Nanginginig ang aking mga kamay,
Namumutla ang aking mukhang nakahimlay,Bawat paghinga ay parang hirap,
Lungkot na naman ang nag-aalab sa aking harap.Isa, dalawa, tatlo,
Sa bilang kong ito
nakatago na kayo,Hindi ko mapigilan ang aking isip sa,
bawat sandali, pumapasok ang takot na
hindi kayang iwasan pa.Paano ba maiiwasan ang ganitong pakiramdam na nadama?
Paano ba haharapin ang mga pangamba?
Ngunit sa gitna ng lahat ng ito ay aking sinasamba,
Hindi ko malilimutan na may pag-asa at ligaya.Kaya't sa bawat pagkakataong ito,
Hinding-hindi ako magpapatalo,Ang lungkot ay hindi magwawagi at hindi sasabay
Dahil ako ay lumalaban at umaasang magtatagumpay.
YOU ARE READING
Qualm
PoetryAng "Qualm" ay isang koleksyon ng mga tula tungkol sa mga pagsusubok at labanan ng isang tao sa kanyang buhay. Ang bawat tula ay naglalaman ng mga emosyonal na karanasan at mga pag-iisip na maaaring makatulong sa mga mambabasa na maka-relate sa mga...