Ang gulo ng isipan, hindi ko maintindihan
Ang bigat ng damdamin, parang ako'y lumulubog sa putikan
Nawawala ang pag-asa, parang walang katapusan
Sa bawat pagkakataon, parang ako'y nababaliw na lamangAng buhay ay parang kulay abo na may duda
Walang kulay, walang sigla, walang gana
Nakakulong sa isang kwarto, walang pakiramdam pa.
Walang kalayaan, walang buhay parang isang tupa,Pilit kong inaalala ang mga masasayang sandali
Ngunit ang kalungkutan ay hindi ko maalis ang nakakubli
Kahit ano pang gawin, hindi ko ito maikubli
Nangingibabaw sa puso't isipan ko ang lungkot at pighatiNgunit may mga sandali rin na nakakapawi ng aking pighati sakin
May mga taong nagmamahal at nag-aalala sa akin
Kahit sa gitna ng dilim, may mga bituin pa rin na kumikinang satin
Hindi ko man nakikita, nararamdaman ko ang kanilang pagmamahal na hindi pipilitinKaya't hindi ako titigil sa paglaban at pagtili
Hindi ko pababayaan ang sarili ko sa lungkot at pighatiHihinga ako ng malalim, aangat ako sa pagkakalugmok at kinang
Simula ito ng pagbabago, simula ito ng pagbangon at pagkinang
YOU ARE READING
Qualm
ŞiirAng "Qualm" ay isang koleksyon ng mga tula tungkol sa mga pagsusubok at labanan ng isang tao sa kanyang buhay. Ang bawat tula ay naglalaman ng mga emosyonal na karanasan at mga pag-iisip na maaaring makatulong sa mga mambabasa na maka-relate sa mga...