionate DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon