Lakbay

47 0 0
                                    

Bawat hakbang ay parang pagsukong sumukob
Sa kalungkutan na nakabaon sa loob

Lakbay ng walang patutunguhan na sinabit
Sa mundo na puno ng lungkot at pait

Sa bawat sulok ng daan ay
Mga tanawin ay nagdudulot ng pighati't kalungkutan

Ang mga tao sa paligid ay nagdudulot ng pangamba
Nawawala ang saysay ng bawat araw na dala

Lakbay ng kalungkutan,
hindi madaling pag tagumpayan
Ngunit hindi rin imposible na malampasan
Sa bawat hakbang, may pag-asang kasarinlan
at may liwanag sa dulo ng ating daan

Kaya't huwag mag-alala, hindi ka nag-iisang lumaban
Marami pa ang lumalaban sa kalungkutan

At sa bawat lakbay, mayroong pag-asang tumutulay
Na sa dulo ng daan, mayroong liwanag na naghihintay.

QualmWhere stories live. Discover now