Salamin

61 2 0
                                    

Sa salamin ng aking mga matang tinignan,
Nakikita ko ang aking kalungkutan.
Sa bawat paglingon, may nararamdaman
Na bigat na tila ba walang katapusan.

Sa salamin ng aking pagkatao,
Nakikita ang kahinaan ko.
Nakikita ko rin ang aking mga kasalanan nito,
Na sa tuwing gabi ay bumabagabag sa aking mundo.

Sa salamin ng aking pagkatao't buhay
Nakikita ko rin ang aking tagumpay.
Pagsubok nalampasan aking sinabay
Na sa bawat tagumpay
ay may kasabay na sakit at lumpasay

Sa salamin ng aking pagkataong kumakalas
Nakikita ko rin ang aking lakas.
Lakas na magpakatatag sa bawat pagsubok na aking dinanas
Na sa bawat pagbagsak ay laging tumatayong may lunas

Sa salamin ng aking mga mata,
Nakikita ko rin ang aking pag-asa.
Pag-asa sa bawat araw ay patuloy na

lumalaban sa bawat pagsubok na ating dinaanan
ay hindi magpapatalo sa kalungkutan.

QualmWhere stories live. Discover now