Sigundo

34 0 0
                                    

Nararamdaman ko ang lungkot sa aking puso.
Parang dagat na walang katapusan ito,
Na nagdudulot ng sakit at pait na hindi ko
maisantabi sa at madala sa dulo.

Sigundo ng kalungkutan,
Nais kong sumigaw ngunit hindi ko magawang labanan.
Ang aking mga salita'y tila ba nalalamangan,
Ng bigat at hirap na dulot ng aking kalungkutan.

Sigundo ng kalungkutan, luhang tumutulo
Ang mundo ay tila ba nag-iiba ng anyo.
Nawawala ang kulay at kagandahan nito,
At ang aking paningin na dilim ang pumuno.

Sigundo ng kalungkutan, 
Nais kong tumakas at magtago sa lilim ng kadiliman.
Ngunit alam kong hindi ito ang tamang landas na siniliban,
Upang maalis ang sakit na nasa loob ng aking pusong lumalaban.

Kaya't sa kabila ng lahat ng ito,
Patuloy akong lalaban sa aking kalungkutan nato.
Dahil kahit sa segundo ng kalungkutan na nabuo,
Nais kong manatiling matapang at buo.

At kahit pa may lungkot at sakit sa loob ng aking puso,
Hindi ko ito hahayaang malunod at sumira sa aking pagkatao.
Sa kabila ng lahat ng pagsubok at kalungkutanng ito,
Mananatiling matatag at hindi basta basta susuko.

QualmWhere stories live. Discover now